The 143rd Sticky Note

240 14 7
                                    

The 143rd Sticky Note

© jadethedyosalee/Jajade

No part of this book may be transmitted in any form of mechanical and electrical reproduction without any consent from the author.

***


"Abby girl, tignan mo yung locker mo. May nakadikit nanamang sticky note oh!" Turo ni Cha, ang bestfriend ko pagkarating namin sa locker area.


Tinignan ko naman yung locker at totoo nga, mayroon ngang nakadikit na sticky note sa locker ko. Bago ko siya kunin ay binasa ko muna siya at ito ang nakalagay...





"Jeongmal Joahaeyo, Abby-yah."





Napatigagal ako. Jeongmal Joahaeyo? Diba 'I really like you' yun sa Korean. Omg. The sender likes me?





Hindi naman bago sakin yung mga Korean words na nababasa ko sa sticky notes na natatanggap ko dahil lagi namang Korean Language ang gamit eh. Ang bago lang sakin ay yung sinabi niya. Madalas kasi niya akong kamustahin o sabihan ng Take Care pero yung 'I Like You?' Never.


At oo, lagi siyang nagdidikit ng sticky note sa locker ko araw-araw. Hindi ko na nga mabiling kung ilan ang binibigay niya eh, basta tanggap lang ako ng tanggap.





"Yieee. Pa-jeongmal joahaeyo pa siyang nalalaman. If I know, niresearch niya lang yan sa Internet. Imposible namang marunong siyang mag-Korean. Di naman siya KPOPPER kagaya natin eh..." Pang-aasar sakin ni Cha.


Haha. Oo, sobrang imposibleng kpopper ang nagpapadala nito. Paano namin nalaman? Lahat kasi ng kpopper sa school kilala namin. Kpop fan girl kasi kami ni Cha kaya kilala namin lahat ng kpoppers sa school at mayroon kaming tinayong fans club na ang pangalan ay All Kpop Zone. And based on our survey, pito doon ang kpop fanboy. Dalawa sa kanila ay bading at lima naman ang may girlfriend na. So sino naman ang stupidong gagawa nito? Paano ko ulit nalaman? Ako lang naman kasi ang president doon. *whistles*





"Yaan mo na girl! Malay mo si Bryan diba? Haha." Patawa talaga ako, paanong si Bryan? Eh isang anti yun. Siya ang numero unong alaskador ng Fans Club namin noooh.


Si Bryan Corpuz nga pala ay classmate ko at crush ko simula noong 1st year HS kami. 4 years ko ng crush yun nooh. ~





"Seriously girl!? Bryan Corpuz? The Great anti-kpop hearthrob ng school natin, magbibigay sayo ng sticky note na Korean language ang nakasulat? Niloloko mo ba ako!? Eh wala nga atang alam na Korean word yun bukod sa Anong Sayo eh." Pambara sakin ni Cha.





Okay Fine. =___= Sabi ko nga Anong Sayo lang alam niya. Actually Annyeong Hassaeyo talaga yun, di niya lang alam bigkasin ng maayos.





"Oo na." Sabi ko na lang at kinuha na lang yung sticky notes.


***


"Girl, napanood mo na ba yung Call me Baby ng Exo!? Grabeee, ang manly ni Tao doon!" Masayang anunsyo sakin ni Cha pagkapasok ko ng room namin.


Tss. Si Cha talaga. Ang aga-aga kpop agad. Juskooo.


"Oo. Alam kong gwapo si Tao doon pero akin lang siya. May Baekhyun ka na, kaya doon ka na!" Pagtataray ko sa kaniya at nilagay sa upuan ko yung bag ko.





"Ehhhh, may Taeyeon na yun eh. Pero sige na doon pa rin ako kay Baek ko haha. ~ Grabe di ko matanggap yung kissing scene niya kasama ang isang lalaki sa Exo Next Door. Huhuhu." Parang nababaliw na sabi niya sa akin.


The 143rd Sticky Note [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon