1:One-sided

20 0 0
                                    

Bakit kaya ganun? Kung sino pa yung taong gusto natin,sila pa yung may ayaw sa atin? Bakit pa kasi tayo maiinlove sa taong alam naman natin kahit kailan ay hindi tayo magugustuhan?


Ok. Isa sa nakahirap tangggapin sa sarili natin na hindi tayo mahal ng mahal natin.Masakit yun sobra,kasi yung mga handa mong gawin para sa kanya, ay hinding-hindi niya magagawa sayo,kasi niya HINDI KANYA MAHAL.

Bakit tayo nagkakagusto sa taong di tayo magugustuhan? Simple lang. Kasi ganun nalang tayo kalaking umaasang mamahalin tayo ng taong minamahal natin. na kaya niya rin ibigay yung mga kaya mong ibigay para sa kanya. Alam mo naman di siya interesado,alam mo naman sa sarili mong iba gusto niya. Pero, patuloy ka rin umaasa. Nagpapakatanga. Paulit-ulit mong tinatanong sa sarili mo, " Bakit siya pa yung nagustuhan niya? Bakit di nalang ako? Siguro mas maganda siya? Siguro mas ganto siya,mas ganyan siya."Sa totoo lang, wala manang mali sayo. Mali ka lang ng taong minahal. Hindi ka naman talaga sa ayaw sa kanya, talagang hindi lang ikaw yung gusto niya. At malaking magkaibang bagay yun.

Alam mo nang lolokohin ka, nagpauto ka parin. Alam mo nang ipapafall kalang,sinakyan mo pa yung trip. Alam mo na ngang marami na siyang "baby",nagpaadopt ka pa. Pero hindi kita masisi. Sabi ni Kim Chiu sa pelikula niyang "Paano na kaya?" " Lahat ng taong nagmamahal,nagpapakatanga. Tanga na kung tanga pero mahal kita." Wala e. mahal mo e. Iba talaga pag tinamaan ka ng pag-ibig. Kahit ilang pilit mo siyang tanggalin sa isip mo,nananatili pa rin siya sa puso mo.

Naalala ko dati yung mga pinaggagawa ko. Lagi ong sinasabi sa sarili ko " Naka move on nako,naka-move on na ako",pero deep inside inside,sakit na sakit parin. Ganun talaga. Para mapaniwala mo yung sarili mong ok ka na,sinasabi mong nakamove on ka na. Pero yan din yung nagiging dahilan kung bakit di ka makausad. Kasi siya pa rin yung bukambibig mo. At mali yun. Kung desidiso ka mag move on. dpat matagal mo nang ginawa. Hidni kasi yun basta-basta sinasabi mo lang. Kailangan gumawa ng aksyon para matulungan yung sarili mo.

Tinanong ko yung ka-close kung ate sa school. "Ate,bakit ganun? Bakit hindi nalang ako yung nagustuhan niya kahit gusto o naman siya? Ganun ba takaga kaganda yung babae para siya yung piliin niya?" Ang sagot niya sa akin. "Hindi naman sa hindi ka niya gusto. Malay mo iba lang ang tipong niya sa babae.Tsaka,may dahilan kung bakit di ka niya nagustuhan. Malay mo siya pala yung mananakit sayo. Malay mo siya palang yung magiging dahilan para mas lalo kang malungkot. Mas lalo kang masaktan." Dun ko na-realize na may point si Ate.Tama nga naman siya. Lahat naman ng bagay nangyayari nang may dahilan. Kung walang dahilan,edi wag na nating problemahin. Haha :)


Dito ko na to tatapusin. Medyo maikli lang siya,pero sana may napulot kayo(kung anuman pwedeng mapulot). Kung gusto niyo,magtanong na rin kayo sakin nang mga problema at sasagutin ko siya gamit ang mga nalalaman ko. Feel free to comment or suggest,dahil newbie palang ako sa pagsusulat ng mga ganto. Salamat sa pagbabasa!



-CJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon