diploma

16 4 0
                                    

GRADUATE NA ANAK NIYO MAMA

"Bobo! Bakit 91 lang 'to? Ang bobo mo talaga!"

"Ano ba 'to? Bakit 92 lang? Tumaas nga pero isa lang!"

"Huwag mo akong ma papa papa diyan, wala akong anak na bobo!"

"Kaya mo 'yan, nakaya nga ng pinsan mo na 96, 97, at 98 lahat ng grades ikaw pa kaya?"

"Magbulakbul ka nalang!"

"Wala kang mapapatunguhan diyan sa grades mo na 'yan!"

Mga katagang naririnig ko palagi kay papa, nakalakihan ko na, na dapat malaki grades ko. Ilang gabing puyat, ilang gabing naiiyak dahil kailangan kong ma perfect ang exam para maabot lang ang expectations ni papa.

Pero kahit anong gawin ko, hindi niya na a-appreciate ang mga paghihirap at sakripisyo ko. Ang nakikita niya lang ang numero sa card ko.

Naisip ko, nag-aaral ba ako nang mabuti para mapatunayan ang sarili ko sa magulang ko o para may matutunan ako?

"Anak, 'wag kang magalit sa papa mo. Iniisip niya lang kung anong nakakabuti sa'yo," sabi ni mama sa akin. Naging kabit ni papa si mama, kilala at galing sa mayamang pamilya si papa, si mama naman naging kasambahay lang nila papa dati.

Halos hindi ko nakasama si papa lumaki, tsaka lang siya nagpapakita kapag kumukuha na ng Card.

"Grades na nga lang niya pwede kong ipagmalaki, hindi pa niya magawa?" Sa sinabing 'yun ni papa, napagtanto kong hindi ko na na-enjoy ang pagiging bata. Na pressure na ako sa mga kailangan kong gawin para maipagmalaki  ako ng sarili kong ama na ikinahihiyang bunga ako ng pagtataksil niya.

Nag-aaral pa rin ako nang mabuti, pero hindi na sa puntong hindi ako makatulog sa gabi dahil sa daming babasahin. In-enjoy ko rin ang pagiging kabataan ko pero sa paraang alam kong hindi masisira ang kinabukasan ko.

"PURO 70 GRADES MO??!?!?? ANG BOBO MO!" Wala na akong naramdaman, namanhid na ako. Kahit halos suntukin na ako ni papa, wala na akong naramdaman.

Patagal nang patagal may napagtanto ako.

Nakatingin ako ngayon sa card ko, graduation na namin next week, at gr-graduate ako.

Halos line of 70 ang grades ko, pero nakapasa pa rin ako.

Maliit akong napangiti, bakit kailangan kong i pressure ang sarili ko kung alam ko sa sarili ko na hindi rin naman ako tanggap ni papa.

Si mama, tuwang tuwa nang nalamang g-graduate na ako. Ni wala siyang sinabi sa grades ko, proud na proud pa nga daw siya. Si papa? Wala na akong pakialam.

Kinompara ko ang sarili ko, nung panahong halos walang line of 80 at 70 ang card ko, panahong ang laki ng grades ko. Naging masaya ba ako sa panahong 'yun? Hindi, kasi ang nasa isip ko, gusto kong maging proud sa akin si papa.

Pero sa totoo lang, gusto kong matanggap niya ako at maipagmalaki. Ngunit sabi ni mama, walang magulang ang hindi kayang ipagmalaki ang anak, sa maliit man o malaking bagay.

Napagtanto ko rin, pagod na akong patunayan ang sarili ko sa taong nakikita lang ako bilang isang medalya at hindi isang anak.

Nakangiti ako sa linya habang hinihintay ang pagmartsa ko at pagtanggap ng diploma.

Nang tinawag na ang pangalan ko, naluluhang kinuha ko ito at bumaba.

"Graduate na anak niyo ma," bulong ko sa hangin.

Namatay si mama bago ang graduation ko. Sa practice lang ng graduation ko siya nakasali. Namatay siya dahil nag-away sila ni papa, sa gitna ng away nila inatake si mama, dead on arrival na siya sa ospital.

"Ma, graduate na anak niyo oh." Pinahid ko ang mga luha ko habang nakaupo sa puntod ni mama. Nakasuot pa rin ako ng toga, dala dala ko pa ang aking diploma.

Muli kong pinahid ang mga luha ko sa aking mata at suminghot. Hinawakan ko ang puntod niya.

"Mama naman eh," tumingala ako't pilit pinipigilan ang mga luha ko. Hindi ko matanggap, ang hirap tanggapin.

"Graduate na anak niyo mama," humahagulhul kong sabi.

Alam kong proud na proud ka sa akin mama, sayang wala ka sa tabi ko nung kinuha ko ang diploma ko, diplomang hindi mo nakamit dati kaya ako ang tumupad. Mahal na mahal kita mama.

________________
The End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DiplomaWhere stories live. Discover now