"Ma!" tawag ko kay Mama habang tumatakbo sa may kataasan naming hagdanan. Nasa ikalawang palapag kasi ang maliit naming terasa kung saan madalas naglalagi si Mama. Eksayted na akong ipakita ang grado ko dahil lahat ay matataas at tiyak na magsasabit na naman sila ni Papa ng medalya sa Recognition Day.
Tama nga ako, nasa terasa sila ni Papa at sabay na nagkakape. Pareho silang nakangiti habang iniaabot ko ang card ko na puro line of nine.
"Galing..." tuwang-tuwa si Papa, ramdam ko na proud siya at ipagyayabang niya na naman sa mga kumpare niya na may matalino siyang anak.
"Ilan kaya ang magiging medal ng anak ko?" kunwa'y hinuhulaan ni Mama. Ang luwang ng ngiti ko dahil wala naman talaga akong ibang gusto kundi ang ipagmalaki nila.
"Ahm..pwede na po ba ang walo?" bahagya ko pang itinaas ang panga ko at nameywang na tumayo ng tuwid.
Masaya kaming nagkatawanan. Halakhak lang nila ang marinig ko tila premyo na hindi kayang tumbasan ng alinmang regalo sa mundo.
Ang Mama't Papa ko lang ang nagpapasaya sa'kin. Oo, aaminin ko spoiled at mataray akong bata sa school. Lahat ng gusto ko nabibili ko dahil afford naman nila Papa't Mama dahil bukod sa nag-iisang anak lang ako, isa kami sa may malawak na lupain na pataniman ng mais at pinya sa lugar namin. Ang Papa ko ay isa sa maituturing na matagumpay na negosyante at nirerespeto sa bayan namin.
"Anong gusto mong gift?" tanong ni papa.
"Kahit ano Pa." mas lumuwang ang ngiti ko. Papa's girl kasi ako at kung saan si Papa naka-buntot ako. Si Mama kasi, strict ng konti di gaya ni Papa na konting lambing ko lang napapapayag ko kaagad.
Umingos si Mama kahit bahagyang natawa. Mabilis ko siyang niyakap para hindi magtampo.
"Mama..." syempre ngingiti lang siya. Babaygirl niya ako eh. Wala naman siyang magagawa kapag naglambing na ako.
Nagpaalam na ako na magbibihis na ng uniporme. Eksayted na agad ako para bukas. Ikukwento ko kina Adeline at Arlene na may bago akong ipapabili kina Papa. Tiyak maiinggit na naman sa'kin ang mga 'yun. Palibhasa hindi nila kayang bilhin ang mga gusto nila. Gusto ko talagang magyabang sa mga kaklase at kalaro ko. Sikat na naman ako sa harap ng mga kaibigan ko.Mabilis akong nakapagbihis at tinungo ang kusina. Nakita kong abala sa pagluluto si Ate Emy, siya ang tagaluto namin. Sabi ni Mama, baby pa lang ako nasa amin na siya pati si Ate Malyn. Naamoy ko na ang umuusok na laman ng kaserola, natakam ako ng maisip na tiyak ang paborito kong sinigang na tanigue.
"Gutom ka na ba?" tanong ni ate Emy."Opo." marunong naman ako gumamit ng po at opo kahit maldita daw akong bata sabi nila.
"O siya, ipaghahain na kita." ipinagsandok niya ako at mabilis akong nakapaghugas ng kamay kahit pa gagamit ako ng kutsara.
Magana akong kumain. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang matataas kong grado. Ang totoo, hndi ako ganun katalino. Pero paborito kasi ako ng mga guro ko dahil mabait daw ang mga magulang ko. Kami kaya ang may pinaka-malaking donasyon sa School, lagi ding School President si Papa mula ng nag-aral ako sa pinapasukan kong School. Galante kasi si Papa at madaling lapitan na hindi ko namana dahil ayoko ngang basta nagbibigay, para saan?
Ang akin ay akin lang.
BINABASA MO ANG
My Secret Diaries
RandomSa edad na siyam na taong gulang, dumanas na ng matinding kalungkutan ang batang si Mydee Alvarez. Ang masayang pamilya na kinalakihan ay naging pansamantala lamang dahil sa isang iglap ay naging tila bangungot na sa araw-araw ng kanilang buhay, nag...