Shut your mouth

84 5 4
                                    

Nagising ako na iritadong-iritado ang mukha nang dahil sa walang humpay na pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ito, pinindot, at saka itinapat sa tenga.

Si Sir. Luke pala. Pinapapasok ako kaagad dahil madami daw akong gagawin. At mukhang galit at naiirita ang boses.

Pero dahil sa sobrang antok, humiga ulit ako at pumikit. Dinamang muli ang lambot ng unan, ang kum--

*KRIIING!*

Ugh. Kinuha ko ulit ito at sinagot.

"I said faster! Wag ka nang humiga pa dyan at pumikit para matulog ulit. Be here at exactly 7:30 am. Bilisan mo!" And then he ended the call.

Pano niya nalaman yon? Is he stalking me? Ugh. Wala akong pake. Fvck. I still wanna sleep. Jeez.

Nagmadali ako sa paliligo at pagbibihis para makapasok na. Di na rin ako nakapag-ayos pa. At sa kasamaang palad, medyo traffic. Aysht. Hassle.

"What time is it?" Agad sumalubong sakin ang gwapong mukha ng boss ko, si Sir. Luke. Agad naman akong tumingin sa relo ko.

"Uhh, 8:14?" Patanong kong sabi ngunit kinakabahan din.

"Go to my office. Now." Seryosong sambit at umalis. Lagot na ba ako?

"Uh, sir. Sorry po. Natraffic kasi ako eh. Nagmadali na nga po ako. " pagpapaliwanag ko nang makapasok na kami sa office niya.

"I don't need your nonsense explanation. May meeting tayo with our new client at 8:30 am. Halika na. Dun na tayo para maaga." Hinawakan niya ang braso ko papunta sa meeting room pero inalis ko ito.

"Sir mag-aayos lang po muna ako ng sarili ko bago pumunta don. Di po kasi ako nakapag-ayos sa--"

"No need. You look perfect." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "I mean, fine. You look fine. No need to put anything in your face. It's fine." Pagbawi naman niya dito. Agad naman akong nakahinga nang maluwag.

Sayang. Perfect na sana e. Mehehe.

Natapos din ang meeting kaya't pumunta muna ako sa sarili kong cubicle para tapusin ang mga paperworks at iba pang pinapagawa ni Sir Luke. Nasa harap lang ng cubicle ko ang room ni Sir Luke kung kaya't nakikita ko kung anong ginagawa niya dahil sa glass window nito. Di ko pa pala nababanggit, secretary niya ako.

"Uy Cass! Kamusta? Bat absent ka kahapon?" Nagulat ako nang may bumulaga sa likod ko at nagsalita. Si Charles pala.

"Birthday ng kapatid ko. Late na nga din ako nakatulog kaya muntik akong malate kanina eh." Ako.

"Ahh. Madami ka bang gina-"

*KRIIING!*

"Uh, hello?"

"Pumunta ka dito. May iuutos ako. Bilis." Biglang binaba ni Sir ang linya. Tiningnan ko sya sa room niya at nakitang nakakunot ang noo. Problema nito?

"Ah, Charles. Mamaya nalang. May utos e. Sige. Bye!" Saka siya iniwan dun at pumunta na kay Sir Luke.

*Tok tok tok*

"Pasok!"

"S-sir, ano pong kailangan niyo?"

"Nagugutom ako. Bilhan mo'ko ng Garlic pepper beef, extra rice, Large fries, Chocolate sundae, Mango pie, Tsaka coke."

"Sir, l-lahat po yon?" Pagtataka ko. Andami kaya. Di ba to pinapakain ng magulang niya?

"Oo lahat. May problema?" Nakita kong may kinuha siya sa bag niya. "Oh eto. Bumili ka na din ng iyo. Bilis." Lumabas na ako kaagad bago pa siya magalit. One thousand? Sobra sobra naman yon. Dapat keep the change. Hahaha.

Shut Your MouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon