The hardest..

15 1 1
                                    

The hardest part of break up is yung mga nakasanayan mo..

Yes, tama naman ako diba? Yung nakasanayan mo na paggising mo, may text na galing sakanya, yung mga sweet messages niya, asaran niyo, kilig moments niyo, yung puyatan moments niyo, yung kulitan niyo, lahat. LAHAT. nami-miss mo. Yung di mo alam ano na gagawin mo after ng lahat-lahat. Pero ano pa nga magagawa mo? Hanggang miss ka na lang, dahil wala na siyang pake sayo, iniwan ka nga diba? Ano pa aasahan mo? Na balikan? Laida at Miggy lang? Reality please.. Oo mahirap talaga mag-move on lalo na sa mga years ang mga pinagsamahan kasi mas maraming nabuong memories dun, pero pati din sa mga months masakit din, kasi syempre ine-expect mo natatagal kayo eh, may pa-forever pa kasi kayo eh. (lol) pero sa lahat ng nagbabasa nito, mapa-lalaki o babae man. You should learn to let go, kasi kung hahayaan mong sarili mo na magmukmok sa tabi, may mangyayari ba? Wala diba.. Kung nasaktan ka man niya, you should learn from it. Kasi atleast alam mo na may ibibigay pa si God na mas better, kasi siya lang din naman ang nakakalam kung sino ang tamang tao para sayo eh.

Nasaktan ka man sa paghihiwalay niyo, okay lang. Nagagalit ka sakanya dahil iniwan ka niya, okay lang. Pero dapat marunong tayo magpatawad. And dapat you should take this as a lesson. Di man naging maganda ang pagtatapos nung relationship niyo, you should still have to thank her/him coz atleast naranasan mong mahalin at magmahal.


Last but not the least you should wait.. cause God always have a better and perfect plan for you :).

The Hardest Part Of Breaking Up.. ( advice )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon