TANGHALAN

18 2 0
                                    

TANGHALAN


Pigil ko ang aking paghinga sa bawat pag apak ng aking mga paa,
Isang entablado't tanghalan ang aking pupuntahan,
Hindi maiwasang mamangha sa bawat papuring natatanggap.
May pagkakamaling hindi na nararapat pang pansinin
ngunit yun pa tila ang tumatak sa nakakarami.

Mahirap magsimula sa tanghalang talento lamang ang iyong dala,
Bitbit ay tatag ng damdamin sa bawat pag indayog ng musikang tao rin ang gumagawa;
May maganda, ngunit dapat handa sa isang pagsabog ng masasakit na salita.

May mga natutuwa ngunit hindi maiiwasang may hindi tatanggap.
Ganyan ang buhay sa ibabaw ng isang tanghalan.
Ngunit gaya mo, ang pag apak sa tanghalan ang saya sa puso ang tangan tangan.
Hindi nararapat katakutan ang isang Tanghalang sa una palang puso na ang namamayagpag.

Kape, libro, at Ikaw.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon