Chapter 2

14 1 0
                                    

-Guidance Office-

"Boys, konti nalang at mauubos na ang pasensya ko sa inyo. From the very start, all you did was to cause trouble. I'm warning you all that if this continues, I will have no choice but to call your parents. Understand?" sabi yan ng Guidance Counselor namin. Hays ang intense ng atmosphere! Syempre, tumango din naman yung mga kasama niya pwera nalang sa isang nagmamatigas nato.


"Especially you Mr. Castro. Hindi ligid sa kaalaman ko na ikaw ang lider ng grupong ito at ikaw ang pasimuno ng lahat. Napakaliit na bagay ang paggawa ng ingay ng isang estudyante para bugbugin mo dahil lang sa naggising ka sa iyong tulog." ayan! galit na si guidance.


"For now, you need to clean the school after class for three days. Syempre, hindi naman pwedeng pabayaan na ang pagaaral niyo but the next time, suspension will be yours. Your attendance will be checked by Ms. Torres at siya na din ang magbabantay sa inyo."


"Po? Bakit po ako? Pwede naman pong si Jessy nalang o si Mark" bakit ba akoooo!? Ayoko. Basta hindi pwede, kikiligin lang ako don no tsk tsk


"Is there any problem with that Ms. Torres? Since ikaw naman ang nagdala sa kanila dito, might as well extend your duties. Sanay ka namang magbantay ng mga pasaway na students."


Naku po! Eh kasi ang hindi nyo po alam, first time kung mabantayan tong hinayupak kong crush nato. Pang second time ko palang tong mahuli siya na nakikipag-away at may kasama pa akong SSG non. Tapos nag reason nalang ako na may gagawin pa ako kaya hindi talaga counted yun. Eh kasi naman eh!


"Okay ma'am" no choice!


Konsensiya: Weeeeh? No choice ba talaga o ginusto mo naman? Hay naku Jillian. Don't fool yourself.


Shatap okay?!


"Good. You may now go and meet Jillian later at the court." Kaya ayun at nagsipagtayuan na sila at parang wala lang naman to para kay Adam. Edi wow! Ikaw na ang suki sa Guidance. Sige at agpatuloy mo lang yan, hayaan mong mawala na tong tibok ng puso ko para sayo. Yuck ang cheesy!


"Ms. Jillian, dito mo sila papipirmahin pagkatapos nilang maglinis. This will indicate na ginawa talaga nila yung punishment nila. Nandito na rin yung cellphone numbers nila kung sakali mang hindi ka nila siputin." sabay bigay sakin ng papers na nakalagay na nga doon yung mga sinabi niya.


PERO ANO DAW?! CELLPHONE NUMBERS?!

AS IN CELLPHONE NUMBER NI ADAM? NANDITO?!

Omayghad.


Pero wait Jillian ha! Itigil mo yang kalandian mo. Magbabantay ka lang sa kanila at yun lang yun. Hindi mo pwedeng itext sila kung hindi naman kailangan. Pero pwede din kaya kaming textmate? SSSSSH! Tama na.


Makapunta na nga sa classroom. Kaloka ha!


------------

-Classroom-


Habang nakikinig sila sa discussion ng teacher namin sa History, andito naman ako at panay tingin sa relo ko. Naprapraning na yata ako! Kanina pa ako nangangating lumabas dito para makapunta na ako sa court. Acting lang yung kanina no! Pa hard-to-get kuno ako eh gustong-gusto naman.


"Hoy Jillian! Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa dyan ah at hindi ka nakikinig" sabi ni Alexa. Seatmate ko at ang mega ultra super bestfriend ko.


"Kasi ano.."

"Ano?!" medyo napalakas yata ang pagkakasabi nun ni Alexa kaya napansin kami nung teacher.

"Ms. Torres and Ms. Reyes, is there any problem?" patay!

"W-wala po sir. Sorry po"

"Then please cooperate" Ayan kasi! Alexa kasi eh."Yes sir"


"Ano na nga?" this time mahinang-mahina na yung boses niya. Pag tayo nahuli ulit, naku!


"Eh kasi ganito yun. Ako yung inassign ni Guidance para bantayan ang paglilinis mamaya nila Gangster"

"Gangster? Sino yun?"

"Eh diba nga at nachika ko na sayo yun. Ano ka ba!"

"Paremind mo kasi sakin ulit! Nakalimutan ko na eh"

"Gaga! Si Adam yun"

"Ah! Yung kaibigan ni kuya. Kasali ba si kuya don?"

"Oo no! Silang magkakagrupo"

"Patay talaga to si kuya kay mommy mamaya!"


"MS. TORRES! MS. REYES!" anak ni Kris Aquino!

"Yes sir?" nagchorus pa kami ni Alexa nyan

"GET OUT OF MY CLASS!"

"Sir?"

"NOW!!"


Kaya ayun! Napabalikwas na kami sa inuupuan namin at nanlulumong lumabas na ng classroom. Ayan kasi! Nagchikahan pa kasi sa lovelife eh.


"Snack na nga lang tayo" sabi ni Alexa

"Libre mo ko"

"Loka ka!"




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gangster's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon