___
When you hear the word WATTPAD, What comes into your mind first?
All about LOVE.
Puro landian.
Maraming Guwapo.
May forever.
Nakakakilig.
Diyan galing yung mga movies like TBYD, and DNP.
.
.
Most of you, ganyan ang unang naiisip noh?
Pero ako, iba.
LIFE ang unang naiisip ko.
Bakit Life?
Kasi buhay ko na ang wattpad.
Pag may problema ako, pupunta agad ako sa Wattpad.
At ayun, mawawala na agad problema ko.
Pag nabobored ako, Wattpad.
At mawawala na ang pagka-bored ko.
Ang daming naidudulot ang Wattpad sa buhay ko.
Hindi ko nga maintindihan yung ibang tao na kapag sinabing WATTPAD, sasabihin nila, cheap, yuck kadiri, mga malalandi lang ang nagbabasa niyan, at kung ano-ano pang negative reactions.
Oo inaamin ko na, halos puro romance, pero if you read them right naman, you can still learn things from them.
"Hoy Cathy!"
Nasa sayo na kung gagayahin mo, o hindi.
"Cathy!"
Basta ang alam ko, marami kang mapupulot na moral lessons doon.
"Hoy Cathy!! Tinatawag ka ni Ma'am"
Nagising ang diwa ko ng hilain ng classmate ko yung kamay ko.
"Bakit?" nasira tuloy yung pag-lelecture ko sainyo. tsk.
"Anong 'bakit' ka dyan? Tinatawag ka ni Ma'am"
Talaga! OMO! Ba't di ko narinig?
Pag-tingin ko kay Ma'am, ang sama ng tingin sa kin. Oppss.
"Miss Versoza, answer this." sabay turo sa white board na puro numbers ang laman.
"Yes, Ma'am." Buti talaga pinag-aralan ko kagabi iyon, kundi lagot talaga ako.
Pagkatapos kong sagutan, tinignan ko si Ma'am.
"Okay, very good. But please, pay attention okay?"
"Okay Ma'am. Sorry."
"Yeah, it's alright, you may take your sit"
SUCCESS!! HAHA
"Nawawala ka na naman sa sarili mo, buti nalang nasagutan mo iyon kundi lagot ka kay ma'am. Iniisip mo nanaman ang wattpad." sabi ng classmate ko, na nanghila ng kamay ko kanina.
"Hindi kaya."
"Liar, sinasabi mo na kaya iniisip mo kanina. Tsk. Bagay na bagay talaga sayo yung kantang 'Thinking Out Loud' "
RINGGGGGGGG......
RINNNGGGGGGGG....
Nagulat ako ng mag-ring. Tapos na rin sa wakas ang Math. Ibig sabihin, RECESS na! Yehey!
"Bilisan mo nga, Cathy."
"Oo eto na po, Miss Krissa."
Ah oo nga pala, bestfriend ko rin siya, pero di niya alam. Di ko kasi alam kung bestfriend rin turing nya sakin. Basta ang alam ko lang, lagi kaming mag-kasama at kilalang kilala namin ang isa't-isa.
"Oh, akin na pera mo, ako na bibili."
"Tsk. Tsk. Kilalang-kilala mo talaga ako noh?" sabay abot ko ng pera ko sa kanya.
"Ofcourse i do, you're Cathy and your always in Watty " sabay alis na niya para bumili ng pagkain namin.
Tsk. As always she's very cold. Krissa Cold talaga siya.
Ah, balik na pala tayo sa pag-lelecture ko sa inyo. HAHA
Isa sa pinaka-magandang naidudulot ng Wattpad sa 'kin is.....
OMO!! Si crush! nandito sa canteen. Ghadd. Ang gwapo niya talaga. Para siyang isang fictional character sa wattpad. Gwapo, Cool, Matangkad, Matalino, Walang Bisyo,Talented in short PERFECT. *^*
Pero syempre, joke lang 'yun. HAHA
Wala ng ganoong lalaki ngayon, sa wattpad nalang nag-eexist ang mga ganun. HAHA
Okay. Magbasa na nga ako sa Wattpad. Atleast doon kahit papaano, feeling ko, isa ako sa mga character. HAHA Tsaka maraming Perfect guys doon na hinahanap ko. Ang landi. HAHA
Tamang-tamang talaga yung sinabi ni Krissa Cold na..
I'm Cathy and I'm always in Watty.
_____
AN: Hope you like it. ^^
Please do comment and vote. Para alam ko yung mga reaction niyo. ^^
Saranghae!
BINABASA MO ANG
The Story Of A Wattpad Reader
Teen Fiction"Posible kayang mangyari sa totoong buhay ang mga nababasa natin sa wattpad?" "Yung mga 'oh so perfect characters' meron kaya sa real world o sa FICTIONAL world lang?"