Michelle

127 2 0
                                    

I.

"Wala nga kasi akong kabit, Mira!" paulit-ulit nalang. Yan ang palaging senaryo dito sa bahay. Simula ng nag-sampung gulang ako, away na sila ng away kesyo may kabit si papa.

"Putang ina mo Rick! Kitang-kita ko kayo sa Burger Machine kagabi! Halos hubarin mo na nga ang sout nyang uniporme kakatingin mo sa suso nya!" sigaw ni mama, habang binabato ng kung ano-ano.

"tang ina ka rin Mira! Lalayas na ako sa bahay na to! Nakakarindi ka!" binigyan lang kami ni Papa ng isang pilit na ngiti at nag empake.

—————————————————————————————————-

Preskong-presko parin sa utak ko ang rason kung bakit ako napunta sa trabahong ito.

Lumayas nga si Papa at hindi na bumalik, wala ni isang tawag, text og paramdam man lang. Para siyang bula ng sabon, downyhan mo lang, nawala agad. Simula noon, naubos na ang perang tinago ni mama. Dinala ni papa lahat ng selpon namin, sguro para ibenta. Naka-graduate naman ako ng High School yun nga lang — hanggang doon nalang. May apat pa akong kapatid, lahat sila nag-aaral. Tulong kami ni mama, alam naman niya na ganito ang trabaho ko pero hindi niya magawang pahintuin ako sa ganitong klaseng trabaho dahil ito lang naman ang bumubuhay at tumataguyod sa amin.

"Ate, penge ako pang-field trip namin" sabi ni junjun. Ang ika-tatlo kong kapatid na ngayon ay nasa 2nd year na ngayon.

"ahh, sige junjun. Bukas ko nalang ibibigay ha?"

"okay ate. Thank you po."

"ate, may pipti pesos ka po ba? Kasi may gagawin ako na project. Kelangan ko po kasi mag internet tapos magpaparint rin kase ako" sabi naman ng papalapit na si Jane. Ang ikalawa kong kapaid na graduating sa High School.

"ah eh kase, trenta nalang ito Jane eh." Sabe ko sabay kamot sa ulo

"kase, nag grocery ako kanina para may makain tayo sa pang isang linggo natin" dagdag sabe ko sa kanya.

"okay lang yan ate. Yan nalang, sasabihin ko nalang kay Kuya Entoy na uutang lang ako ng pambayad sa internetan niya" sabi ni Jane na ngumisi pa. Inabot ko sa kanya ang trenta pesos na natira.


"naaaay! Punta muna ako kina Yvonne! Kukunin ko na yung sweldo ko sa pagtututor" sabe ko kay nanay na nagluluto sa kusina.

"osige nak. Aba'y mag-ingat ka't umuwi agad dahil may sasabihen ako sayo"

"opo nay" sabi ko sabay lakad. Mabuti nalang talaga at malapit-lapit lang yong kina Yvonne. Yung anak kase niya ay mag gr-grade four na at hindi paren marunong magbasa. Kahit naman 4th year lang ang natapos ko ay matalino naman ako. Salutatorian kaya ako nung pag-high school ako.


—-

Nang makarating ako sa may gate nila Yvonne (hindi po talaga ako nag-aate) ay nag doorbell ako at pinagbuksan ni Yaya Kusing.

"Aba e pumasok ka na ditooong bata ka at napaka-enet. Aba'y Kesayang-sayang naman ng balat at muka mu pag iyan nasunog. Sige na ineng, si Mam ay nasa dining eerea lang naman at nagbabasa ng magaseeen!" nakakatuwa talaga si Yaya Kusing pagnagsasalita, galing kasi siyang San Tander kaya ganyan, pinagsasabay ang matigas at malambot na letra, pero napakabait niyan. Kumatok muna ako sa glass door nila Yvonne at binigyan nya naman ako ng malaking ngiti.

"Halika, Mich." pinagpag niya ang katabi niyang upuan senyales na gusto niya akong makatabi.

"Eto oh, 5000 yan." bigay niya sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil ang dapat na sweldo ko lang naman ay 2000. Yun ang deal namin.

"Ah Yvonne? Ba't ang laki naman nito? Isang buwan pa naman lang ako nagtututor at meron pa akong dalawang buwan, hindi rin naman ako nag advance o umutang" nalilitong sabe ko sakanya.

"Hahaha, kasi si Clint natuwa sa trabaho mo. Magaling-galing na daw si Eliza magbasa, samantala halos ang isang word noon ay hindi alam basahin. Kaya bunos niya sayo yan." Si Clint ang amerikanong asawa ni Yvonne, isa itong accounting sa California.

"Naku, maraming salamat Yvonne. Pakisabihan nalang rin si Clint na salamat dito. Promise yan, pagkatapos ngg tatlong buwan na tutor na ito ay napakahusay na ni Eliza magbasa." sabe ko sakanya na proud na proud.


"ayy, oo nga pala Mich. May dalawa akong kumare, gusto din nila magpatutor yung anak nung isa at yung isanaman ay apo niya. Binigay ko na nga yung contact mo. Kung gusto mo ay replayan mo lang at pag busy ka naman ay wag nalang. Rinecommend lang talaga kita kase super nag improve si Eliza."

"Naku, maraming salamat Yvonne. Pag ako yumaman e'te'treat talaga kita ng Buffet sa Radison Blu, nakuuu. Salamat talaga." Alam naman ng halos lahat ng tao dito sa Barangay namin, mapa'mayaman o skwater, alam nila ang klase ng trabaho ko pero hindi naman nila ako dinedegrade. Sa katunayan niyan ay nirerespeto ako ng mga tao dito, kumbaga — hanga sila sa'ken. Hehehe, aba eh dapat na ata akong ipang gawad tanglaw niteey.

Nagpaalam na ako kay Yvonne at naglakad ulet. Habang ako'y naglalakad ay naiisip ko kung gaano paren kabait ang Diyos kahit na sa anong pagsubok ang ibigay niya. Mahirap ang buhay namin pero nakakakain pa naman kame ng tatlong beses sa isang araw at paminsan-minsan ay nakaka snacks, kahit naman ginigipit kame ay nakakakain parin kami. Nakakapunta rin kame ng mga mall at nagpeperya pag may pista. Hindi rin naman kame masasakitin kaya okay lang kahit hindi kame mayaman. Yun nga lang, para maka-survive sa araw-araw at para sa pang gastos sa skwela ng mga kapatid ko ay kelangan kong magtrabaho bilang isang bayaran na babae.

Masakit mang isipin na araw-araw ay may iba't-ibang lalake ang humahawak ng iba't-ibang parte ng katawan ko, pero dahil nga para ito sa pamilya ko ay kinakaya ko. Ganun ko sila ka mahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Girl Rented OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon