Chapter 14

9.7K 168 1
                                    

Shaun's Point of View

SOBRANG BUSY ako na mag alaga kay Harper ng sumunod na araw, ang mga anak namin ay kasama namin sa loob ng Hospital Room kasama ang dati kong nanny na si Manang Silvia. Napag desisyunan kasi namin kahapon na siya na ang mag aalaga pansamantala sa mga bata.


Habang sinusubuan ko ng lugaw ang asawa ko ay hindi maalis ang ngiti ko, she may not be able to talk yet atleast she's awake.




Malaki na ang assurance ko na ayos na ang mahal ko at hindi niya kami iiwanan ng  mga anak namin.




"Water?" malambing na tanong ko sa kaniya, tumingin siya sa akin at dahan-dahan na tumango. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako kumuha ng tubig sa mini fridge, pagkatapos ko muli akong bumalik sa pwesto ko atsaka siya dahan-dahan na pinainom. "Babe, mamaya aalis ako sandali . . . Pero pupunta dito sila Tita para samahan la habang wala ako," sambit ko.






Nakatingin lamang siya sa akin. "Titignan ko yung cellphone mo na posibleng may ebidensya para makulong na ang may kagagawan nito, idadala namin sa prosecution," i smiled and fixed her hair, medyo magulo kasi. Hindi ako na satisty sa pag aayos ng buhok niya gamit lang ang kamay ko kaya naman kinuha ko ang suklay at sinuklayan siya.





"Sana may makitang ebidensya sa phone mo, makakatulong yun ng sobra sa kaso. . ." ani ko, nilingon niya ako. "Hmm? May ebidensya ba dun?" tumango siya, "S-Saan, babe? Sa messages ba? Contacts?" tumango siyang muli. Ibinaba ko ang suklay sa side table ng biglaan siyang umiyak.





Niyakap ko si Harper atsaka ko pinasadahan ng tingin ang cellphone niya na nilagay ko sa table, "Tahan na . . . Pangako ko sayo, mananagot ang may gawa nito sayo,"






ISANG BUWAN na mula noong nakauwi kami sa bahay, si Harper ay hindi pa rin nag sasalita at tanging tango at iling lang ang ginagawa kapag may sinasabi kami, tinatanong at ginagawa. "Papa, Daddy and your parents wants to stay with us until you get to talk again, babe. Is it okay for you?" she nooded and sat on the bed carefully.





Tinignan niya ang dalawang batang  buhat ko, "Do you want to carry them?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya, dahan-dahan ko namang iniabot sa kaniya ang dalawang bata.





"They probably missed being in your arms . . . Right, Reitta, Den-Den?" the babies giggles that made me smile more, "You guys play here, ipapa linis ko lang sandali ang magiging kwarto nila Tita at nila Daddy," i kissed her forehead and leave.






Nakita ko si Manang Sylvia sa kusina at nag luluto, "Manang, pwede po bang mag utos kayo sa isa niyong kasama na nag linis ng dalawang kwarto sa itaas?" lumapit siya sa akin at ngumiti, "Oo, anak. Ako na ang bahala, kamusta ang nobya mo?"




"Maayos na po, atsaka kung pupwede po kung minsan eh tignan tignan niyo rin kung wala ako. Mabait po iyon, pangako . . ." tumango siyang muli, "Anak, sa tingin ko ay mas makabubuti sa mag iina mo kung dito ka  muna sa bahay mag ta-trabaho," aniya.





Tumango ako, "Iyon nga po, ayaw ko silang iwanan kahit sandaling oras lang . . ."





"Sinabi na nga ba't magiging mabuti ka kapag nagmahal ka na," nakangiting ani niya, "Siyempre naman po, palaki niyo yata ako?" nag tawanan kaming dalawa, ilang sandali lang ay nagpaalam na rin ako na babalik na sa taas. Ngunit bago pa ako makaakyat ay tumunog na ang doorbell at narinig ko na ang Papa at Daddy gayon rin ang parents ni Harper.






Nag mano ako sa kanilang lahat.





"Pinapalinis pa lang po ang mga kwarto—" hindi na ako natapos, "Gusto namin na sa kwarto kami ng kambal matulog, gusto naming samahan ang mga apo namin," napaawang ang labi ko, "Po? Wala pong kama doon—" hindi na nila ako pinatapos muli, "Let your Papa, Shaun. Gusto niyang kasama ang mga bata," ngumiti na lamang ako at tumango.






"Mukhang hindi na kami kakasya sa kwarto ng mga bata, Shaun. Doon na lang sa katabing kwarto," tumango ako sa Mommy ni Harper at ngumiti, "Okay po, pinapalinis ko na po sandali . . ."




Napalingon ako sa bandang hagdanan at doon ko nakita si Harper na buhat-buhat ang mga anak namin habang naglalakad pababa, agad ko siyang dinaluhan atsaka ko kinuha ang isang bata upang hindi siya mahirapan masyado.




"Babe, ayos ka lang?" umiling siya, "Bakit?" tanong ko, "Harper, natatakot ka ba kapag mag isa ka lang?" takang tanong ni Daddy, agad na tumango si Harper. "I'm sorry . . . Hindi na kita iiwanan mag isa," panghihingi ko ng tawad.



"Don't leave her again, Shaun. Sinasabi ko sayo papaluin talaga kita sa pwet!"





Kinagabihan, pagkatapos ko mag shower ay agad kong tinabihan si Harper sa kama. May hawak siyang lapis at sketchpad at doon nagpapalipas ng oras, "Babe, anong dinodrawing—Oh, that's a wedding gown if i'm not mistaken, right?" she nooded, still not looking at me. Inayos ko ang pagkakakumot sa binti niya at ang mga unan na harang sa gilid niya.





I double locked the windows and the doors especially sa baba, may mga guards na nakabantay rin doon na talagang pang night shift. Maging sa labas ng kwarto ng lahat at sa iba't iba pang parte ng bahay. Secured rin ang buong village.




Niyakap ko ang bewang ni Harper atsaka ko siya tiningala, tinignan naman niya ako pabalik. "Sana . . . makapagsalita ka na, kasi gusto ko rin marinig yung vows mo," naiiyak na ani ko, " . . . Gusto kitang pakasalan, gustong-gusto,"




Mas lalo akong naiyak ng haplusin niya ng marahan ang buhok ko, "Babe . . ."





Nagising ako bandang alas dose ng hatinggabi dahil sa pag gising sa akin ni Harper, kinusot ko ang mata ko atsaka ako bumangon ng kama at pumunta sa side niya oara alalayan siya. "Sorry babe, medyo mahirap akong gisingin. . ."







Hinatid ko siya sa toilet at saka ko siya hinintay sa may bandang sink, nag mumog na tuloy ako dahil ayaw kong maamoy niya kung bad breath man ako. Nakakahiya yun!






"Tapos ka na po?" tanong ko, tumango siya at lumapit sa akin. Kumapit siya sa braso ko at sabay naman kaming nag lakad pabalik sa kama, ngunit ng mahiga ako at sinubukan ko ng matulog ay hindi ko na magawa!







Nilingon ko si Harper, "Babe, i think i'm hungry . . . Gusto mo ba mag midnight snack?" nahihiya na tanong ko, tumango naman siya at ngumiti na siyang ikinatuwa ko. "Let's go!"







Habang naglalakad pababa ng hagdanan ay bukas ang ilaw sa salas, nandoon ang mga ex-police officers na siyang guard namin sa bahay at nagkakape. "Magandang gabi po," bati ko, "Magandang gabi din po, Sir, Ma'am. . ."






"Sir, matanong ko lang po . . . Ilang taon na po kayo kasal ni Ma'am?" natawa ako, "Hindi pa po kami kasal . . ." tinignan ko si Harper ng nakangisi at kapagkuwan ay ibinalik ko sa guwardiya namin ang tingin ko.







"Pero, malay niyo bukas makalawa pakasalan na ako ng Ma'am niyo . . ."








S W E E T D E N






Under His Law [COMPLETED]Where stories live. Discover now