P.D.S One Shot Series 01

8 2 0
                                    


Nalalakad ako ngayon sa hallway ng isang pinaka matandang ospital dito sa aming lugar, ang Santa Katarina Hospital. Ako si Zoe Laverne, 26 anyos at isa akong nurse dito. Kasalukuyang nanliligaw sa'kin si Kayecee na isang Doctor dito. Napaka-bait niya, napaka-ganda, matalino, family oriented at napaka-galang. Ilang buwan niya na rin akong nililigawan at dahil sa mga diskarte at pinapakita niyang pagmamahal at alaga niya sa'kin ay nahulog na din kaya kaunti at malapit na at sasagutin ko na siya, naghahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo para sabihin sa kanya na...kami na.

ahiii kilig medyo mare. Nakakainis kaya siya, napabaluktot niya ako:(( pero oks lang ganda niya kasi i love youu kaykay!

Speaking of Kayecee, here she comes. Naglalakad siya na may stethoscope sa balikat habang hawak-hawak ang mga papeles at mukhang busy din siya kaya hindi ko na siya pinansin para hindi pa siya magulo sa ginagawa niya. Papasok na sana ako sa Nurse Station 3, ang station ko kung saan ako naka-assign. Nagulat ako nang makita ko na nagkabungguan si Kayecee at si....Faye! Shemay lagot na!

Si Faye kasi ang pinaka-strict sa Hospital ng Santa Katarina at nakakatakot siya dahil sa mga chismisan na kumakalat sa kanya kesyo sa gabi daw nangangain ng laman ng loob ng mga patay na katawan dito bago dalhin sa purenarya at ang target pa daw is yung mga fresh pa na kakamatay lang at kadalasan ng mga nawawalan ng loob na katawan kapag pasyente niya. Minsan pa nga daw nakita nila na may dugo ito sa kamay, tumutulo-tulo pa ang dugo.

"What the hell-- tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Be professional, Kayecee! Look..my coffee...spilled!" Saad nito habang nakatayo ng deretso na nakatingin sa kanya na parang mangangain.

Natapunan ang brown vintage color button down polo ni Dr. Faye pati na rin ang white coat niya ngunit kaunti lang naman dahil halos lahat napunta sa plain white button down polo na pinatungan ng white coat ni Kayecee na ngayon ay amoy kape at nagmantsa. Agad naman akong lumapit kay Kayecee para tulungan siya, binigay ko din ang panyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang mga parteng natapunan sa kanya.

"I'm okay, Zoe. Thank you so much." Tumitig siya sa mga mata ko at binigyan ako ng napaka-gandang ngiti.

Natutunaw nanaman ako. Ang ganda niya talaga! Ang mahaba na medyo wave na buhok niya at ang mahahabang niya pilik mata, matangos na ilong, perfect curve ng labi at matangkad. Almost perfect.

"And you, Ms. Zoe Laverne, what are you doing here? Mind your own business and go back to work!" Malakas na sabi ni Dr. Faye kaya nagtinginan na sa'min ang ibang pasyente at nurse sa station.

"I just want to help my---"

Sagot ko rito ngunit hindi ko natuloy dahil siningitan niya ako ng mga salita. "Hindi niya kailangan ang tulong mo! She can do it on her own. Dr. Kayecee, I'll let this pass, but don't do this again and watch where you going. Ikaw din, Zoe Laverne, don't be such a pakialamera, mm? Do you understand? Don't get into a businesses of other people, just mind your own."

Bago ito umalis tumingin ito deretso sa mga mata ko at binaba ang tingin sa labi ko. Tuluyan siyang umalis na nakangisi. Nakakaloko ang ngiti niya! Tinulungan kong maka-tayo si Dr. Kayecee, ngumiti ito sa'kin at tinapik pa ang ulo ko na parang nagpapasalamat.

"Thank you, Zoe for your help. Are you free tonight?" Tanong nito sa'kin at ngumiti habang hawak ang kanang pisngi ko, napansin kong tumingin din siya sa leeg ko kaya parang may humalukay sa tiyan ko.

Kinagat niya ang labi niya pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon. Ngumiti naman ako at tumango ako bilang pagsagot ko. "Puntahan mo'ko sa 3rd floor. Sa kwarto ko mamaya." Ngumiti ito sa'kin at tumalikod agad.

Pencil's Dark Secret [The One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon