Pangako sayo

137 1 0
                                    

Pangako sayo ikaw lang ang iibigin ko.

Habang buhay ikaw lamang sinta. Wala nakong hihingin pa.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.

Sa bawat oras minuto segundo ikaw lang nasa isip ko.

Dika ba napapagod?

Lagi ka nalang tumatakbo dito sa puso ko. Sa isipan ko.

Pangako ko sayo di kita iiwan.

Wag kang mag alala. Ikaw lang sapat na. Kahit parang Jejemon pakinggan. Ikaw lang talaga. Wala ng iba.

Sa puso ko ikaw lang.
Sa puso ko ikaw lang ang mahalaga.

Pangako ko sayo andito lang ako palagi para sayo.

Minsan diko maiwasang isipin ka. Lalo na sa tuwing nagiisa.

Alam mo simula ng ikaw ay mawala. Wala nakong naging koneksyon sa iyo

Ano na kayang balita sayo? Iniisip kita palagi.

Iniisip mo din kaya ako?
Kulang na nong nawala ka.

Kung pwede lang ako humuling na bumalik kana sakin pangako ko sayo mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko.

Pinapanalangin ko palagi na sana lagi kitang kasama.

Kaso wala eh. Sorry sa mga nagawa ko.

Iniwan kita. Iniwan kita dahil kasalanan ko.

Kailangan kong gawin yun para sa kinabukasan natin.

Makalipas ang limang taon noong maghiwalay tayo. Wala akong ibang inibig. Ikaw lang talaga.

Wala ng iba. Sana ako parin yung nasa puso mo. Sana ako parin yung lalaking papakasalan mo balang araw.

Kasi ikaw na yung babaeng hiniling ko.

Ibinigay ka na ni lord sakin. Ang saya ko nung mga araw nayun.

Pero nung araw ng umalis ako. Ang lungkot lungkot ko.

Pinangako ko sa sarili ko na ikaw lang.

Kaya di ako humanap ng iba doon.

Mahal na mahal kita simula palang.

Ikaw lang yung babaeng papakasalan ko.

Ikaw lang yung babaeng hahagkan ko.

Nasan kana ba? Namimiss na kita.

Bumalik kana sakin.

Sorry mahala ikay nasaktan bumalik kana sakin.

Alam mo namang mahal na mahal kita.

Patawarin moko sa mga nagawa kong kasalanan.

Nagpunta ako sa dati mong bahay. Baka sakaling nandun ka.

Nakita ako ng nanay mo. Nagulat sya sakin.

Hinanap kita sa kanya.

Nasa loob ka daw nagaalaga ng baby.

Kinabahan ako. May anak ka ba?

Sana pala di nalang ako umalis. Sana pala di nalang kita iniwan.

Pinapasok ako ng nanay mo sa loob ng bahay nyo.

Nakuta kita nag aalaga ng bata.

Nagulat ka noong makita moko.

Pogi ko no? Hahaha jk lang.

DI ka parin nagbabago maganda ka parin.

Tinanong kita kung kaninong anak yan.

Tinignan moko. At ngumiti ka.

Anak natin. Buti na lang at bumalik ka.

Nagbunga pala ang pag mamahalan natin.

Ngayon andito nako. Diko na kayo iiwan ng anak natin.

Mabubuhay tayo ng masaya.

Gagawa ng mga memories.

Masaya o malungkot man ang mga mangyayari ang mahalaga nag mamahalan tayo. At masayang magkakasama. Pangako ko sayo. Mas mamahalin ko pa kayo.

Pangako sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon