Loving someone who can't love you back is hard.
But being loved by someone who's secretly loving another girl is much of a torture.
Almost perfect na sana ang relasyon namin. Kaso sadya atang hindi siya marunong makuntento at naghanap pa ng bago.
Since then, I've realized na hindi pala talaga lahat ng pangyayari ay papabor sa atin. Minsan, kahit gaano pa man natin gusto ang isang bagay, wala tayong magagawa kapag tadhana na mismo ang humadlang.
Mahal ko siya eh. Mahal na mahal. And I'm willing to give up everything just for him. Pamilya ko ang kalaban namin, pero handa akong ipanalo ang laban na iyon.
Bakit?
Kase may nakapag sabi sa akin noon na,"Always choose to be happy. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Piliin mo kung saan ka liligaya."
Siya ang kaligayahan ko. Siya yung taong muling nagparamdam sa akin kung paano maging masaya.
Pero paano?
Paano ko gagawin yun kung sa kabila ng ng paghigpit ko ng hawak sa kanyang mga kamay ay siya rin na pilit niyang pagbitaw?
Paano ko pa ibubuhos sa kanya yung pagmamahal ko kung hindi na ako ang tinitibok ng puso niya?
Paano ko pipiliin ang kasiyahan ko kung siya mismo ay hindi na maligaya sa piling ko?
Paano ko pa aayusin kung may iba na palang umaayos?
At higit sa lahat, paano ko pa tutuparin ang mga pangarap na sabay naming binuo, kung sa pag-alis niya'y tila namatay ang kalahati ng puso ko?
Kahit pala gaano kaperpekto ang relasyon niyo, darating pa rin kayo sa puntong hiwalayan. Ibinigay lang pala talaga siya sa'yo para maging panandaliang kasiyahan at maging isang aral.
Pero patuloy pa rin akong aasa na sana kapag pwede na, muling kaming magtagpo at sa puntong iyon sana may pag-asa pa. Sana pwede pa.
I just hope that when the perfect time comes, I am already fated to love him.
--------------------
Please bear with me, I'm just a newbie so my story won't come much appealing, but I hope you support me all through out my journey. Thank you!
YOU ARE READING
Fated To Love You
RomanceKaizhelle Gwynne Clemente a girl who has everything. Wealth, beauty, career, luxury things - name it she all have it. Pero pagdating sa usapang pag-ibig dakilang sawi.