Part Three (Last)

0 0 0
                                    

Pagka dating nila sa apartment ni Jeremy ay pinauna nyang pumasok ang girlfriend upang maihanda nito ang isa pang sorpresa nito sa girlfriend na nasa likod ng sasakyan nya.

*phone vibrates

Mi amore: Love nakapark kana? nasa loob nako hintayin kita dito ha I love you <3

Napangiti si jeremy sa nabasa nyang text ng girlfriend and binulsa ang cellphone nito habang buhat-buhat ang bouquet ng roses para sa girlfriend.

Akmang bubuksan ni jeremy ang pinto gamit ang susi ng maramdaman nyang may presensiya sa likod nya.

Paglingon nya ay isa itong lalaking nakaitim na hoodie at naka mask ng itim.

Bumilis ng kabog sa dibdib ni jeremy dahil alam nyang sa mga oras nato ay kapag binuksan nya ang pinto ay manganganib ang buhay ni kish amora na naghihintay sa loob.

Tinignan nya ito sa mata at alam ni jeremy na nasa isang sitwasyon sya na alam nya sa sarili nyang di nya maiiwasan yon kahit anong gawin nya.

Sa kabilang banda naman ng pinto ay si kish amora na naka upo sa may sofa at masayang hinihintay ang boyfriend.

Sa labas ng apartment ay nagpalitan ng suntok ang dalawang lalaki pinipilit na lumaban ni jeremy dahil alam nyang manganganib ang buhay ng girlfriend nya sa oras na sumuko sya.
Sa isang iglap ay natulak ng lalaking naka itim si jeremy sa pinto at sunod ay naramdaman ni jeremy ang matulis na bagay na tumusok sa tagiliran nya.
Isa, Dalawa at sa ikatlong saksak ay mas naramdaman ni jeremy ang sakit ngunit wala syang ibang ipinagdadasal kundi ay sana wag buksan ni kish amora ang pinto dahil mas di nya kakayanin na may mangyari dito.

Sa kabilang banda naman ay narinig ni amora ang malakas na kalampag sa pinto kaya sumilip sya sa peephole ng pinto and doon ay nakita nya ang likod ng boyfriend sa harap nito ay lalaking nakamask iniisip ni kish na kausap lang ito ngunit laking gulat niya ng mag taas ng kamay ang lalaking nakamask nakita nya ang kutsilyo sa kamay nito at may dugo.

Dali dali nyang binubuksan ang pinto ngumit hindi ito maikot. Nagsimula ng tumulo ang luha ni kish at takot na takot nagdadasal na isip nya na sana mali ang iniisip nyang ito ngunit hindi nya makuhang ibukas ang pinto tila ba may pumipigil dito sa labas.

Sa kabilang banda naman ay ginamit ni jeremy ang natitirang lakas upang hindi mabuksan ni kish ang pinto mula sa loob.

Paki-usap wag muna love wag mong bubuksan ang pinto nakiki-usap ako - sabi ni jeremy sa isip habang mahigpit na hinahawakan ang pinto.

Naramdaman nya ulit ang matulis na bagay na sumaksak sa dibdib nya bago tuloyang tumakbo paalis ang lalaking naka-itim.

Sa kabila ng sakit at tila na hindi na yon naisip ni jeremy inisip nya ay ang kaligtasan ng girlfriend.
Inalala nya ang bawat masasayang sandali nila ni amora at bawat ngiti at tawa nito.

Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa doorknob bago tuloyang bumagsak sa sahig.

Sa kabilang banda naman ay ang umiiyak na si kish amora

Love! P-pakiusap buksan mo yung pinto palabasin moko! - natatarantang hagulgol habang hinahampas ng malakas ang pinto ni amora dahil alam nyang may masamang nangyari sa labas ng pintong iyon.

Pag bukas nya ay tumambad sakanya ang boyfriend na nag aagaw buhay at naliligo sa sariling dugo.

Hindi nagsisink in sa utak ang nangyari sa boyfriend nya, umupo sya sa sahig at niyakap ang boyfriend nyang duguan.

Hinawakan nito ang pisnge ng girlfriend kahit wala na itong lakas at nginitian nya ito na tila ba pinapaalam nyang ayos lang ito kaya wag na syang umiyak.

Sunod sunod ang agos ng luha ni kish habang hawak ang kamay ng kasintahan nito na nakahawak sa pisnge nya.

L-love please ka-kaya mo yan wag moko iiwan please jeremy hindi ko kaya- nagmamakaawang sabi nito habang umiiyak sa habang ng boyfriend nya at niyakap ito ng mahigpit tila ba ayaw nyang mawala ito sakanya.

Tuloooong! Paki-usap tulongan nyo kami!- malakas na sigaw nya habang umiiyak padin at nanginginig ang kamay sa takot.

Inilabas ni jeremy ang box na nasa bulsa nya at dahan dahan yong inabot kay kish kahit hindi na kaya ng lakas nya inabot iyon ni kish at nagmamadaling isuot sa kamay habang walang tigil ang iyak nito.

Love look kasya sa kamay ko mag- magpapakasal tayo love wag moko iiwanan please kumapit ka wag mo iipikit kamay mo - pagsusumamo ni kish amora habang umiiyak sa yakap nyang duguang katawan ni jeremy.

i-....i love y-you l-l-love -mahina at halos pabulong na sabi ni jeremy sa pinakamamahal nyang babae bago nya tuloyan na ipikit ang mata dahil alam nyang hindi na kaya pa ng katawan nya.

I love you too love please wag mong gawin sakin to wag mokong iiwanan diko kaya jeremy please wag moko iwan
Sunod sunod ang pag sigaw ni kish amora habang umiiyak sa sobrang sakit na nararamdaman nya yakap nya ang katawan ni jeremy na wala ng buhay.
Pakiramdam nya ay gumuho ang buong mundo nya at wala syang ibang magawa kundi ang umiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman nya.

Nagkalat ang rosas and dugo sa paligid nya ngunit di nya pansin yon dahil sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon at yakap padin ang katawan ni jeremy na wala ng buhay.
Nagflashback sakanya ang lahat ng mga masasayang ala ala nilang dalawa na ngayo'y magiging alaala nalang  din.
Hindi tumitigil ang mata nya sa pag iyak sa sobrang sakit ng nangayari. Hindi nya matanggap at hinihiling nyang sana isang malaking bangungot lang ito, na sana magising sya ngunit heto sya ngayon nakaupo sa sahig hawak hawak ang katawan ng pinakamamahal nyang lalaki.
Ilang sandali ay himatay si Kish amora dahil sa sobrang nararamdaman nya.

*Ambulance Sirens
Naabutan nila ang dalawang tao na nakahiga sa sahig ang isa ay sugatan at naliligo sa sariling dugo at ay isa ay walang malay at puno din ng dugo ang katawan nito.

*2years after the incident*

R.I.P
Jeremy C Garcia
April 25 2020

iilan lamang yan sa mga binasa ni Kish Amora sa utak nya. Heto sya ngayon nakahiga sa tabi ng puntod ng lalaking minahal niya...tila sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari nung araw na iyon bago kunin sakanyan ang taong pinakamamahal.
Tinapat nya sa langit ang kamay nya at pinagmasdan ang singsing na binigay ni jeremy sakanya bago ito tuloyang mawala.

Hi love kamusta ka dyan sa langit? Ang daya mo di moko p-pinakasalan -mahina at nagsimula na naman manginig ang boses nito dahil naiiyak ito.

Hindi ko kayang ng wala ka love ang sa-...ang sakit padin eh di ko m-matangap- pa-putol-putol na sabi nito dahil nagsisimula na naman syang umiiyak.

P-pero ngayon magkakasama na tayo...alam ko magkakasama na tayo....nararamdaman ko....miss na miss na kita sobra love ko - dagdag nya at hinayaan lang tumulo ang luha nya.

Kish Amora is diagnosed with a leukemia ang ngayon ang huling araw nya pero nakiusap sya sa natitirang kamag anak nya at doctor nya na gusto nya sa huling araw nya ay gusto nyo sa tabi ng puntod ng lalaking mahal nya. Pinagbigyan naman nila ang kahilingan nito dahil alam nilang ito ang ikakasaya ni Kish Amora dahil sa nagdaan na dalawang taon doon lang sya ngumiti ulit nung humingi sya ng pabor sakanila. Nakatanaw lang sila mula sa malayo kay kish na nakahiga sa nilatag nilang mattress sa tabi ng puntod ni Jeremy.

Nanghihina man ay humarap si amora sa puntod ni jeremy at niyakap nya ito tila ba nararamdaman nyang niyayakap din sya ni jeremy dahil sa banayad na hangin na tumatama sakanya kaya  dahan dahan ipinikit and mata bago bitawan ang salitang

"I love you so much love magkikita na tayo"

Wakas....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Before It EndsWhere stories live. Discover now