PROLOGUE

5 4 2
                                    


•••


"Where's dad?" tanong ko sa isang kasambahay na dumaan. I'm at the mansion right now. Dad texted me to go here 'cause he has something important to tell me.

"Nandun po sa office nya, Lady Xavy" bahagya pa itong nakayukod habang nagsasalita. Tumango lang ako at tinalikuran na sya.

"Martin..."

"My lady... you're dad is inside. Inaasahan nya ang pagdating mo" si Martin. He's Dad's secretary. Matanda lang sya sakin ng tatlong taon. He's a well built man. Matangkad sya, moreno, kulay blue ang buhok-ewan ko ba ba't blue- na medyo may kahabaan. Matangos ang ilong, may manipis at mapula-pulang labi, coffee brown ang kulay ng mata at laging color grey ang mga damit na sinusuot.

"K" tipid na saad ko.

Pagkapasok sa loob ay naabutan ko si dad na nakatalikod sa gawi ko at nakaharap sa malaking picture frame na nakasabit sa dingding. That was my mom, whom he's looking at. My loving, caring and beautiful mom. Oh god I miss her already...

"Dad" pag-aagaw ko sa pansin nya. Lumingon naman sya sakin. Kung gaano ka raming emosyon ang makikita sa mata nya habang nakatitig sa litrato ng aking ina, yun naman kalamig pag sa akin na sya nakatingin.

I know my dad hates me. Ako ang sinisisi nya sa pagkamatay ni Mommy. Tanggap ko naman yun. Ako naman talaga ang may kasalanan. Now, lahat nang iuutos ni dad, masama man o hindi, ay sinusunod ko upang makuha muli ang tiwala nya. Upang makita nya ako'ng muli bilang kanyang anak.

Umupo na sya sa kanyang swivel chair at seryosong tumingin sakin.

"Kamusta naman yung pinapagawa ko sayo?" walang kasing lamig na saad nya.

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita. "Niligpit ko na sila, Dad. Wala kanang kailangang ikabahala" tumango lang sya sa sinabi ko. May kung anong kumirot sa dibdib ko. Bakit ano bang inaasahan mong sasabihin nya sayo Xavy? na good job, anak? psh...

May kinuha syang folder at inabot ito sakin. Kinuha ko naman yun.

Napakunot-noo ako sa nakita. It's a map. Map of a specific land. My mother's land.

"What's with this land?" takang tanong ko sa kanya. Prente naman syang sumandal sa upuan nya.

"I want you to go there" he said.

"For what? Ano namang gagawin ko dun, Dad?"pinipigilan kong mainis. Kahit hindi nya pa sabihin, alam ko na agad ang gusto nyang mangyari.

"Well, I want all the parasite on your mom's land to be gone" he said casually. Parasite. Wow. Ang mga parasite lang naman na tinutukoy nya ay ang mga taong naninirahan dito.

"and why?"

"Because..." He leaned closer to her desk. "It's none of your business" seryoso at may diing sabi nya. "by tomorrow, gusto kong pumunta kana sa lugar nayan. Gawin mo ang lahat para mapaalis sila. Wala akong pake kahit patayin mo pa ang mga insektong yun...basta ang gusto ko...before this year ends ay mawala na silang lahat" napakadilim ng ekspresyon nya habang sinasabi yun.

Tumayo na sya at walang sabi-sabing lumabas.

"Ano naman kaya ang binabalak mo ngayon, Dad?" mahinang saad ko na nakaharap na ngayon sa pintong nilabasan nya.

***
At the age of five, dad taught me a lot of things... especially in fighting techniques. Limang taon palang ay sinanay nakong pumatay na parang isa lamang yung simpleng bagay.

Nang tumuntung nako sa edad na sampu ay inatasan nakong gawin ang una kong misyon. Ang misyon kung saan isang buong pamilya ang kailangan kong patayin.

"I'll be proud of you if you'll finish this misyon smoothly" dad said to me. Napakalambing nang boses nya nung sinabi nya yun. It was the first time he used that voice full of gentleness since mommy died. Kaya grabeng galak talaga ang naramdaman ko. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi 'i will make my daddy proud, no matter what.'

Kaya kahit anong makaawa sakin ng buong pamilya nayun ay wala akong pake. Parang nabingi na ata ang tenga ko. Walang awa kong pinatay ang dalawang mag asawa at tatlo nilang anak. Pero kahit ganun, isa lang ang pumapasok sa utak ko. Yun ay ang siguradong sobrang proud sakin ngayon ni Daddy.

Pero kabaliktaran ang nangyari. Kinulong nyako ng hindi ko alam kung gaano ka tagal. Dahil hindi ko raw nagawa nang maayos ang misyon. Nakatakas raw ang pangalawa sa panganay na anak ng pamilyang aking pinatay.

Ilang buwan rin akong umiiyak at nag mamakaawang palabasin at makita ang aking ama. Pero halos mapagod lang ako. Ayaw raw akong makita ni Daddy. Sabi pa nila my Daddy hate me to death.

Sa loob ng hindi ko mabilang na taon, ay wala akong ginawa kundi gumising, kumain, maligo, matulog muli, gumising, kumain.

Nung pinalabas nako ay halos mag makaawa muli akong ikulong dun. Wala kasing ibang ginagawa si Daddy kundi saktan ako. Ipapa-bugbog sa mga tauhan nya minsan naman ay ikulong sa isang silid na puno ng ahas.

Grabeng pag hihirap ang pinagdaanan ko bago bigyan muli ng mga misyon. Simula nun ay nangako nako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat maging proud lang sakin si Daddy. Ayoko narin magalit pa sya kaya pinag bubuti ko na sa lahat ng misyong aking natatanggap.

Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na ako na pala ang pinaka magaling sa aming lahat. Mas magaling pa sa mga tauhan ni Dad.

______________________________________

Date written: June 23, 2022
Time Finished: 2:08 PM
-MNGGY<3

Found Love in IloiloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon