Troy.
Tae. Parang hindi na talaga magiging kami ulet ni BJ. Tsk. Bakit nga ba ako nakipag-hiwalay? E kahit naman ganun wala naman mababago. -___- nakigaya pa lase ako kila Alex e! Tsk. Bali apat yung trabaho ko. Waiter. Janitor. Kargador. Oo. Kargador sa isang market. Waiter 5pm-10pm. Janitor 10pm hanggang malinis na lahat. Kargador 4am-7am. Sayang din kase ang sweldo 1k a day. Malaking market kase to.
*Sa Restau Nila Jana*
Magka-hiwalay table namin ni BJ.
Kaya nagdecide akong lumapit sakanya at kausapin nalang. Fiancée ko paden naman siya e.
"Hi BJ"
"Hi Mr. Lopez. Kamusta?"pormal naman masyado neto.
"Eto. Pagod."
"Ha? Diba waiter and janitor kalang? Ano nakakapagod dun? E lagi naman malinis yung café namin?"
"Kase tatlo trabaho ko--"
"WHAT?!"sigaw niya
"Ay sorry"dugtong niya.
"So? Ano nga yung trabaho mo?"tanong niya.
"Waiter. 5pm-10pm. Janitor. 10pm hanggang sa malinis na yung café. Kargador--"
"Saan ka kargador?"tanong niya
"Sa Wallion's Market"
"Si Wallion Merendez ba yung may ari?"
Pano niya nalaman.
"Oo. Pano mo nalaman?"
"Putek. Siya yung boyfriend ni Mich. Yung kasama niya sa mall nung naglibot libot tayo dati"
"Ha? Kelan?"tanong ko.
"Yung dati. Nasa moa tayo. Tas inasar pa tayo nila Red na magsosolo tayo"bigla siya natahimik.
"Basta ayun. Tulungan kita makilala siya. Para maging friend mo na den"-BJ
"Okay. Sige. Thanks"
"Welcome"
"So? Kamusta buhay?"tanong ko.
"Medyo maayos naman. Di naman tayo nahahalata na di na tayo mag-on sa campus. Sana lang wag mahalata kase mapapagalitan ako ng principal"-BJ
"Tsk. Tayo nalang kaya ulet?"-Me
Nanlaki yung mata niya.
"Pwet mo. Lul. Magdusa ka. Nakipag-break ka pa kase e"-BJ
"E kase nga nawala sa isip ko na wala ka naman pakielam saken. Campus boyfriend lang naman ako diba? At fiancé mo. E ayun nga nadala ako ng mga ginawa nila Alex kaya ayan. Peste kase e"-Me
Nanliit mata niya.
"What?"-Me
"Tapos na?"nang-iinis ba siya? Naiinis ako ah.
"Nang-iinis ka ba?"tanong ko.
"Haha. Oo. Pero sorry Troy.. Wala na talaga e. Pero pwede naman tayo maging friends lang"
Huminto mundo ko. Friends lang?
Yumuko ako para di niya makita na namumuo yung luha ko. Tska ko pinunasan yun.
"Ahh.. Bj. Alis na muna ako"paalam ko.
"Uuwi kana?"tanong niya
"Ahh.. Oo. Kase ano e. Inaantok na ako"
"Ahh.. Okay. Sweetdreams. Goodnight"
"Okay. Goodnight den. Sweetdreams"sabi ko.
"Te Amo"bulong ko at umalis na.