"Celestra, yun ang magiging code name mo kung sakaling tanggapin mo ang offer ko sayo. It will change your whole life, especially, your family and daughter's life." paliwanag ng misteryosong lalaki na kausap ni Lyla.
Gipit at walang pagkukunan ng pinansyal na panggastos si Lyla para sa anak at sa pamilya niya, lalo na't nag-aaral palang ito at menor de edad pa ito.
"Pero buhay ko ang nakasalalay dito sa inooffer mo. Madadamay pati ang anak't pamilya ko. Sila nalang ang meron ako." sabi ni Lyla.
"Don't worry about the safety of your family and daughter. Ang mga tauhan ko ang bahala sa kanila. Poprotektahan nila ang pamilya mo, lalo na ang anak mo. I promise that. Wala akong pangakong ipinako, lahat yon tinupad ko. lahat ng mga nagtrabaho sakin na may pamilya, lahat sila pinotektahan ko." sabi ng lalaki kay Lyla.
Nagdadalawang-isip si Lyla. Iniisip niya ang kapakanan ng kanyang anak at pamilya. Siya na lamang ang inaasahan sa kanila. Kung uutang nanaman siya sa mga kakilala niya, lulubog na siya sa mga utang, kya naman wala na siyang choice. Ito nalang ang natitirang pag-asa niya.
"Sige, papayag na ako. Basta ipangako mo sakin na poprotektahan mo ang pamilya ko at anak ko." Pagpayag ni Lyla.
"I promise. Hundred percent, that promise will never be broken. Ako ang bahala sa pamilya mo at anak." sabi ng lalaki at binugay ang isang papel. Ito ang kontrata. Pinirmahan ito ni Lyla at nag-shake hands sila ng lalaki, tanda na pumapayaag si Lyla sa kasunduan at offer nito.
Sa pagpirma niya ng kontrata, nabago nito 'di lang ang buhya ni Lyla, kundi ang buhay ng kanyang pamilya at anak.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So ayun guys, welkam back to my anader story. Sana magustuhan niyo to.
Disclaimer lang, I don't normalize teenage pregnancy dahil sobrang hirap maging batang magulang lalo na't hindi pa stable ang buhay. Kung maaari lang, mag-aral muna kayo at magtapos para may marating kayo in the future. Salamat at hope you like this part. Thank youuuuuu
~AlliahMinYoongi~
YOU ARE READING
The Mission of Love
RandomLyla Zafri Kayleigh, a woman who's been successful in her life. Nakamit na niya lahat ng goals niya, being a Psychologist, wedding organizer and a mom. It's not easy at first because of her age and being a single parent. But behind those goals that...