Guio's POV
Sinundo ko si Lailah sa bahay nila. Kailan kaya ako mamahalin nito?
"Sorry kung matagal." Lailah
"Okay lang. Tara na?" Ako. Nag nod lang sya tapos umalis na kami.
Nandito na kami sa loob ng car. Ang tahimik nya ata?
"Okay ka lang?" Ako
"Huh? Oo. Inaantok lang ako" Lailah, tapos ngumiti sya.
*Fast Forward*
*School*
Pumasok na kami sa classroom. Mag katabi kasi kami ni Christiana. Si Lailah katabi si Rico, yung pinagseselosan ko.
"Yung Rico ba nililigawan si Lailah?" Ako
"Dapat. Pero, hindi nya magawa kasi IKAW! Masyadong seloso!!" Christiana. Napalakas yung pag sigaw nya kaya pinagalitan kami ng teacher namin.
"KEEP QUIET!" Sabi ni Ms. Datu Puti. Ay, Ms. Baby pala.
*recess*
Recess na kaya nilapitan ko si Laiah. Pero bago ako makalapit kay Lailah nag salita si Rico.
"Lailah, hatid kita pauwi mamaya?" Rico. ANOOO DAAAWW!
"Hey! *akbay kay Lailah* may lakad kami mamaya kaya hindi mo sya pwede ihatid." Ako.
"Ah, sorry Rico." Lailah
Umalis na kami tapos binatukan naman ako ni Lailah.
"Ang sama mo kay Rico!!" Lailah
"Anong masama dun?!" Ako
"Nag offer lang naman sya na ihatid ako eh tapos sisingit ka." Lailah
"Edi sorry." Ako
"Hay nako! Dapat kasi di ka na lang sumingit eh." Lailah. Naiinis na ako ah!
"Wala na eh. Nasabi ko na" ako
"Kausapin mo ulit sya. Sabihin mo okay lang sakin na ihatid nya ako." Lailah.
"ANO BA LAILAH?!" Sigaw ko
"Bakit ka ba sumisigaw? Dali na sabihin mo na sakanya." Lailah
"ANO BA LAILAH?! GUSTO MO BA SA LALAKING YUN?!" Ako. Galit na galit na talaga ako.
"Hindi. Ay wait, nag seselos ka ba?" Lailah
"OO LAILAH! NAG SESELOS AKO! DYAN KA NA NGA!" Ako tapos umalis na ako.
Lailah's POV
Nag walkout si Guio dahil nag seselos sya. Cuteee! :''''>
Ay shemay! ERASE, ERASE!
Nandito ako ngayon sa locker room. Magkakatabi lang kami ng locker nila Christiana.
"Oy! Nakita mo ba si Guio?" Ako
"Pano namin makikita eh magkasama tayo?" Christiana, ang sungit talaga nito.
"Oo nga." Jhanelle
"Haaay nakoo. Nasan na kaya yun?" Ako, habang sinasarado ko yung locker ko.
Naglakad ulit kami papunta sa canteen. May mga ng bubulungan na babae rinig naman.
"Uy! Nakita nyo ba si Guio kanina?" Girl 1
"Oo! Grabee! Ang sungit nya ata ngayon." Girl 2. Masungit? Ganon lang naman yun pag galit sya eh.
"Oo nga! Bakit kaya?" Girl 3
"Ewan." Girl 1 and 2
Binaliwala na lang namin yun at naglakad na papasok sa canteen.
"LAILAAAAHH!!!! NAG WAWALA SI GUIOOOO!!!!" Sigaw ni Catherine, classmate namin.
"Huh?! Asan sya?" Ako
"Nandun sa rooftop!" Catherine.
Tumakbo ako papunta sa rooftop. Grabee! Nag wawala nga talaga sya!
"Ano ba kulang sakin? Bakit ba di nya ako kaya mahalin?! Tska bakit ba parang mas gusto nya makasama yung Rico na yun?! ANO BA KULANG SAKIN?!!" Guio
Hindi muna ako pumasok sa loob dahil na realize ko na, ang tagal tagal na niya akong minamahal pero ako parang wala lang sya sakin.
Mahal ko naman siya eh. Natatakot lang ako na sabihin ko yun sakanya kasi baka, iwanan niya ako.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Authors Note:
Wohooo! :)
PS: I've changed my mind. Baka lumagpas toh ng 10 chapters. :)