Five in Dubai

568 14 3
                                    

"Doc, you have a meeting in five minutes."

Inangat ko ang tingin sa kumatok na secretary bago tumayo. "Antazar libaed alwaqt.."

I told her to wait for a while. Pinauna ko na siya sa conference room dahil kailangan ko munang mag cr. Sumunod na rin ako agad pagkatapos kong ayusan ang sarili. Aalis na sana ako ng sariling office nang may tumawag sa phone ko.

I immediately answered the call when I saw who the caller was. I looked at the glass wall while waiting for his response.

"Hello?"

[Mommy! Did you eat your lunch? What time are you going home? Are you on the way? Are you safe?] sunod-sunod niyang tanong na ikinatawa ko.

Liev was frustratedly waiting for my answer. My five-year-old boy always messages me about it. It seems like he got it from me, ganoon rin ako dati kela Mama noong bata kapag wala sila sa bahay.

May kumatok ulit sa office at tinawag ako na tinaguan ko lang. Damn my patience. Kausap ko pa anak ko, teka lang naman.

"I still have work, but I'll try to go home as early as I could. Anong ginagawa niyo diyan?"

[Wala po. Nagluluto kami ni Dad ng kebab at börek.]

My brows raised. "Rinequest mo?"

He just replied with a laugh. Sinabi ko na kailangan ko nang ibaba. Hinawakan ko lang ang phone dahil baka may emergency na tumawag.

Habang suot ang white coat, sinalubong na ako ng mga Arab na katrabaho. Nakipag kamay muna ako bago sila kinamusta. May ilan na Pilipino at hindi na rin naman bago iyon dito sa Dubai. Nauna na akong pumasok sa room bago ang mga kasabay.

Nagsitayuan ang mga doctor mula sa kanilang mga kinauupuan. Umupo ako sa host swivel chair at pinasimula na ang meeting. Nagkakagulo ngayon sa mga kalapit na Arab countries. Hindi naman nanghihimasok ang UAE pero nadadamay sa ingay, at pagbomba ng mga nuclear bomb na nakikita minsan ng mga tao rito.

Hindi urgent, pero pinaghahanda ko ang mga staff sa maaaring mangyari. Alerto lang kami dahil malapit sa border ng Saudi Arabia ang isang branch at may nangyayaring gulo ngayon doon, pati na rin sa Yemen. Sa gabi, may mga nakakakita ng bomba na biglang pumuputok at makikita na lang nila sa madilim na kalangitan.

Kinausap ko rin ang mga staff tungkol sa miscommunication na naganap sa Buencamino Medical Hospital sa Manila at dito, tungkol iyon sa mga ginagamit na procedure at hindi sila nag kalinawan sa isang mabigat na operasyon. I don't want any misunderstanding between everyone. Mabuti na ang malinaw.

Natapos ang tatlong oras na nakakapagod na meeting at sumapit na ang uwian. Tumawag ako sa asawa para sabihin na maaga akong makakauwi ngayon. He asked me about my preferred dinner and I didn't say anything specific, wala naman akong gustong kainin ngayon.

Nagpaalam na ako sa mga katrabaho na nadadaanan hanggang sa makarating sa parking lot kung saan nakaparada ang orange na Lamborghini Aventador. Even while wearing high heels, I stepped on the gas and drove on the highway.

Within thirty minutes, I managed to go home, safe. Bumungad sa akin ang kulay puti at gintong interior ng bahay. This house is modern compared to our house in the Philippines, as this is based on the Arab culture. Pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos i-grahe ang sasakyan at naabutan ang asawa na nagluluto sa kusina. I dropped my key on the counter top and used a sanitizing alcohol before hugging Levi from behind.

He slightly laid his head on my neck while stirring the broth. "Love, I heard how you drove..."

I just chuckled and gave him a kiss. It deepened when he responded. While my husband was wearing an apron, he held my nape and pulled me closer. Binitawan namin ang isa't isa na parehong malamlam ang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manila Series: Another EpisodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon