Andrea's Point of View
"Oh, we're here!" Masayang sambit ni Sabrina na nasa likod ko lang.
Humikab ako at dahan dahang ibinaba ang wayfarer na suot ko at agad ko rin namang ibinalik sa pagkakasuot. Damn, ang init dito. Kumpara mo sa weather sa Korea ay ibang iba ang timpla ng panahon sa lugar na ito.
Okay, I've been here. Actually, all of us. Sinasama naman kami rito ng mga magulang namin dito pagminsan, para raw hindi makalimot. That's why marunong akong magtagalog kahit na sa Korea ako nag aaral. Tagalog naman ang salita sa bahay kaya sanay na sanay ang dila ko. The same goes for my friends.
"Nasaan na ba iyong susundo sa atin para ihatid tayo sa bahay na binili ng mga tita natin while we're here? I want to rest." Maarteng pagkakasabi naman ni Alexis. Hindi na rin bago, sa aming apat ay siya iyong maarte talagang magsalita while Sabrina ay mas maarteng kumilos pero mas normal naman magsalita. As for Lucille, ewan ko diyan, laging mainit ang ulo. Pinaglihi pa ata ng nanay niya sa sama ng loob. Ako lang ata talaga ang normal sa aming magkakaibigan.
Nakakita kami ng maliit na banner kung saan nakasulat ang pangalan namin. Agad kaming lumapit sa lalaki at ibinigay ang mga gamit. Kagaya ni Alexis ay gusto ko na ring umuwi para makapagpahinga.
"Okay, I really want to rest but I want to go shopping, too. Which shall I do first?" Tiningnan kami ni Alexis matapos niyang itanong iyon.
"Duh, did you really have to ask that? Syempre," umirap si Sabrina. Humilig nalang ako at ipinikit ang mga mata. Iidlip muna ako habang nasa byahe.
"Shopping!" Sabay nilang sabi bago magtawanan sa likod. Napairap ako. Kung magsha-shopping sila ay hindi naman ako sasama. I can do that on the other day, sa ngayon ay gusto kong magpahinga lang.
"I'm not coming with you," malamig na sabi ni Lucille.
See that freaking attitude of her? Lagi iyang ganyan. Laging mainit ang ulo. Akala mo menopausal stage na kahit hindi pa. Sa lalaki lang malambing.
"KJ!" Sigaw ni Alexis. "Ikaw Sabrina?"
"Gusto ko rin, but on the second thought, I really want to rest."
Hinayaan ko na silang magdaldalan doon. Makakapaghintay naman ang kwento pero ang tulog at pahinga ko ay hindi.
Nakapikit man ang mga mata ko ay hindi naman ako talagang tulog. Hindi ko malaman dito sa sistema ko. Ramdam na ramdam ko ang pagod dahil sa byahe pero gising na gising ang diwa ko.
Naalala ko ang ilang paalala nila Tita sa amin bago kami umalis ng Korea. Ang sabi nila ay huwag daw naming ilalantad ang pagkatao namin sa iba dahil baka maging ang mga taong hinahanap namin ay hinahanap din pala kami.
Bakit nga ba magkagalit ang grupo naming mga Casanova at ang grupo ng mga Gangsters na iyon? Malay ko rin. Ang alam ko lang ay may nangyari sa nakaraan kaya nagrambulan ang dalawang grupo. Kung ano man ang dahilan ay wala na akong pakealam. Mabilis lang naman ang trabaho namin dito, ang kumuha ng inpormasyon.
Our plan is to seduce them. Since mga lalaki ang mga iyon at mayroon sila ng tinatawag nilang instinct at dahil doon ay mabilis lang siguro sa aming apat ang landiin sila. Bahala na sila kung mahulog sila sa patibong namin.
As of now, wala pa kaming sapat na inpormasyon tungkol sa kanila. May mga tao namang nag iimbistega sa kanila kaya once na nalaman nila ang katauhan ng mga iyon ay agad nilang ibibigay sa amin.
Hindi kami pinanganak na malandi. Sa katunayan niyan ay hindi rin namin maintindihan noon kung bakit papalit palit ng lalaki sila Tita, kung bakit hanggang ngayon ay wala silang asawa. Kahit na may anak si Tita Ana.

BINABASA MO ANG
Gangster Princes VS. Casanova Princesses (AVAILABLE ON DREAME)
ActionThe Four Families Series #1 Night clubs, boys, one-night stand. Iyan ang kinalakihang mundo ng grupo nila Andrea, Alexis, Lucille at Sabrina na tinaguriang Casanova Princesses. Unfortunately, nabigyan sila ng isang misyon na magpapabago ng takbo at...