Baby Blue Eyes ( one shot )

249 12 6
                                    

First time ko po mag one shot. sorry po kung cliché.

Two hours nang nagdidiscuss tong teacher namin! Wala namang nakikinig. Nagaaksaya lang siya ng laway niya susme.

Oo nga pala, I'm sorry. My name is Kiara Smiths. I'm half American and I have dark brown hair and blue eyes. Oo. Blue eyes.

"Kiara.. Anong page na?" N-nananaginip ba ako??? Totoo bang kinakausap ako ni Hiro??? Eeeeeekkk. Sino ba namang hindi kikiligin kung yung crush mo (na katabi mo ヽ(*≧ω≦)ノ) ay tinanong ka kung anong page na!!!!! Buti na lang at kahit papano nakikinig ako. Pero ang pinakikinggan ko lang ay kung nasang page na para bagong page na ang mapagdoodoodle-an ko hihihi.

"P-page 143." Nauutal ako pano ba to.

"Thanks." Kahit simpleng 'thanks' niya lang, nagkakagulo na ang mga moth sa tiyan ko at naghaharlem shake na ang puso ko!!! Basta siya talaga...

"Class dismissed!" Finally!!!!!! Tumakbo ako papalabas ng classroom pero dahil mukhang nagtrigger ang kamalasan ko, nadapa ako. As in, napaupo talaga ako. Ang sakit ng pwet ko.

"Kiara okay ka lang?" Hindi ko napansin na may nakatayo na pa lang tao sa harap ko at nakalahad ang kamay niya. Pagkatingala ko,

"Umm. Oo. Okay lang" bakit ganun??? Dalawang beses na akong pumapalpak sa harap niya? Dati nung nagbabasketball kaming girls, saktong natapos sa pagsosoccer yung boys at nakita ko siya kaya natisod nanaman ako.

"Umm. Kiara okay ka lang talaga?" Hindi ako makapagsalita sa kahihiyan kaya napatango na lang ako. Inalalayan niya ako sa pagtayo.

"ThanksHirobye!" Mabilis kong sigaw at nagtatakbo papuntang canteen. Pag dating ko dun, nagiintay na ang mga kaibigan kong sina Alice, Charm, Maddie, Aria, Polly, Patch, Dannica, and Averee.

"Where were you girl?" Tanong sa akin ni Maddie.

"Hay naku Maddie. Kumekerengkeng lang yang friend natin! Diba, HIRO???" Nagblush naman ako sa sinabi ni Charm.

"G-grabe kayo... Nadapa lang ako.."

"Alam mo ikaw, reyna talaga ng kamalasan. Kung hindi nadadapa, natitisod. Kung hindi natitisod, naiipit sa pinto. Hoy ikaw baka bukas malaman namin na palutang-lutang ka na pala sa ilog pasig dahil lang sa nasubsob ka, hindi nakahawak sa railings at nahulog!" Nakakainis talaga tong si Averee five ever!

"Tssss. Ano ba kayo! Kung mahulog man yang si Kiara, alam naman natin na sasaluhin siya ni Hiro!! Hihihi." Dannica.

Nakakainis talaga mga kaibigan ko!! Palagi tuloy akong kinikilig!! Saka, kahit naman mabait yun si Hiro sa mga babae, hindi pa rin magkakagusto sa akin yun. Popular din siya pero hindi rin siya yung heartthrob na tinitilian ng mga babae. Nagsisikuhan lang sila. Hanggang dun lang.

"Guys. Bili lang akong food." Tumango lang sila kaya naglakad na ako papunta sa mga pagkain.

O.O

Right now, nasa tabi ko si Hiro. Kinikilig ako. At dahil fc ako, magha 'hi' na sana ako kaya lang may humawak sa kamay niya.

Nathalie.

"Hiro!! Tuturuan mo pa akong maguitara diba? C'mon. Sit with me." Tiningnan ko naman si Hiro at nakatingin lang siya sa akin. Ngintian ko siya at umalis na doon sa tabi nila. Binayaran ko na lahat ng binili ko tapos bumalik na sa table namin.

"Girl! Bakit magkasama si Hiro babes mo at yung higad na Nathalie na yun?!?" Pasigaw na tanong ni Polly.

"Ewan.. Sila ata eh.." Napanganga naman sila sa sinabi ko. Saktong pagkasara ng bibig nila ay dumaan sa harapan namin si Hiro at Nathalie.

Baby Blue Eyes (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon