CHAPTER 23

5 1 0
                                    

"Huwag mo na 'tong uulitin ha?", mahinahong aniya.

"Kailangan ko siyang mahanap", mapride kong sagot.

Hindi naman nila ako nauunawaan e. Mahalaga sa akin si Fhaye. She was my everything. She show me how to embrace myself. She pull me out to my comfort zone to show what the world had to me. Nag grow ako as a person because of her. Siya, laging siya. Siya lahat nagparealize sa akin no'n, walang makakaunawa sa akin dahil hindi nila yon naramdaman. Hindi nila yon alam at lalong hindi nila yon naranasan.

Kalinga, pagmamahal, at paguunawa. Hindi nila yon alam. Si Fhaye lang ang ganoon sa akin. Na kahit alam niya kung anong nakaraan ko, wala siyang paki because she knew that it won't define me. Hindi ako yon eh, bata lang ako noon. At lalong hindi ko yon magagawa. It was my father and not me.

"I know, ako din naman eh. Pero Josh, pinag-alala mo kaming lahat. Ang layo ng narating mo", tumingin siya sa akin bago muling ibaling ang tingin sa daan.

"Hindi mo ako naiintindihan. Gusto ko siyang makita", saad ko.

"Naiintindihan kita, Josh. Ano ba? Ang sinasabi ko lang, hindi ka pa totally healed. You need rest, bugbog sarado ang katawan mo nung naaksidente kayo", aniya.

"Alam ko", sagot ko.

Alam ko kasi naramdaman kong may sumuntok sa akin. Sa mukha ko, sa katawan and everything. Naramdaman ko pero hindi yung sakit ng katawan ko. Alam ko lang na may sumusuntok sa akin. Hindi ko lang alam kung sino.

"I'll help you to find her", sabi niya.

Natawa ako. "How come, you didn't know where is she?", sabi ko.

"Josh, wala naman akong alam sa plano niyong dalawa eh"

"Oo, wala kang alam. Pero pinsan mo siya, your family probably talked about it", hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman ko.

She was my friend, a cousin of my girlfriend. And i feel like she was hiding something i didn't know. Hindi ko lang talaga alam ang mangyayari kung totoo ang nararamdaman ko.

"Alam mong si Fhaye at Ally lang ang close ko sa pamilya namin. You know, they hate us", aniya.

"Can you please stop reasoning that out?", sabi ko.

"I'm not! Yun ang totoo, Josh. Tumigil ka nga, pati ba naman ikaw magiging ganito na rin?", tumingin siya sa akin. Hindi makapaniwala sa inaasal ko. "Can't believe you, parang hindi ikaw ang kaibigan ko ah", sabi niya pa at hindi na nagsalita pang muli.

Hindi ko na nga rin kilala ang sarili ko, Amara. Simula nang mangyari ang lahat, naging iba na ako. And i think, it was right.

Hindi tayo laging magiging sarili natin habang buhay. Magbabago at magbabago rin tayo. Maybe because of our different experiences. Hinuhubog tayo nito para sa susunod na bersyon ng mga sarili natin. And that what i think is happening to me.

She drop me off right in the apartment but before i could stand up, she said. "Wala talaga akong alam, Josh. Believe me or not, but i'm not gonna lie. But I'll help you find her. Gusto ko rin siyang makita", she painfully smile at me.

Hindi na ako sumagot pa at pumasok na sa apartment namin. Nagulat pa ako dahil iba iba ang pwesto nila malapit sa pintuan, malamang ay inaabangan ako.

Matapos yon ay natulog na ako. Pagod na ako, gusto ko ng pahinga.

----

Years had past. I graduated.

"Congrats, Joshua!", malawak ang ngiti ng bawat isa.

Nagulat ako, pero expected ko na may surprise sa akin. Still, i got surprised.

Pag pasok ko sa loob ay may kulay blue na balloons na letters ang shape. Nakalagay ay 'Congratulations, Joshua Venice'

Loving you has consequences (COMPLETED) Where stories live. Discover now