12

9 0 1
                                    

Gumising nako ng maaga para mag-luto ng almusal. Pumunta nako sa kusina at kumuha ako ng tatlong itlog at ham sa ref. Iniscramble ko yung itlog, pinirito ko naman ang ham at nag-fried rice na rin ako.

Pagkatapos kong mag-luto ng almusal. Umakyat nako para gisingin sina mama at kapatid ko para mag-almusal na. Bumaba na sila at ako naman pumunta na sa kwarto ko para maligo na at nakapag-ayos na.

After kong mag-ayos ng sarili ko. Bumaba nako para kumain na rin. Umupo na ko sa dinning table. At kinausap ko sina mama  about sa pagbisita ng boss ko... este manliligaw ko.

"Mama, pupunta rito yung boss ko mamaya!" Sabi ko kay mama.

"Talaga anak?" Hindi mapakaniwalang sabi ni mama saakin.

"Opo mama, sabi nya saakin yun kagabi." Sabi ko sa kanya.

Nagulat din ang kapatid ko sa sinabi ko na yun. "Ganun ba anak? Oh sya, maghahanda ako ng favorite mo. Ayun na lang ung ihahanda natin mamaya" sabi ni mama saakin.

Umalis nako sa bahay papunta na sa trabaho. Nang dumating nako sa office namin bigla akong tinawag ni sir at daling-dali akong pumunta sa kanya. Pagkapasok ko sa office nya bigla niya akong hinalikan at hinapit nya ang aking bewang.

Ng matapos iyon. Niyakap nya ako ng mahigpit tumagal ang pagkakayakap saakin.

"I'm so excited to meet your family Brie!" Masayang saad nya.

"Kinakabahan ako Drake..." 'drake?' first name basis.... OMG!! Gosh!!! "Sir Drake po pala! Sorry po sir!"

Tumawa sya ng tumawa.

"I told you in resort, don't call me 'sir' kapag magkasama tayo." Paalalang sabi niya saaken.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Umalis na ko sa office ni Drake at pumunta sa pwesto ko. Lumapit saakin si Mia nagtanong sya about sa pagliligaw ni Drake saakin.

"Brie, kamusta ung panliligaw ni sir sayo? Ayos ba syang manuyo?" Tanong niya saakin.

"Oo naman, maayos naman sya at napaka-sweet naman niya!" Sagot ko sa kanya.

"Sanaol brie! Sana mahigitan mo pa ung ex ni sir at mag-ingat ka don.." sabi niya saakin. "Atsaka worried ako sayo kapag magkaroon ka ng first heartbreak kaya worried ako sayo" dagdag pa nya.

Ngumiti ako sa kanya bago ako mag-salita. "Don't worry hindi ako sasaktan yan ni sir at promise ko sa sarili ko kakayanin ko kahit masakit. Kaya ko Mia pero thank you sa pag-worry mo saakin."

Ngumiti sya saakin at nagpaalam. 11:50 sampung minuto bagong mag-lunch time umalis na kami ni sir sa company para pumunta sa lunch meeting niya with Ms. Smith.

Nagmakarating na kami ni Sir. Drake sa restaurant kung saan kami mag-memeeting with Ms. Smith. Excited nako makita sya maganda kaya sya OMG!! I'm sure maganda sya. Nag pumasok na kami, hinintay namin sya sa restaurant after 5 minutes nandito na sya.

Natulala ako dahil napakaganda nya at sexy niya. Kasama nya ung secretary nya gwapo din. Nagulat ako ng yakapin niya si sir ng mahigpit na mahigpit. Nagtaka ako kung bakit ganon ang pagkakayakap niya kay Drake.

After ng yakapan na yon ng shake hands kaming dalawa at nagpakilala sa isa't isa.

"Hi, are you?" Tanong nya saakin.

Binigyan ko sya ng ngiti bago ako sumagot sa kanya. "I'm Brianne Gomez, and I'm his secretary" sagot ko sa kanya.

"Oh! Hi Brianne, how's Drake being your boss? Isn't ok or not?" Tanong nya ulit saakin.

"Maayos naman po ito po medjo busy po kami sa company this week po.." ngumiti ako sa kanya. "Then, maraming pong meeting si sir next week po." Dagdag ko pa.

"Oh! Drake, you can't take some rest" pagaalalang sabi niya kay sir.

"Don't worry Rebecca, I'm fine" sagot ni sir sa kanya.

Naguguluhan talaga ako kung anong meron sa kanila. Magkaano-ano ba sila? ARGHHHHH.... Wait, Brie wag mong sabihin nagseselos ka?? Ako magseselos no way!!

After 40 minutes na meeting namin with Ms. Smith. Ako na nagdrive sa sasakyan ni Drake. Habang nagdidrive ako naka-tignin saakin si Drake na parang nag-aalala. Inistop ko muna ang sasakyan para kausapin sya. Huminto muna kami sa gilid ng kalsada at nag-usap kami ng mansinsinan.

Huminga muna ako bago ako mag-salita. "Sir?" Tawag ko sa kanya.

"Yes?" Tugon niya.

Huminga ulit ako para kumalma bago magtanong sa kanya. "Magkaano-ano po kayo ni Ms. Rebecca?" Tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng biglang syang tumawa. Bakit sya tumatawa? Anong nakakatawa sa tanong ko? Tsk....

"Why are you asking like that Ms. Gomez?" Patawang tanong niya saakin.

"Syempre, hindi ko alam bat ganun ang concern ng Rebecca na yun sayo?" medjong galit na saad ko.

Tumatawa naman sya at biglang niyang tinanong saakin. "Are you jealous?"

Jealous? No way!!! Hindi ako nagseselos no, never!.

"Bakit naman ako magseselos? Secretary mo lang ako at hindi naman ako ang girlfriend m-" naputol ung sinabi nung nilapit niya ung mukha niya sa mukha ko at hinalikan nya ko ng madiin at pagtapos non may sinabi sya saakin.

"Don't be jealous, don't worry she's my ex.." sabi nya saakin. "..she's not my future anymore but you I found my happiness and future to you" dagdag pa nya.

Ng maliwanag na saakin ang lahat. Ex niya pala sina Ms. Rebecca at sya. Nalungkot lang ako ng kaunti dahil mas maganda si Rebecca kesa saakin and I'm sure makikipag-balikan sya kay Drake.

Hindi ko muna iniisip yan. Magpapasama muna ako kay Drake sa sementeryo dahil bibisitahin ko ang daddy ko sa puntod niya. Bukas kasi ung death anniversary nya baka hindi nako makadalaw bukas dahil busy ako.

Pumayag naman si Drake na samahan ako at gusto niyang makilala ung daddy ko. Nag-makarating na kami sa sementeryo. Nagtutik nako ng kandila at nilapag sa puntod niya ung favorite flower nila ni mommy.

Jefferson M. Gomez

Nov 23, 1971 - Jun 23, 2015

"Hi dad, kamusta nanjan? Alam mo miss na miss kana namin. Lalo na miss ka na ni mama. I'm sure kasama mo na si Lolo Gil ko. Pangako po dad magiging cum laude yang baby boy mong si Kielser Dave Gomez mo magiging architect katulad mo dad pangako ko yan sainyo" malungkot na pagkakasaad ko sa puntod ng dad ko.

Nagulat ako ng biglang nag-salita rin si Drake.

"Sir, I will promise na hindi ko sasaktan ang anak niyo sir and promise sir aalagaan ko po sya at sususportahan ko sya ng higit pa sa buhay ko" masayang saad niya sa puntod ng dad ko.

Napangiti ako sa kanya at yumakap sa kanya. Ng matapos na iyon pumunta agad kami sa bahay upang doon mag-dinner kasama ko si Drake.

_______________________________
Sorry kung ngayon lang ako nag-update sorry po dahil busy po ako sa college applicatio ko po at waiting for my graduation.

:)

Falling In-Love With My SecretaryWhere stories live. Discover now