Dalawang beses na nakipagdigmaan
Mula sa makasaysayang nakaraan
Nakipaglaban sa ngalan ng pag ibig
Iwinagayway ang bandera ng pighati
Magkahalong tagumpay at kasawian
Ang nakamtan ng sarili
Panalo sa pagmamahal na nasuklian
Natalo sa pagmamahal na may hangganan
Alaalang hinding hindi malilimutan
Peklat, sugat, bakas ng digmaan
Halos kalahati ng buhay ang natabunan
Sa susunod na mandirigma
Na susubok makipaglaban
Upang ipanalo ang pusong puno ng espasyo
Mahihirapang patumbahin ang bagsik ng nakaraang dalawang digmaan
Masyadong malakas ang mga kalaban
Kinakailangang makuha ang tiwala
Atensyon, pagmamahal at buong sinisinta
Kung ninanais na tunay,
Maipapanalo ng susunod na mandirigma ang paparating na digmaan
At magkakaroon ng tsansang iwagayway ang bandera ng pag-ibig ng sinisinta
Ngunit huling pakiusap, wag nang makipagdigmaan kung hindi din naman tatapusin ang laban
Kung sa huli, ibaba ang sandata,
Dalawang tuhod ang nakalapat sa lupa
Itataas ang mga kamay at sasabihing "suko na"
YOU ARE READING
War of Love
Poetryhindi iisang beses ang pakikipaglaban sa pag-ibig hindi iisang beses ang pagkapanalo at hindi din iisang beses ang pagkatalo kailangan sa bawat pagtaya dapat ay sigurado