II - The Newbie is a Gangster

6 0 0
                                    

Dahan-dahang humarap yung lalaki sa akin.

Tss. Hindi nalang ako magsasalita. -___-

Hindi ko rin siya masisisi kung bakit naaasar ako sa mukha niyang asar na asar.

"Huwag mo kaming isusumbong sa discipline office!" 

Wow ah. Mahigpit nga siguro talaga ang policy implementation dito. Mukhang takot na takot yung lalaki eh. Edi sana hindi nalang sila dito gumagawa ng ganiyan.

"Bakit naman kita susundin?" Walang emosyon kong sabi.

"Bago ka pa nga lang. Hindi mo pa ko kilala. Well, let me inform you na mataas ang posisyon ko sa isang Fraternity dito. At hindi basta basta ang mga members ko dun. Kaya naming bilhin ang buhay mo."

Aba. Ano namang pakialam ko kung frat member at mayaman siya. As if I caaaaaare. -.-

"Bilhin lang pala eh. Well let me tell you that my father is a mafia from Korea. I am a mob princess and your life is just a phonecall away."

Sandaling natigilan yung lalaki. Tapos maya-maya napangisi.

Ang totoo nanay ko yung Korean. But of course she's not a mafia. Ang kapal lang kasi ng mukha ng unggoy na 'to. Kala mo kanya yung universe eh. Pero sa totoo lang, wala naman akong pakialam maniwala man siya o hindi.

"And you think I'll believe you?" Hinugot niya yung wallet niya sa bulsa at saka kumuha ng buong limandaan. Kinuha niya yung kamay ko pagkatapos nilagay niya yung kinuhang pera doon.

Napapitlag ako nung maramdaman kong nagdikit yung balat namin kaya nabawi ko rin kaagad yung kamay ko. Friction huh?

Tinitigan ko siya ng masama.

"Ano kulang pa ba?" Kumuha ulit siya ng limandaan sa wallet at saka kinuha ulit yung kamay ko.

Teka bakit parang ang sarap sa pakiramdam kapag hawak niya yung kamay ko? Erase! Erase!

Nakatitig lang ako sa kamay ko na may hawak na ngayong isang libo. 

"Tumahimik ka nalang kung gusto mo ng tahimik na buhay dito sa university." Pacool na sabi pa nito at saka hinila yung babaeng kasama at umalis. 

Naiwan ako doon na nakatingin pa rin sa kamay ko.

I just wonder.. lilipat lang ba sila ng pwesto?

Hindi ko na masyadong pinag-isipan pa iyon at saka tumingin sa directory na nakasabit sa pinto ng guard quarters. Eh may silbi naman pala yung mga bwisit na iyon eh.

*Rainiere's POV*

"Oh pare? San ka galing? Hinahanap ka ni Miss Galit kanina ah. Napagtripan na naman tuloy kami dahil hindi ka namin mailabas." Si Macky. Tropa ko. Yung sinasabi niyang Miss Galit iyong matandang dalaga na teacher namin sa Major na minamanyak ako. Kaya ang sarap absenan nun eh. Lagi nalang nakaupo sa desk ko.

Minsan naman tinanong ko kung bakit lagi siyang nandoon eh ang laki ng desk niya, sinabihan ba naman akong alamin ko daw nung gabing yon. Nakakakilabot pero nagawa ko namang ngitian parin siya pagkatapos noon.

"Pustahan tayo galing iyan sa guard quarters number three. At hindi lang isa ang kasama par! Dalawang chicks!" 

Tinitigan ko ng masama si Kerr. Aba loko to ah. Sinusundan ata ako.

"Hoy Ker! Pano mo nalaman yon? Sinusundan mo si Rain no? Di kaya ikaw may gusto dito sa brod natin?"

Binato ko ng face towel si Macky. Loko talaga to.

Pinilantik ni Kerr ang mata at saka nagboses babae.

"Over my dead body!" Malanding sigaw nito.

Tawanan. Ito lang ang masarap kapag may frat. Mapagpipilian mo kung kanino ka bagay makisama. At dabes talaga tong dalawang tropa ko. Chickboy din pareho, pinakamalala nga lang daw talaga ako.

"Di nga Ker pano mo nalaman?" Tanong ko. Imposible namang sinundan ako nito eh. Takot lang niya sa akin.

"Late ako diba." Ah.. Kaya pala.

"Eh pre gano katotoo na dalawang chicks ginagamit mo dun sa quarters? Sana tinatlo mo na. Para samin ni Ker yung dalawa." Singit ni Macky. Ginagamit? Ginagamit talaga?

"Tarantado. New student lang yung chinita." 

"Pang-ulam yung chinita eh. Iba ka talaga Rain. Bago palang dito nakuha mo na." Comment na naman ni Kerr.

"New student nga eh. Nahuli lang kami ni Kyla. Magsusumbong dapat sa DO. Ayun binigyan ko ng isang libo."

"Oh eh bakit parang bothered ka parin?" Tanong ni Mac.

"Eh kasi hindi natakot yung singkit nung nagpakilala ako."

"Eh new student nga pre. Bobo lang?" Binatukan ko nga to si Mac.

"Sinabi ko nga na nasa frat ako at hindi basta-basta yung mga kasali. Parang ako pa nga yung nagulat kasi hindi naman siya nagreact. At ito pa.. sabi niya.. mob princess daw siya. Mafia daw sa korea yung tatay niya."

Naghalagpakan sa tawa yung dalawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Takte.

"And you believe her? Hahahhahahahha" Pang-aasar pa ni Kerr.

"Hindi man lang kasi siya natinag eh."

"Well.. nakakapagtaka nga yon." - Mac

"Oo nga. So kailangan nating malaman kung kailan PE niya, sumilip sa CR ng girls para makita natin kung may dragon siyang marka sa likod. Diba ganun yung relatives ng mafia sa My Wife is A Gumiho?" - Kerr

"Gago gangster yun." - Mac

"Letse wala kayong kwenta kausap!" Puro kagaguhan talaga nasa utak ng mga to. Anyway, kailangan kong alamin kung totoo yung sinasabi ni singkit. What are contacts for? Psh.

But on second thought.. naiimagine ko yung maputing lingkod ng babaeng yon while the dragon tattoo fits her sexy back..

InsoucieuxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon