KABANATA 4

0 0 0
                                    

VICTORIA POV

"Belle?" Tawag ko sa pinsan ko

"Hmm?"  Saad n'ya nasa kuwarto n'ya kasi ako

"Pwede ba timplahan mo ako ng gatas, at kung pwede mag bake ka din ng apple pie please"  saad ko sakan'ya tumango naman s'ya kaya napangiti ako

Ang sarap n'ya kasi mag bake ng apple pie paborito ko nga ito. Hindi ko alam kung saan n'ya natutunan ang pagluluto ng Apple pie. Since mansanas din ang paborito kung prutas. Naging paborito ko din ang apple pie na hinahain n'ya.

Ilang minuto lang at tinawag nako ni belle papunta sa kusina para kumain na ng apple pie na ginawa n'ya

"Hmm sarap!"  Saad ko kaya ngumiti sakin si belle

"Alam mo kahit mas matanda ako sayo, feeling ko under moko"  saad n'ya kaya napalingon ako

"Sinusunod ko halos lahat ng iutos mo sakin"  ngumiti s'ya at ngumiti din ako. "Pero hindi naman ibig sabihin nun ay utusan mo Ako, sadyang mahal lang talaga kita kaya kahit anong gusto mo ay ginagawa at binibigay ko sayo"  saad n'ya na parang maluha luha na.
Kaya lumapit ako dito para akapin s'ya ng mahigpit

"Mahal din kita...ate belle"  saad ko dahilan para yakapin n'ya ko pabalik. Tama mas matanda kasi s'ya sakin pero kailanman hindi ko s'ya tinawag na ate, sana'y kasi akong tawagin syang Belle or minsan naman ay Insan. Kaya siguro na touch s'ya ngayon


"Sige na ubusin muna yan, baka langgaminsaad n'ya kaya tumango ako at bumalik na sa pagkain ng apple pie.



Naubos kona ang apple pie na hinain ni ate belle kaya naman nag lagay ako sa Tupperware at nilagay sa ref. Meryenda ko para mamaya sarap eh


Naligo nako dahil pupunta kami ngayon sa bahay nila Clyde, Nag-aya kasi s'ya na mag movie marathon daw kami sakanila at may hinanda din daw s'yang snacks para samin. Dun din ata kami kakain ng dinner sabi ni Clyde.


Nagsuot lang ako ng fitted top with matching Maong shorts. Ito yung sinusuot ko sa ngayon...


"Tara na insan"  tawag sakin ni ate belle kaya naman kinuha kona ang shoulder bag ko pati na din ang cellphone ko.

"Wow?"  Saad ko ng makita na naka dress na kulay lila si ate belle. Bihira lang kasi s'ya mag dress madalas s'yang naka pants or jeans and oversized shirt. Kaya nakakagulat na nag dress s'ya ngayon

"Baka matunaw ako Nyan insan"  saad n'ya kaya natawa naman ako

"Ganda eh, mukhang paglalawayin mo si Jake Nyan"  saad ko habang humagikgik.

"Naku ka hindi noh"  saad n'ya kaya tumango nalang ako

Sumakay na kami sa van na pinadala ni Clyde, Pinasundo n'ya kami balak sana namin ni Ate belle na mag lakad nalang. Kaso ayaw ni Clyde masyado daw mapanganib lalo na at kailangan pa namin dumaan sa gubat. At dagdag pa yung lalaking lagi saking nakamasid.



Pagkarating namin sa bahay nila Clyde ay agad kaming sinalubong ng mga tauhan n'ya o bodyguards maybe

"Maligayang pagbabalik lady Victoria"  saad nung isa at sabay sabay silang Yumuko saamin kaya naman ngumiti ako at yumuko din.

"Salamat eduardo"  saad ko saka nila kami sinabayan papasok ng bahay ni Clyde


"Nice andito na pala kayo" saad ni Clyde samin ng makita kami na palapit na sakan'ya

Behind the Red Mask Where stories live. Discover now