• OLC #27 PREPARE

1 0 0
                                    

"Madds, magkano na ba nakikita natin sa pag o-online selling?" Pagtatanong ni Grayson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Madds, magkano na ba nakikita natin sa pag o-online selling?" Pagtatanong ni Grayson.

"Ahh babe na-compute ko na siya and guess what... Naka 20k tayo sa ilang beses na pagbebenta online! 'Di ko akalain na magkakaroon tayo ng ganito huhu," saad ko.

"Hala, salamat naman kung gano'n! May panghanda na tayo sa birthday ni Renzon natin." Masayang pagkakasabi ni Grayson.

Oo nga no, birthday pala ng anak namin ngayong sabado! May mga ilang araw pa naman kami bago makapaghanda. Siyempre 'di diyan mawawala ang mga lobo, confetti, spaghetti, ice cream, at cake! Iyan kasi ang paborito ng anak namin.

Dahil ako palagi ang nagbabantay kay Renzon, si Grayson muna ang bibili at mamamahala sa mga kakailanganin. Siyempre 'di rin namin muna sasabihin sa anak namin ang aming munting regalo na inihanda namin ni Grayson. Tutal mahilig siya sa mga kotse-kotsehan, balak namin na ibili siya ng isang set na gano'n!

Iyan lang kasi ang nakayanan namin, pero di pa muna bibilin 'yan ni Grayson dahil pagkakasyahin muna namin ang pera na naipon naming dalawa.
.  .  .

"Babe so iyan 'yung mga bibilhin mo. Tatlong kilo ng spaghetti muna tapos 'yung mga iba pang sangkap, nakalista na diyan lahat. Ikaw muna mag grocery dahil babantayan ko lang si Renzon, medyo iyan lang kasi 'yung na distribute ko para mapag kasya." Saad ko.

"Sige lang po misis ko, noted!" Aniya.

Hay, buti nalang nagkaroon ako ng isang mabuti at mapagpasensyang asawa. Buti 'di rin siya nagrereklamo kahit ilang beses ko na 'tong nagagawa sa kaniya lol.

Napag-isip isip ko rin na kada taon ay nadadagdagan pala ang edad ng aming anak. Hindi ko na kasi namamalayan at ang parati kong iniisip ay 'yung mismong moment na kasama ko 'yung anak ko.

Parang n'ung bata siya, sabi ko na "sana lumaki kana at makalakad" pero ngayon na unti-unti na siyang lumalaki, napapasabi ako na "don't grow up too fast baby". Ang gulo no, pero siguro ganyan talaga.

Napapagtanto ko rin na padagdag na rin ng padagdag ang edad namin ni Grayson. We're no longer teens na buhay love life at pag-aaral lang ang iniisip before. Ngayon, isipin mo ipinagdiriwang na namin 'yung kaarawan ng anak namin. Grabe ang tagal na rin pala ng panahon na nangyari 'yung mga bagay-bagay bago pa man dumating si Renzon sa buhay namin.

Bago dumating ang baby namin, maraming mga panahon na sinubok talaga ako ng panahon. Pero hindi naman pala talaga permanente ang lahat ng iyon no? Na darating at darating din 'yung panahon na sisikat muli ang araw at kukulay na naman ang kalangitan. Ang sarap sa pakiramdam.

Pero sa dulo ng lahat ng ito, kami pa rin ni Grayson ang magsasamang dalawa. Darating ang araw na magkakaroon na ng sariling pamilya si Renzon at hindi na kami ang main na ip-priority. Pero ayos lang 'yon dahil normal lang naman na nangyayari iyon. Pero siguro hindi pa ako handa na harapin 'yon, takot akong maging mag-isa ulit at dumating sa panahon na babalik na naman akong walang kasama sa buhay.

Ang dami ko ng naisip, siguro takot lang ako sa mga mangyayari sa kinabukasan. Pero ngayon, dapat akong maging masaya para sa kaarawan ng anak namin!! Be positive lang, Madds. Mahirap pero kakayanin.

HINDI PA AKO NAG-IISA.

My On Line CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon