Sofie's P.O.V
"HAPPY BIRTHDAY!"- Agad kong ibinaba si Hera na kanina ay buhat ko, kararating lang namin mula ng mawala siya kanina . Bago kami bumalik ay nag text na ako kay Mic-Mic kung okay na ba ang lahat para sa party ni Hera, ang totoo ay bago pa man kami pumunta dito sa isla ay nakaplano na ang lahat ang di lang ay yung pagka ligaw ni Hera kanina.
" Wow!"- Masayang sambit ni Hera at iginala ang kanyang paningin sa paligid, agad naman lumapit dito ang kanyang kuya Caspian at ate Allison may mga hawak itong regalo para sa kapatid.
"Baby look we have something special for you."- Nakangiting sabi ni Allison sa kapatid.
" Really thank you ate and kuya !"- Sabi ni Hera at niyakap ang parehong kapatid , nakangiti akong pinag mamasdan ang mga pamangkin ko ng maramdaman kong may mga brasong pumulupot sa bewang ko mula sa likod ko.
"Hi, I miss you love!"- Mahina akong natawa ng marinig ang mahinang boses na yun ni Jasper, marahan kong inalis ang braso niya sa akin saka may ngiti sa mga labing humarap ako sa kanya.
" Kailan ka pa nakarating? Akala ko mag o-overtime ka?"- Nakangiting sabi ko dito at niyakap ito sa bewang din.
Nilagay niya ang parehong kamay sa magka bilang pisngi ko saka niya ako hinalikan sa noo. Nakangiti naman ito ng alisin na ang labi niya sa noo ko at pinag tama ang mga tingin namin. " Remember I will do everything just to make time with you, no matter how hard it is, or how busy I am."- Sambit pa nito at mabilis akong hinalikan sa labi na dahilan ng panlalaki ng mga mata ko.
"Wala na, nilalanggam na ako dito, masyado kayong PDA."- Natatawang napaharap kami kay Moureene na noon ay may hawak na wine .
" Inggit ka lang ayun si Michael Lester oh-------
"Duh! Tumigil ka nga Sofie, kabahan ka dyan sa sinasabi mo!"- Halatang naiinis na sabi ni Moureene kaya naman natawa ulit ako.
" Kumain kana?"- Tanong ko kay Jasper, naka suot ito ng white na sando at summer short kaya naman kitang kita ang ganda at hugis ng katawan niya.
"Not yet, hinihintay din kita kanina and kararating ko lang din, sinama ko din sina Jerome and Jenelle also Jacob para naman maka visit ulit sila dito sa Batangas it's been a long time since we came back here, nakaka miss din ang sariwang hangin."- Sabi ni Jasper kaya naman napatingin ako sa kalmadong dagat ,oo nga matagal tagal na din nung huli kaming pumunta dito. Malayo man dito ang lugar nina tita Ana at least sariwa pa din ang hangin ibang island ito ngunit part pa din siya ng Batangas.
" Guy's tara dun sa may bonfire! "- Sambit ni Sherie, kasama din sila dahil inimbitahan ko na ang lahat ng mga kaibigan namin taga province man or city lahat kasama.
Magka hawak kamay kaming nag lakad ni Jasper papunta sa may tabi ng dagat habang naka sunod sa akin ang iba, naabutan namin na naka upo sa upuan sa isang kubo ang lahat ng kaibigan namin ,pati sina ate Vera ay andun na din wala sina Hera dahil nag lalaro ang mga ito kasama ang ibang mga bata.
" Ano ba nakakainis ka lumayo ka nga sakin please lang!"- Masungit na sabi ni Roxanne kay Austine mukhang napaglilihian na naman nito ang asawa.
"Sweetheart naman!"- May pag ma- maka awang usul ni Austine at mahahalata ang pagpipigil ng tawa nina William at Myke.
" Tch! I said tigilan mo ko!"- Sambit ni Roxanne at iritableng tumayo saka nag lakad papunta sa malapit sa dagat agad naman sumunod dito si Austine para suyuin ang asawa.
BINABASA MO ANG
Stuck Between Hotties (SEASON THREE ) The Last Tears
Teen FictionSabi nila kung sa oras mo ibabatay hindi mo malalaman kapag mahal mo na ang isang tao, sapagkat hindi mo ito mapapansin yung tipong napapatawa ka nalang niya ng walang dahilan. Ang pag mamahal daw ay hindi pag tanggap kundi ito ay pagbibigay ,hind...