RYAN's POV
"Kamusta bakasyon mo sa dyan sa Sulu, Dude?" si Zac.
"Siguraduhin mong pagbalik mo may dala ka ng chicks ah? Para naman hindi ka na ma out-of-place samin!" si Dion. "Naawa na din kami sayo!"
"Don't ever come back, Ryan." si Ethan.
Kausap ko ang mga hampaslupa kong mga kaibigan habang nakatayo ako sa isang coastal area sa harap ng dagat. Gawa ito sa matitibay at mataas na mga bato na nagsisilbing proteksyon mula sa malalakas na hampas ng alon sa karagatan. Malakas ang ihip ng hangin habang pinapanood ko ang paglubog ng araw.
Wala, gusto ko lang sumabay sa uso. Sabi kasi nila nakaka aesthetic daw 'yon.
"Mga gago! Tumahimik kayo!" pagsusungit ko. "Talagang hindi niyo ko sinamahan dito! Ang babait niyong mga kaibigan sobra! Walang katulad!" puno ng sarkastiko ang pag-usal ko.
"Alam mo naman dude na hindi namin pwede iwan mga jowa namin dito at ayaw mo namang isama namin sila diyan. " si Zac.
"Para ano, Zac? Para gawin niyo kong third wheel? Gawing photographer sa mga picture picture niyo?! Ha! Hinding hindi!" iling ko. Nakakatampo kayo! Kala ko ba we're all in together this?!"
"Idiot, it's we're all in this together."
"Wag mo kong ma-correctional diyan Ethan! Di porke't may Raze ka na gaganyan ganyan ka na din!"
"I was correctioning your stupid àss brain―
"Mag-enjoy ka nalang diyan mag-isa, Ryan. Alone time ganun," sambit ni Dion. "Tsaka wala bang mga chix na dumadayo dyan sa resort niyo?"
"Meron naman," sagot ko.
"Oh ba't parang malungkot ka?! Bago yan ah? Wag mo sabihing lalake na din trip mo ngayon?!" hindi makapaniwalang ani Zac.
"Hindi ako namimili ng gender, gago." pagtatama ko pa sakaniya. "Kahit sinong magustuhan hinahabol ko! Wala akong pakialam kung lalake o babae man 'yan."
"Eh ano ba talagang problema?" tanong ni Dion
"Hindi kasi nila ako type. Napagod na ako sa rejections! Lagpas isang daan na yata natanggap ko."
"Oh that's sad. Can't relate." binabadtrip talaga ako nitong si Ethan.
"Hayaan mo, dude. Mahahanap mo din 'yong para sa'yo. Coming na bottom mo.. or top HAHAHAHA! Eto na nga oh! kaya ka nga nagkaside story eh." si Zac.
"Sana all may side story." ani Dion.
"Babae kasi jinowa mo, Dion. Hindi ginagawan ni otor ng mga pa ganito ang mga straight relationship. Wag ka na mangarap."
"Paano pag bumaliko nalang din ak―
"Sinong babaliko?!"
Boom! Dumating ang babaeng jowa! Babaliko pala ah!
BINABASA MO ANG
RYAN SARMIENTO: The Korean Refugee
RomanceRyan Sarmiento was entitled as pinakabobo among the barkada. He is dubbed as hopeless romantic 'cause he's been single all his life. He's a streamer and receiving lots of love from his viewers but a different kind of love is what he wishes for. One...