Kabanata 1

3 0 0
                                    

The one that got away

Naranasan mo na bang magmahal? Siguro naman oo, 'di ba? Tatawanan kita kung hindi pa. Sabi nga nila, masarap mag mahal lalo na kapag yung taong minamahal mo e loyal sayo. Wow, LOYAL! Meron pa ba noon sa panahon ngayon? Para sabihin ko sayo, oo meron pa! Siya lang naman si L.K (hindi niya ito totoong pangalan, guys.)

Second year highscool nung nagkakilala kami. Nag umpisa kami sa magkaibigan, not literally bestfriend pero magkaibigan. Gets niyo na naman yun di ba? So ayun, siguro masyado lang akong maganda kaya nabihag siya ng kagandahan ko. Nagparamdam siya saking gusto niya ko, hindi nagtagal nagustuhan ko din agad siya. Siguro kasi, dati pa kong naa-attract sa kanya?

Si L.K kasi yung taong gwapo na hindi pansinin kasi kulang sa confidence? Tsaka sobrang manly ng itsura niya, yung mga activities din naman kasi niya no, sobrang lalaking lalaki. Second year hs pa lang kami pero black belter na siya ng taekwondo, magaling din siya mag badminton, tennis, swimming, table tennis, golf at marami pang iba. Ewan ko nga din ba sa taong yung kung bakit sa dinami rami ng sports na hindi kayang laruin e, basketball pa. Tsk.

Siguro kaya ko din siya nagustuhan kasi kakaiba siya. Halos na sa kanya na ang lahat, matalino (oyes guys, honor student na athletic pa.), masipag (siya kaya lagi inuutusan ng mga magulang niya sa gawaing bahay.), sweet pero hindi clingy sa harap ng maraming tao, mabait as in MABAIT TALAGA WALA KA NG HAHANAPING IBA, mapagmahal, maalaga, galante, gentleman, loyal, maka-Diyos, may respeto sa tao saka lagi akong binubusog sa pagmamahal lalo nasa foods. I think that's the other reason why I loved him. If you want to win the girl's heart, give her foods and wait until she falls in love with you.

So ayun nga, hindi nagtagal e naging M.U din kami. Ewan ko pero feeling ko kasi parang kami na din nung mga panahong yun. Kasi may karapatan na kami sa isa't isa e, may commitment na kaya parang kami na din.

Sobrang mahal talaga ako ng lalaking yun kaya siguro na-spoiled ako ng sobra. Sabi ko nga sa inyo sweet siya, hindi matatapos ang araw na hindi niya ko sinasabihan ng "I love you". Mas sweet siya sakin pero ako yung medyo clingy. Isipin niyong, lagi siyang nag e-effort para sakin? Yung mga panahon kasing yun, ako daw yung prinsesa sa buhay niya since wala siyang kapatid na babae, yung reyna naman e syempre yung mommy niya. Kahit kailan hindi ko na-feel na hindi na niya ko mahal. Kahit nagseselos ako sa ibang babaeng lumalapit sa kanya, alam ko, ramdam ko na ako lang. Kasi yun naman yung pinapakita at pinaparamdam niya.

Kahit nga nag aaway kami, hindi ako pinagsasalitaan ng masasakit na salita nun. Kapag nagseselos siya, hindi siya sakin nagagalit, dun sa pinagseselosan niya. Basta para sa kanya, mawala na ang lahat.. wag lang ako. Para sa kanya, ako yung mundo niya. Sakin niya pinaikot ang lahat, ako yung priority niya kahit marami siyang dapat gawin, kapag ako na yung humingi ng time ititigil niya yung ginagawa niya just to be with me. Saka hindi kami masyadong nag aaway, siguro once in a month? Minsan nga hindi pa e. Lahat kasi ng bagay na pwedeng idaan sa matinong usapan e dun naming talaga dinadaan.

Maganda naman yung takbo ng relationship namin e. Tumagal nga ng two years and a half. Hanggang sa isang araw, parang nag sawa na ko. "Ayoko na, nakakasawa na yung madalas na kami yung magkasama. Nakakasawa na din, nawawalan na ng thrill 'to. Hindi na ko masyadong kinikilig, hindi din kami nag aaway kaya parang wala ng kulay. Sawa na ko." Yan yung madalas na sinasabi ko sa sarili ko noon. Pero hindi naman ako nakikipag hiwalay sa kanya kasi ayokong sabihin. Baka kasi temporary feeling lang yun, kaya tinry ko pa din. Sayang din kasi yung pinagsamahan namin.

Pero dahil nga sa nagsasawa na ko, hindi ko namalayang nawawalan na ko ng time sa kanya. Hindi ko namamalayang minsan, hindi ko na siya napapansin kasi sa iba nakalaan yung atensyon ko. Hindi ko namalayang cold treatment na pala yung napapakita at napaparamdam ko sa kanya. Kapag nagsasabi siya ng "I love you" minsan tatango lang ako o kaya naman sasagutin ko pero pilit.

Oo, kasalanan ko lahat. Kasalanan kong naging possessive siya. Naging insecure din siya sa mga taong mas pinaglalaanan ko ng pansin. And for that, nag away kami. Sinigawan ko siya, hinampas sa dibdib at sa braso and worst? Sinisi ko sa kanya ang lahat ng kashittan na nangyari samin. Sobrang immature ko, sobra. Pero alam niyo ba? Kahit ginanun ko siya, hindi niya tinangkang gantihan ako. Andun lang siya, nakatingin sakin, umiiyak, nagso-sorry kahit hindi dapat. Akala ko dun na matatapos yung katangahan ko sa buhay pero hindi pala. Kasi nung lalakad na ako papalayo, hinigit niya ako at niyapos. Pero sht, I'm the most stupid person kasi itinulak ko siya at sinabing

"Umalis ka na, please lang. Hindi na kita kailangan sa buhay ko."

Pero sabi ko nga sa inyo, kakaiba yan. Nagpa martir siya para sakin. Sinuyo niya ako for two months, ini-ignore ko lang yung mga texts, chats, or calls niya sakin. Kapag lalapit naman siya, iiwas ako or gagawa ng excuse para hindi kami magkausap. Siguro na feel niya na din na ayoko na talaga, sa loob ng two months na yun kita ko naman yung efforts niya na pabalikin ako. Alam kong nahihirapan siya ng husto, kaya siguro napagod na din siya sakin. Itinigil niya ang lahat after two months. Nung una, natuwa pa ko pero nung huli? Parang hindi na, hinahanap hanap ko na yung presensya niya. Ang hirap pala kapag nawala yung taong nakasanayan mong nandyan palagi sa tabi mo. Ang hirap pala talaga.

Kaya L.K, kung nababasa mo'to. Gusto kong humingi ng sorry. Tangina ang gago ko, ang tanga ko, ang bobo ko para pakawalan pa yung taong katulad mo. Graduate na tayo ng hisghscool. Magco-college na tayo, magkakalayo na. huli na nung marealize kong, mahal pa din pala kita. Huli na pala ang lahat, kasi alam ko dadating yung araw na may magmamahal sayo at hinding hindi gagawin yung mga ginawa ko. You deserve someone who's better than me. You deserve all the best in this world! Kaya kung magmamahal ka man ulit, sana wag kang matakot. Sana wag kang matakot mag try dahil sa ginawa ko. Open your heart always, okay? Sorry talaga.

Para naman dun sa babaeng mamahalin niya ulit, wag mo sanang gawin yung mga bagay na ginawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko yan kahit ako yung gumawa ng kagaguhang desisyon. Alagaan mo yan ha? Pakainin mo lagi yan on time kasi may ulcer yan e. wag mo din lalagyan ng pulbo katawan niyan kasi nangangati yan. Wag na wag mong patatagalin yan sa harap ng computer kasi yan e nalabo na ang mata. Basta, wag mong pakakawalan yan. Ituturing ka niyang prinsesa hanggang sa huli niyang hininga. Mahalin mo lang, wag kang mapagod, okay? Thank you!

Dito na po nagtatapos yung gusto kong ishare. Sana po hindi niyo husgahan ang kwento ko, dahil kahit  16 pa lang ako, naniniwala ako na "age is just a number." Ako po si A.N na nagsasabing lahat ng bagay o tao ay hindi permanente kaya pahalagahan niyo sila hangga'y nandyan pa. ayun lang, salamat sa pagbabasa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lives in a DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon