Volleyball

735 6 0
                                    

MAKATA: Volleyball


Larong aking paborito

Mas matindi pa sa hotdog na prito


Bawat tira

Na aking binibira

Walang sasaya kahit pa bampira


Receive,toss, spike all set na

Para matumbahin sila sana

Kaso na block, Sayang puntos sana


At ito na magseserve na ko

Kailangan galingan ko

Para sa team hindi dapat net ball

Dapat sure ball


Tatlong set ang kailangan

Upang kami'y parangalan

At tanghalin na magaling

Sa larong kami'y nahuhumaling


Para sa pangarap

Bawat isa sa amin hinaharap

Kahit gaanong kalakas

Hindi kami mawawalan ng lakas


Kailangan good reception

Kaya mata namin lahat nakaatensyon

Para galaw namin laging aaksyon


Maliit man ang aming libero

Magaling naman rumecieve at siguradong maganda ang laro

Na aming ibibigay lalo na sa aming kalaro


Syempre andyan din ang setter

Sino pa ba kundi ako with a better toss

Kahit masuklo

Di dapat lumiko


Para matira ng aming magaling na spiker

Kahit sumakit ang kanyang balikat

Hindi nya iniinda

Para lang kami'y manalo


Anim kaming nagtutulungan

Bawat isa ginagalingan

Wala ng nagaalinlangan

Para Manalo.


At sa wakas set point na kami

Para sa 5th set

Oo, nahirapan kami

Sa last set


Pero hindi kami papatalo

Andito kami upang manalo

Isa kaming grupo na isa lang ang gusto

At iyon ang matumbahin kayo ng husto


At sa huli kami ang tinanghal na panalo

Bawat pawis at sakit ng katawan

May kapalit na saya dahil kami'y NANALO :)

Salamat.














"Ako'y isang makata "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon