CHAPTER XIII

2 0 0
                                    

CHARM's POV

Hell week has ended! Yeah. Natapus din ang stressful week. Natapus na ang madugong exam at luckily nakapasa naman kami ni Moks. And speaking of Moks, the outcome of our project was great. Infairness of him maayos naman mga sinabi niya about his conclusion about my personality. Although there are times he will say mean things about me like Im lazy on some things but it comes to studying Im so hyper.

* flashback *

  "She doesn't talk much but when you get to know her better, you'll never get board because of her none stop talking mouth. She's one hell of a girl. With one smile she can brighten up your gloomy day." Then she look at me seriously.

At napaka cheesy pa niyang sabi "She's always there whenever I need her, she's my angel. " at ayun na nga, naghiyawan na ang mga classmates namen. Ako naman si nakayuko lang. Bakit ako nakayuko? Kasi feeling ko para akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. Ikaw ba naman sabihan ng mga cheesy  words tignan ko lang kung hindi ka maloka.

Nung turn ko na natahimik ulit sila. Aba't talagang attentive silang lahat. All eyes and ears are on me. "Ah eh…" Natataranta ako, hindi naman ako mahiyain pag nagrereport ako kaya lang kasi ano, its so intimidating kasi. Biglang may nagsalita sa isa sa mga classmate namen.

"Uiiiyy! Kinikilig siya." At  nagsimula na naman sila mangantyaw. Pero pinatigil  naman sila ni Ma'am. "Class! Quiet, your distracting her. Charm you may proceed." Natahimik na ulit yung mga classmates namen.

"Hace is  stupid at times. He never think first before doing or saying things but then again he is a good person."  Gaya ng ginawa niya kanina tinignan ko siya straight to his eyes. "Kapag mahal niya ang isang tao gagawin niya lahat para lang sa taong mahal niya. You could say he's a womanizer but hell No. If he love someone, it will only be her, her and her alone."  Ngumiti ako sa kanya  at sumeryoso tapus tumingin sa mga classmates ko. "His a man. A great great man." Nagpalakpakan silang lahat. Tapus yung iba kino'congrats ako. Ang swerte ko daw kasi boyfriend ko siya.  Ngumiti lang ako sa kanilang lahat.

* end of flashback *

Hay nako! Nakakalungkot naman maalala yun. Kasi naman akala ng iba ako yun, yung babaeng mahal na mahal ni Hace. Eh sana nga ako na lang kaso hindi. Si Faith yun at si Faith lang ang mamahalin niya. Eh siya pa nga nagsabi na buhay niya daw si Faith. Anu yun joke? Eh kung buhay niya pala si Faith, bakit buhay pa siya. Tss! Ewan ko ba kasi sa lalaking yun. He told me that he will never give up until there's nothing left to daw. He even said that there's always a way through things daw.  Bahala nga siya.

Nasa bahay ako ngayon kasi saturday. I promise my self that today will be a stress free day! No Hace! No Faith! Just me. Hahaha. Pati kasi yung sarili ko minsan nakakalimutan ko na because of that stupid deal. Nakaka drain kaya? So today mag rerelax ako. Ano kayang magandang gawin? Magshopping? Magmovie marathon kaya? Eh kung magbasa na lang ako ng libro? Hmm that sounds good. I went to my room and search for a book to read? Pero wala akong nakitang maganda. Well nabasa ko na kasi lahat eh. Then a bright idea came into my mind. Magma'mall na lang ako at bibili ng magandang book. Yayayain ko na lang si Madz para may kasasama ako at matagal na din na hindi kami nagbonding. Naligo na ako at nagbihis then I went to Madz room.

"Madz!" Kinatok ko yun pinto pero walang sumasagot. 10 am na. Baka naman umalis siya? Or baka tulog. Pumasok na ako at nakita ko siya. Tulo laway pa pala siya. Ang gaga tulog na tulog. At kung anu yun damit niyang pumunta sa party kagabi eh yun parin ang suot niya. Hindi na nakapagpalit ang loka. Lasing na lasing siguro kagabi. Hmp. Makaalis na nga. Ako na lang mag isa ang pupunta. Hay nako, napaka loner ko naman masyado. Naging busy kasi ako sa deal namin ni Hace kaya hindi ko na din nakakasama si Madz. Naguguilty naman ako kasi bestfriend ko si Madz pero paminsan na lang kami magbonding. Hindi ko na din alam mga nangyayari sa kanya. Kung okay na ba sila ng boyfriend niya. Kaya naisip ko na bukas or anytime na hindi busy si Madz eh mag gigirls bonding kami just like old times. Napangiti naman ako. Naexcite ako sa ideyang naisip ko. Kinuha ko na yung car keys ko. I wore jumper shorts. Ang cute nga eh. Parang bata lang ang drama.

After 10 years nakarating din sa Mall. Nakakainis na traffic yan. The usual drive would be 20 minutes but because of the traffic, hell it became an hour. I felt exhausted. Ang the weather! Shocks! Napaka init! Nagmamadali akong naglakad papasok ng Mall. Naglakad lakad lang muna ako. Pachill lang. Ang init kasi talaga. Nakita ko yung National Book Store. BINGO! Pumunta ako dun. Pagpasok ko andaming choices of books. Ahhhh! Ang sarap lang sa pakiramdam na napapaligiran ka ng mga bagay na gustong gusto mo. Napangiti ako. Nagtingin tingin ako ng mga magagandang basahin. Inikot ko ang buong books section nila. Naaliw ako masyado kaya napadami dimw ang mga librong nabili ko. Mga 7 yata ang napili ko. Nagpuntj na ako sa counter at nagbayad. Pumila ako sa akala mo ay walang katapusang pila. Haayy! Ito ang pinaka ayaw ko, yung naghihintay? Pero wala naman akong pagpipilian. So patiently Ive waited, until sa wakas it was my turn. Nabuhay naman yun diwa ko. Kasi kanina nakakairita na sa haba ng pila. Binigay ko na yun card ko sa cashier. The lady swiped my card and thank me before leaving. I smiled politely. Napansin ko kasi yun babae na tinignan yun card ko. Its a debit card. Ofcourse! And siguro namukhaan ako. Didn't I mention na madami kaming mall and isa ito sa pagmamay ari ng parents ko. Lumabas na ako ng store. I felt my tummy grumbled. I look at my watch. Pass 12 na pala. Kaya pala nagwawala na naman ang mga vicious na alaga ko eh, hindi din kasi ako nagbreakfast kanina. Naglakad na ko to find something to eat. Pero nalibot ko na ang buong Mall wala parin akong makita, meron man puno naman yung place. Napagod na talaga ako kaya umupo sa isang bench.

Nagring yun phone ko cause para magulat ako. "Ay tipaklong" Anu ba yan. Storbo naman tong tumatawag. Tinignan ko kung sino yun caller. Si Moks lang pala. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba or hindi kasi this day supposed to be a No Hace day. Tinitignan ko lang yun cellphone ko. Pero wala akong nagawa kundi sagutin yun. Haay naku! Kung hindi ko lang talaga siya gusto nungka na sagutin ko tawag niya.

"HELLO!!?" Pasigaw kong sabi.

"Ang sungit mo naman. Nabasag na yata yung ear drum ko. At hindi ka ba nahihiya? Pinagtinginan ka tuloy ng mga tao dito sa Mall. " nagulat ako. Madaming tao? Did he just said Mall? Oh my gulay. Is he here? Tumingin ako sa paligid. And there!He's standing looking as hot as ever. I just felt my heart skip a beat. Eto na naman ang walang hiyang puso ko. Basta basta na lang nagwawala ng walang pasabi basta nandyan siya. Akala ko ba No Hace for this day?

Kunyari ka pa, eh kulang na lang tumambling ka nung makita mo siya. Sabi ng isip ko. Oo na, oo na. Naexcite na ako ng konti, konti lang naman.

He smiled at me sweetly. Anak ng tokwa! Para akong matutunaw sa kinatatayuan ko. Ang lakas ng impact saken ng simpleng ngiti niya. Kunwa nagpunas ako ng laway, feeling ko kasi tumutulo na. Oh my Hace! You never fail to make my heart full of happiness.

--

Feeling ko ako lang kinikilig dito! Hey people? Support me naman sa story ko? Feel ko kasi wala naman nagbabasa? Pero any how, Im gonna finish this story. Thankyou sa mga mangilan ngilan na nagbabasa. Salamat ng madami

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Right HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon