LG xxv

1.5K 36 2
                                    

Ara's POV:

Pauwi na kami ng Manila at parehas lang kaming tahimik ako na ang nagdrive .. Alam kong pagod sya sa mga ginagawa namin kaninang Umaga na Activities . ikaw na ang mag snorkling parasailing at scuba diving .. Jusko sari sari na ang nasa isip niyang gagawin ..

Mika: Ara ..

Nilingon ko sya at tinitingnan

Ara; Mika

Naluluha sya .

Ara: anong problema .. ?

Pinunasan ko ang pisngi nya

Mika: wala to ..

Ara:hmm Sure ka ?

At nag nod Lang sya . di ko na lang ulet sya tinanung pero alam kong may Mali . oo Alam kong Lastday na To .. At Mamaya ..

Magiging Engage na sya kay Kiefer . Hays .Oo Ngayon naka schedule yung Proposal Event na sinet namin ni Mela . Kung alam ko lang Diba di sana Di ko na lang tinanggap ..

Pero Wala eh . Nangyare na at mangyayari ang dapat Mangyare .. Ayokong maging Hadlang sa Kaligayahan nya .. Okay na ako sa pagiging Ama sa anak namin at sana Hindi Nya IpagDamot sakin si Reen . sobrang mahal ko yung Batang Yun ..





Ara: Salamat sa Trip ! I enjoyed it .

Paalam ko sakanya at niyakap nya ako ng sobrang Higpit .. Na parang ipinararamdam nya na

" Ara Please Lang Tayo na lang ulit "

O baka nagaassume lang ako na ganun ang gusto nyang iparating sa akin . siguro 10 mins lang kaming ganun na magkayakap at walang umiimik na ang tanging maririnig mo lang ay ang mga Hinga namin Dalawa mga Buntong Hininga ..

Mika: salamat sa Pagsama

Pagputol nya sa pagkakayakap naming yun

Ara: Wala Yun ye .. magiingat ka ..

Mika: Ikaw din ..

Ara: Sige ..

Tuluyan na syang Umalis at ng di ko na nasisilayan ang Kotse nya ay pumasok na ako sa Loob ng Condo ko..

Pagpasok ko sa Loob ng Unit ko ay may nakita akong Invitation ..

" You Are Invited To the Big Event Tonight at *insertplace* @ 7pm .SeeYou There My Friend "

- Kiefer ..

Pinadalhan pa nya ako ng invitation .. Anong oras na ba ? 5 pm pa lang naman .. Kaso wala naman akong Balak na pumunta .. Tama na yung Sakit ng pagpapalaya ko kesa sa madagdagan pa ako ng Sakit ng Pagiging Tanga ko .



Humiga na lang ako sa kama ko at tiningnan ko ang Pictures naming Tatlo nung Birthday ni Mama sa Pampanga . hay .. Kaloka .

Uuwi na Lang pala ako Bukas sa Pampanga . Tutal Wala pa naman Ganoong Gagawin .

Pero Bibisita ako sa Resto . Nakakahiya nman kina ate Kim ..

Pero sa Ngayon Kailangan Kong Magpahinga .. Yung Pahinga para Wag isipin ang Realidad . yung Pahinga na Para sa Sarili ko ..




*Kring Kring Kring*

Nagising ako sa ingay ng tunog ng Cellphone ko may Tumatawag . hays ! Sino ba yun ?

Bigla naman namatay ang Tawag at pagtingin ko 20 missed calls .. at puro kay ate Kim At Mela ..

Bakit kaya ? Ayan Tumatawag na

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon