CHAPTER 4:

74 3 2
                                    


TASH's POV.
At ngayon ang araw na maghahanap uli ako ng pwede kung pasukan.

Minsan naiisip ko na gusto ko ng sumuko, pero hindi pwede dahil meron akong kapatid.

Inayos ko ang sarili ko at nag handa ng umalis.
Ngapala si Ivan maagang pumasok sa eskwelahan. Ayaw na ayaw kase nun ang nahuhuli.

"Kuya sa Centro lang ho" sabi kay manong tsuper.

"O ikaw nga Hija kung hindi ako nag kakamali ikaw yung naging pasahero ko nung nakaraan hindi ba?" Tanong saakin ni Manong habang nag mamaneho.

"Ah opo ako nga po" sagot ko

"Mukhang araw-araw kang nag pupunta sa centro ah, at mukha kang mag hahanap ng trabaho tama ba?" Sabi ni Manong

Haha galing naman ni Manong. Biruin nyo halata pala sa itsura ko na mukhang naghahanap ng trabaho. Hayss

"Ah opo, nagbabakasakali ho akong makahanap ng magandang trabaho" sagot ko

"Nako Hija, sanay makahanap ka ng magandang trabaho at pag palain ka sana ng Diyos" sabi naman nito.

"Sana nga ho" nakangite kong sabi.

"Oh narito na tayo" sabay tigil nitong sasakyan.

"Manong ito po ang bayad ko" nakangite kong sabi.

"Nako hija wag na! Libre ko nayan saiyo, o sya alis na ko!" Paalam ni Manong.

"Naki maraming salamat po!" Masayang sabi ko.

"Walang anuman yun Hija!" Sabay alis nito.

Vote!!

 she's dating Mafia boss Where stories live. Discover now