Chapter One - Eyes Around

176 8 0
                                    

CHAPTER ONE - EYES AROUND

_________________________________________________________

"Always be aware dahil hindi mo alam kung may mangyayari bang masama sayo. Ang mga taong nakakasalamuha mo sa paligid, hindi mo alam kung mabuti ba o masama sila. They are always wactching your steps."

_________________________________________________________

ASHUMI'S POV

Saturday

Time Check : 4:50 pm

Naglalakad ako mag-isa sa park malapit sa bahay namin. Wala kasing magawa. Wala akong kasama sa bahay dahil nasa buiseness meeting ang mga parents ko at ang boring naman kung mga katulong namin ang kakausapin ko magdamag.

Nakapagtataka lang dahil bakit parang madalang ang mga tao lumabas ngayon?

Busy ba silang lahat? Eh weekend ngayon at sa pagkakaalam ko, maraming namamasyal sa ganitong araw pero bakit ganun?

Halos bilang ang mga tao sa paligid. Ang mga nandito lang halos eh ang mga magkakasintahan na teenager pa lamang katulad ko at mga pulis na pagala-gala sa paligid at nagche-check point.

Bakit kaya? Anong meron?

Ngayon lang kasi nangyari ito. Madaming pulis sa paligid at para bang natataranta at may hinahanap.? Halos lahat nga ng dumaraan sa highway at mga kanto kinakausap at kinakapkapan nila. May nangyayari ba na kailangang ikaalerto ng sobra?

Palubog na ang araw kaya umupo muna ako sa paborito kong tambayan na nasa gitna ng park na may malaki at mataas na puno at may mahahabang damo para panuorin ang paglubog nito.

Wala halos tao sa paligid. Konte lang pati ang mga nakaupo sa mga bench na nasa paligid.

Biglang ang tahimik. Wala akong marinig na kahit ano maniban lang sa pagaspas ng hangin na para bang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan.

Nahiga ako para mas komportable sa panunuod sa araw at laking gulat ko na lamang pagkahiga ko ay may lalaking nakaupo sa sanga ng puno sa itaas.

0_ _ _0

Medyo emo ang buhok nya, maputi sya at mukhang matangkad dahil ang haba ng legs nya. Katapat ng mukha ko ang pwesto nya kaya hindi nya ako nakikita at tsaka nakatingin sya sa kawalan.

Parang ang lalim ng iniisip nya?

Tinitigan ko lang sya dahil parang ang komportable ng pakiramdam ko sa pagtitig sa kanya.

"Don't stare at me." bigla syang nagsalita at napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat

"So--so--" sasabihin ko sanang sorry pero hindi ko masabi at tsaka bigla syang nagsalita

"Don't talk to me. I'm a stranger." sabi nya ulet habang nakatingin pa rin sa kawalan

Dahil sa sinabi nya, hindi na ako nagsalita pa. Umupo na lamang ako at ipinagpatuloy ang panunuod sa araw.

Mga ilang minuto rin ng tuluyan ng lumubog ang araw at tiningnan ko ulit ang lalaki sa itaas pero wala na sya.

Kinusot ko ang mga mata ko baka sakaling namalik-mata lamang ako pero talagang wala na sya.

***

Naglakad na ako pauwi sa amin madilim na kasi baka hanapin na ako.

Habang naglalakad, iniisip ko kung paano nawala ng hindi ko man lang nararamdaman ang lalaki sa itaas ng puno.

Wala naman akong narinig na tumalon o naglakad man lang. Kahit anong tunog wala talaga kaya impossibleng mawala nalang yon.

"Watch out!" nagulat ako ng may marinig akong sigaw mula sa tagiliran ko at kinabig ako palayo sa highway

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School for VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon