Chapter 1

22 4 0
                                    

"Ateng SSG! Ateng SSG!"

Napabalikwas ako sa inuupuan ko. Shemay naman oh! Kitang gumagawa akong assignment dito eh.

"Oh bakit ba? Pag iyan trip nyo lang ah, lagot kayo sakin"

"Hindi po! Kasi may nag-aaway po sa 2nd floor"

"Weh? 'tong mga taong to nanggugulo ng buhay eh. San ba yan banda? Samahan mo ko"

Kaya ayon at gumora na kami kung san man yang mga pasaway na mga estudyanteng yan. Eh sana nag-aaral nalang yan ng mabuti eh kesa naman galos lang yung makukuha dito sa skwelahan. Kaumay ah!


———

At yun na nga. The usual scene ng mga taong ibinabalandra ang mga fighting skills nila at nagjujumbagan kaya to the rescue na naman ang dakilang SSG nyo.

"Hoy ano yan?! Magsitigil kayo ha pag ako nainis ay naku!" pasigaw yun ah! Para may takot portion naman. Effective din naman at halos lahat yata ng mga tao dun ay nakatingin na sakin. Pwera nalang sa isang lalaking nakatalikod at wala atang balak harapin ako kaya nagsalita ulit ako.


"Hoy kayo! At kung sino man ang nagsimula ng away nato. Please naman! Wag kayong manggulo ng iba ha. Sali kayong boxing at dun kayo magjumbagan! Don pwede don."


"Tol patulan ko na ba?"


Aba't narinig ko yon ah! "At ako pa talaga ang papatulan mo ha? Gusto mong makatikim ng flying kick?" Hindi ako natatakot sa mga damuhong ito ah. Medyo may itsura nga lang sila but nope. ERASE! ERASE!


Tapos biglang humarap yung lalaki kanina sabay sabing ..


"Miss makakaalis ka na"


O_O

Si Adam.

Shit si Adam Castro nga.


Ang bad boy ng campus na palaging napapaaway kahit sa mga wala namang kakwenta-kwentang bagay. Ang lalaking kitatakutan ng mga kapwa niya lalaki at kinahuhumalingan naman ng mga babae. Bat ganun no? Nowadays, girls seems to be turned on by those boys who'll just do nothing but to play with them. But how ironic it is when it looks like I'm one of them.

SHIT!

Si Adam Castro na crush na crush ko. B*llshit na pusong to!


What to do? What to do? Ang tanga mo Jillian Torres! Ang tanga-tanga mo. Bat di mo namukhaan? Juskopo sana kainin na ako ng semento dito. O kaya talon nalang kaya ako patungong first floor?


On second thought, kailangan hindi ako mukhang affected. Kaya ko to!


"H-hoy anong maka-makaaalis?" gahd what was that? Damn stammering!

"Tara na" Papalayo na sila ng mga kaibigan niya pero syempre pinigil ko sila

"Mr. Adam Castro, its not as easy as you think it is. As you can see, grabeng bugbog ang natanggap ng lalaking ito because of you and your unknown reasons. So obviously, you need to come with me in the Disciplinary Office." Whoa! Kinabog ko yun ah. Mygad what a phrase! chos hahaha


Lumakad na kuno ako at in all fairness naman sa crush kong to ah at sumunod din naman. Hahaha! Edi wow bae :b emsoproudofyou. Lol mga pinagsasabi ko walang kwenta XD


Ang shemay lang neto ah. Di ko kasi mapigilang mangatog tung tuhod ko by the thought na nandyan lang sa likod ko yung crush ko. Kilala kaya ako neto? Kung iisipin apat na taon na naman akong lumalabas pasok sa school nato. Siguro naman may hint din naman siya kung sino ako. Active naman ako at marami din akong sinasalihang clubs. Pero sapat ba yun? Pano kung di pala siya interesadong kilalanin ako? 


Di bale, crush lang naman to. Crush ko lang naman siya.


At mananatiling sekreto yun.

The Gangster's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon