Chapter 1

2 0 0
                                    

"Oh basta kita tayo sa starbucks malapit sa AU ha? Bye mamsh! See you!" Sabi ni Kim nang putulin niya ang aming tawag sa cellphone. Sunday ngayon kaya nag desisyon kami na mag starbucks dahil tag-ulan ngayong buwan. Masarap kasi mag kape pag umuulan.

Nakapag ayos na ako ng aking sarili at maayos na rin ang aking mga gamit para makaalis na ako. Naisipan ko na mag suot nalang ng turtle neck top at flare pants. Nagdala na rin ako ng black blazer dahil may pupuntahan din ako pagkatapos namin magsama.

"Oh ano? Kumusta? Anong balita?" Salubong sa'kin ni Kim. "Ganun pa rin. Walang nagbago." Sagot ko sakaniya. "Sa dami dami kasing pwedeng mangyari sa'yo, bakit sakit pa na Leukemia?" tanong niya. Tinawanan ko lang siya at umiling.

Dahil sa sobrang stress ko, nagkaroon ako ng sakit sa dugo. Nagkaroon ako ng Leukemia. Last year ko lang nalaman simula nung dinala ako ng isang lalaki sa hospital dahil nawalan ako ng malay nung time na yun kaya siya ang tumulong sa'kin.

Sa ngayon, wala pa naman akong masyadong nararamdaman. Sinimulan ko na rin alagaan at asikasuhin ang sarili ko para hindi na rin ako mahirapan sa huli. Kumakain ako at umiinom ng gamot sa tamang oras. Hindi ko pa naman masyadong nararamdaman ang hirap sa sakit na ito.

Nang matapos na kami magsama, dumeretso ako sa Dangwa para mamili ng bulaklak. Nakapili na ako ng bulaklak at binili ito para sa aking nanay. Dumeretso muna ako sa simbahan at nag dasal bago ako pumunta kay mama.

"Hello, Ma. Kumusta ka na? Sorry ngayon nalang ako nakapunta ulit ma. Sobrang dami ko kasing inaasikaso." Sabi ko. "Ilang taon na ang nakalipas, sariwa pa rin yung sakit na nararamdaman ko simula nung nawala ka sa tabi ko. Miss na miss na kita, Mama ko." Dagdag ko.

Lumalabo na ang aking paningin dahil sa aking mga luha na hindi pa tumutulo. Nawala si mama dahil sa disgrasya nang malaman niya na may ibang kasintahan ang aking ama. Simula nung nangyari yun, wala na akong naramdaman kundi sakit, pagsisisi, at galit.

Medyo gumaan ang aking pakiramdam, tumayo na ako at nagpaalam sa aking ina. Nang matapos na akong dumalaw sa libingan ng aking ina, dumeretso muna ako sa mall para libangin ang aking sarili.

Nagtingin at bumili lang ako ng mga kagamitan para sa condo ko. Tumira na ako magisa nung nalaman ko na may ibang kasintahan ang aking ama. Gusto niya akong kausapin hanggang ngayon pero hindi ko pa rin kayang humarap sakaniya dahil sa ginawa niya sa aking ina.

Nakabili na ako ng mga gamit at pagkain para sa condo ko. Kumain muna ako sa food court dahil medyo napagod ako kakabili ng mga gamit. Pagkatapos ko kumain ay umuwi na agad ako para maayos ko na agad ang mga gamit at para makapag pahinga na rin.

Habang nag aayos ako ng aking mga gamit, meron akong nakitang letter na hindi ko pa nababasa. Sobrang na-curious ako kaya binasa ko muna ito.

"Hello, Ms. Gonzales. I hope you're okay now while you're reading this letter. I'm the guy who helped you. I'm sorry kung iiwan agad kita rito sa hospital. May kailangan pa akong asikasuhin kaya kailangan ko na rin talagang umalis agad. Get well soon, Ms. Valerie C. Gonzales:)

- Your superhero:D"

Nakangiti ako habang binabasa ang letter na ito. Sayang hindi na ako nakapag sabi ng salamat sakaniya. Halata naman atang isa siyang mabait na nilalang kaya gustong gusto ko siyang pasalamatan dahil sa pagtulong niya sa'kin.

Nang matapos na ako magligpit, inayos ko na rin ang aking sarili. Naghilamos ako at nagpalit ng damit para makapag pahinga na ako. Ang sarap pero at the same time ang sakit at hirap magisa pero kinakaya pa naman. Tutuparin ko pa ang pangarap ko maging isang Attorney bago ako sumuko sa aking buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon