Naiinip na ang hitsura ni Avery dahil sa tagal ng pag putok ng baril sa kaniya ng kalaban. Hinihintay niyang iputok ito sa kaniya ngunit para bang nag dadalawang isip ang lalaking may hawak ng baril. Si Avery ang pinakamalakas na assassin sa kanilang larangan. Hostage nila ang kapatid ni Avery, upang hindi madawit ang kapatid niya isinuko niya ang kaniyang sarili.
“Tangina!” mahina siyang napamura dahil iniisip niya kung bakit pa niya kailangan iligtas ang kapatid kung gayoon naman ay parati silang hindi mag kasundo.
Napangisi ito dahil nakita niyang nanginginig ang lalaking may hawak sa kaniya, “Don’t wait for me to shoot you first before you could even lay your fucking hands on me.” pilyong aniya.
“S-Shut up! H-Hindi ko naman ito ginusto!” natataranta ang lalaki na tila ba’y napilitan lang siyang gawin ito “Buhay ko rin ang nakasalalay dito!”
“Not my problem,” she shrugged.
Kinuha ni Avery ang pagkakataon dahil iniisip niyang kung hindi siya kikilos ay baka siya ang mapatay o ang kapatid niyang babae na si Aurelia, kaya mabilis niyang naagaw ang baril nito. Gulat na gulat ang lalaki ngunit bago pa man ito makapagsalita walang alinlangang ipinutok ni Avery ang baril sa lalaki.
She's a ruthless assassin.
Biglang bumukas ang ilaw, lumitaw doon ang babaeng naka maskara na hawak ngayon ang kapatid niya. She has been surrounded by full of men.
Pumalakpak ang babaeng naka maskara bago niya malakas na hinagis ang kapatid ni Avery, “Hanga talaga ako sa angking galing mo, Avery Ellara! Biruin mo, ilang beses na kitang ipinapapatay pero buhay ka pa rin? Hahahaha! May lahing pusa ka nga talaga.”
Napangiwi sa Avery dahil malakas na tumilapon ang kaniyang kapatid. Iniisip niya kung hindi lang ito nakatali ay tiyak akong pinaglalamayan na ang babaeng nakamaskara. Ang ayaw pa naman ni Aurelia sa lahat ay iyong hinahawakan siya.
“Ako lang naman ang gusto mo hindi ba? Bakit kailangan mo pang idamay ang kapatid ko?” kalmadong aniya.
“Well, if i can’t kill you why not your sister, right?” nagpupumiglas si Aurelia nang marinig niya ang sinabi ng babae.
“Then, kill her!” pinagpag ni Avery ang damit niya at akmang aalis “Don’t blame me for protecting myself, Sis!”
Hindi makasigaw si Aurelia dahil sa duct tape na naka takip sa kaniyang bibig.
Hindi makapaniwala ang babae dahil kaya niyang ipahamak ang kapatid niya makaligtas lang. Maging si Aurelia ay nanggagalaiti na rin sa galit iniisip niyang kapag siya ay nakaalis doon ay talagang mag kakaroon ng gyera.
Ngunit mali ang inaakala nilang tatakas si Avery dahil kumuha lang siya ng tyempo para mapatumba ang mga alagad nitong nakabantay.
Mabilis niyang pinaputok ang baril sa paligid, napamura siya nang malamang isa na lang ang natitirang bala. Mabilis siyang gumulong upang makalapit sa kapatid niya at itinutok ni Avery ang baril sa babaeng naka maskara.
“Any last words?” napangasar ang mukha niyang nakatitig sa babae.
“You–i could've killed you right in the moment but i guess i will die right here! Hindi ko makakalimutan kung paano mo pinatay ang magulang ko! Huwag kang maging kampanti, Avery, dahil sisiguraduhin kong mamamatay ka ngayon, kung hindi man ako ang makakapatay sayo at least, mamamatay ka!” umuusok na ang ilong nito dahil sa galit.
“Hmm... Who’s your parents? Sa dami ng pinatay ko wala akong maalala.” mas lalong nanggalaiti ang babae dahil sa kayabayang sinabi ni Avery.
Hindi basta-bastang pumapatay si Avery, may dahilan ang lahat. Mabait ka man o masama kung ikaw ang nais na ipapatay, walang dahilan para hindi ka patayin.
BINABASA MO ANG
My Journey In My Life (On-going)
RomanceA ruthless assassin who died and reincarnated to the girl who always get bullied and a weak girl who still hasn't wake up from attempting suìcide.