Kakie's POV
Nagtataka talaga ako at ano na naman kaya ginawa ni Rini. Almost 12 am na at wala pa din siya, may pasok at duty siya mamaya.
Hindi ko din matawagan, kaya tinext ko si Tantan para magtanong.
Mag 1 am na nang dumating si Rini, halatang pagod na pagod, namumutla at mugto ang mata. Di naman siya amoy alak pero amoy Mcdo, Oo.
Lumingon siya at nakita niya si Tantan at agad na niyakap 'to.
"Tan, nahanap ko na siya. Kaso ayaw na ata niya sa akin." Sabi nito at umiyak.
"Sino?" Tanong ni Tantan sakanya.
"Si Ateng naka eyeglasses, Si Tricia. Nasaktan ko siya Tan."
Parehas naman kaming nagulat ni Tantan sa sinabi niya. Nung first year kasi kami nakwento niya na 'yan pero hindi ako naniwala sakanya.
"Bakit lahat nalang ng minamahal ko iniiwan ako, iniwan niya ako doon Tan kagaya ng pag-iwan sa akin ni Mama." Humigpit ang akap niya kay Tantan pero tinignan ko si Tantan na mangiyak-ngiyak na.
Ngayon lang ulit umiyak ng ganto si Rin, last time na nakita namin siyang umiyak ay nung namatay si Tita dahil sa Car crash.
Little TMI lang pero hindi talaga nagdadrive 'yan si Rin dahil sa trauma kaya lagi kaming Grab or commute.
BINABASA MO ANG
Love Notes
Fanfictionwhen the popular president of the student council starts receiving love notes from a secret admirer. she's too curious to know who's behind the person sending it so she decided that the first person who will enter the room will be her bad cop to her...