TAOZ:28

125 5 0
                                    

Olivia Pov.

Dali dali naming sinarhan at hinarangan ang pinto nang nakita namin ang mga zombies na paparating.
Kinuha namin agad ang mga Baseball bat at mga Baril namin sakaling makapasok sila. Hindi parin maalis sa isip ko ang mukha ni Adriana kanina. Pulang pula ang kanang Mata niya at kitang kita ang mga ugat sa Cheeks niya. Dumagdag narin ang pagkacreepy ng mukha niya ng ngumisi siya.

Umakyay si Kuya sa Gilid. May kakaunting hagdan at may maliit na pwesto na pwedeng makita ang labas.

"T-Tingnan niyo guys.." ani ni kuya. Tinulungan niya akong maka akyat at sumunod si Ate Lian. Sumunod narin si Alex at Shelly. Lima lang ang makakakyay dito dahil sa liit ng pwesto. Tumingin ako sa paligid at nagulat ako nang nakitang patay na ang ibang Zombies. Hinanap ko si Adriana at nakita ko siyang nilalabanan pa ang iba.

Tinutulak niya ang iba papasok sa Court. Hinila niya ang isang sasakyan at yun ang pinang harang niya.

"Wow! Sobrang lakas niya..." bulong ni Alex.

Paika ika siyang naglakad sa gawi namin. Malapit na siya ng napa upo siya sa sahig. Kitang kita na Hinang hima siya at punit punit na ang uniform niya.

"Adriana!" Sigaw ko. Napatingala siya sa gawi namin at ngumiti. Hindi gaya kanina, Napaka sweet ng ngiti niya ngayon. Nawala namin ang pamumula ng mata niya at mga ugat ugat sa cheeks niya.

"A-Ate..." nakangiting ani niya. Sobrang naawa ako ngayon sa gawi niya. Lumingon ako at akmang baba na.

"Saan ka pupunta, Liv?" Ani ni Alex at hinawakan ang braso ko.

"She needs our help, Alex" ani ko. Aalis na sana ako pero hinarangan ako ni Shelly.

"She is Infected, Liv. She can Kill us.." ani ni Shelly.

"Pero..." tumingin ako sa gawi ni Adriana.

"Wag kayong lumabas dyan, i will protect you here. Don't worry Ate Olivia, I'm Fine" ani niya.

.

.

.

Naghanap kami ng damit na isusuot. Mabuti nalang at may mga damit ma naiwan dito. Andito ako ngayon sa Tent ni Kuya para manghiram ng Damit. Pagpasok namin ay ayos na ayos ang Lugar.

"Mukhang nilinis muna ni Mama ang Lugar, bago umalis.." ani niya. Na realize ko m naamoy ko ang pabango ni Mama. Alam ko ang pabango na iyon dahil paborito niya iyong gamitin. Umupo ako sa Folding bed at si kuya naman ay naghanap ng mga damit. Napansin ko na may Bondpaper sa Mesa niya.

Kinuha ko iyon at isa iyong sulat. Tinawag ko si kuya at Lumapit siya saakin.

From: Mama and Papa

Dale, Asan kana Anak? Sinabi saamin na ipapadala kaming lahat sa amerika. Totoo ba na tumakas ka para kunin ang kapatid mo? Sobrang Nag aalala kami ng Papa niyo sa inyo. Sana ligtas kayo mga Anak. Patawarin niyo kami dahil wala kaming magawa para iligtas kayo. Miss na miss kona kayo Dale at Olivia. Sana makasunod kayo sa amin. Hihintayin namin kayo. Mahal na mahal ko kayo mga Anak.

Love,
Mama and Papa.

Hindi ko mapigilan na mapaiyak. Mahilig si mama na mamigay ng sulat sa amin kapag Birthday namin. Lagi niyang sinabi samin na yun ligawan nila ni Papa dati at gustong gusto niya talaga ang pagsusulat. Minsan naiinis pa ako sa kanya dahil puno na ang drawer ko ng mga sulat niya.

Pero ngayon, sobrang miss na miss ko ang sulat kamay niya. Inamoy ko ang Bondpaper at amoy na amoy ang pabango ni Mama.

Binigay na saakin ni kuya ang mga damit. Humingi rin ako ng damit na kasya kay Alex dahil madumi narin ang mga damit niya. Nauna akong lumabas dahil mag papakinga daw muna si Kuya.

Paglabas ko ay hinanap kona agad si Alex at binigay sa kanya ang mga damit. Pagkatapos kong magbihis ay umakyat ako ulit sa inakyatan namin kanina at tiningnan si Adriana. Naka upo siya sa sahig at kumaway sakin.

"Okay kalang ba diyan? May kailangan kaba?" Ani ko. Napansin ko na ginawa niyang harang ang mga sasakyan para hindi basta basta makalapit ang mga zombies sakaling masira ang harang ng court.

"Wala po ate, okay lang ako dito. Wag niyo po akong isipin dito." Ani niya.

Binigyan ako ni Shelly ang isang Bottled water at biscuit. May kasama narin iibang mga damit na para kay Adriana. Naghanap kaming ng Lubid at lalagyan upang maibaba namin. Kumuha kami ng maliit na Balde at itinali ang Lubid. Nilagay na namin ang Tubig, Pagkain at damit at dahan dahan itong binaba.

Pagkarating sa ilalim ay kinuha na ito isa isa ni Adriana at hinila kona ang lubid. Nagbigay rin kami ng kumot na hihigaan niya. Nagpahinga muna kaming lahat. Tag isa isa kaming natulog sa Tent dahil marami naman dito.

Mari Pov.

Maaga akong nagising dahil nahihirapan akong makatulog. Paglabas ko ay wala paring gising sa kanila. Uminom ako ng tubig at sinilip ang Kaibigan nila Olivia na nasa labas. Natutulog parin siya. Naaawa ako sa bata, gusto korin sana na papasukin siya para makasama namin dito. Bag pala kami matulog ay nagbigay rin kami ng Tent na para sa kanya, dinaan namin ito sa Pinto at Binigay sa kanya.

Sinasabi niya rin na ayaw nyang sumama sa loob kasi baka may magawa daw siyang masama saamin. Kahit papaano ka iniisip niys parin ang nakakarami. Ano na kaya ang gagawin namin? May dadating pa kaya na helecopter dito para saamin?

Nagikot ikot nalang muna ako dahil wala naman akong magawa. Napad pad ako sa isang kwarto. Bukas ito kaya nakapasok ako agad. May mga papeles na nakakalat sa mesa. Lumapit ako at tiningnan ito. May nakita ako na parang resume dahil sa maliit na Picture sa gilid. Isang lalake na naka lab coat at sa ilalim nito ay mga Personal Details niya. Kinuha ko ang paper na sa likod niya at may nakita akon nakalistang mga pangalan.

Natabig ko ang ang nakukumpulan na mga papeles at may nalaglag na Flashdrive. Lumapit ako sa Computer at Binuksan ito. Sinaksak ko ang flashdrive may nag iisang Folder ito at kapag binuksan kay may mga videoclips na Dates ang naka rename. Pinindot ang ang pinaka una.

"Hello, Everyone. I'm Marcus Rivera. I'm a Scientist. I want to share this to everyone, This is important. May isang laboratoryo ang pinatayo para eksperimentuhan ang mga Tao. Humahanap kami ng mga Tao na papayag na gawing sample kapalit ng malaking pera. At First, walang nagyayari. Lahat ng Experiments namin ay napupunta sa wala. We want to stop. Pero ayaw ni Doc Ocarus, Siya ang pinaka tahimik sa mga kasama ko. Pinahanap niya kami ng 25 na Tao para dito. Pumayag ako dahil sabi niya at huli nato at titigil na kami pagkatapos nato." Bigla siyang Lumingon at Lumapit sa Camera.

"Para silang halimaw, kapag nakakakita sila ng Tao ay gustong gusto nila itong kainin. Unang sintomas ay pamumula ng mata at pagdudugo ni Ilong. Araw araw ay iba iba ang tinuturok niya sa mga ito. Pero wala paring nagbabago. Lagi niyang sinasabi na magiging maayos din ang lahat, Magbabayad  sila. Tumatawa siya na parang baliw habang tinitingnan ang mga Taong nagwawala sa Kulungan."

Biglang mga narinig ako na mga Sigaw sa Video. Napahinto siya at pinatay ang Video.

The Attack of Z (Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon