Nanghinang ang kanilang mga mata at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ni Tiffanny ang galit sa maitim nitong mga mata pero sinikap niyang huwag magpapaapekto.
"You don't care! Kung hindi dahil sa'yo hindi ako iiwan ni Yamza!"
"Come on, Tiffany, matagal ka ng niloloko ng boyfriend mo. And now you figured it out the truth, don't tell me na gusto mo parin ang lalaking iyon?"
"Huwag kang umasta na alam mo ang lahat tungkol sa kanya dahil kakauwi mo pa lang, and don't act like a boyfriend dahil hindi kita kailanman magugustuhan." angil na aniya ang mga mata'y hilam na sa luha.
Bumaba siya ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto. Hindi na niya nakita ang pait at sakit na gumuhit sa mga mata ng binata.
Nakuyom na lamang ni Lantis ang sariling kamao. Higit itong nasasaktan sa tuwing nakikitang umiiyak ang kababata. Alam nito ang lahat tungkol sa talipandas na lalaki sahil hindi lingid sa kaalaman ni Lantis ang nalalapit na pagpakasal ni Yamza sa babaeng kasama nito sa restaurant.
Kaagad itong pinaimbistigahan ni Lantis nang mabatid na kasintahan ito ni Tiffany. And God knows kung gaano nasasaktan ang binata sa tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. Gusto nitong sugurin at bugbugin ang lalaki sa tuwing hinahawakan nito si Tiffany pero batid din naman Lants na wala itong karapatan sa damdaming iyon. But not this time. He will make sure na hindi na muling iiyak si Tiffany. Damn that bastard!
Ilang araw nang hindi nakikita ni Tiffany si Lantis. Dapat sana ay matuwa siya dahil walang nang-aalaska sa kaniya pero bakit iba ang nararamdaman niya? Nagagalit siya dito dahil hindi man lang siya nito makuhang dalawin o kumustahin man lang. Kung ayos lang ba siya after nang break-up nila ni Yamza. But why all of sudden she couldn't feel regrets of losing his ex-boyfriend? As a matter of fact, she misses Lantis damn much. Ang presence at kakulitan nito na palagi niyang hinahanap ang mga ngiti at pang-aasar sa kanya ng binata higit sa lahat ay nananabik siya sa mga halik nito.
"Oh god!"
Nakagat niya bigla ang ibabang labi kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. It's been a longest time pero wala pa rin nagbago sa damdamin mayroon siya para sa lalaki. Hindi ito kailanman nawaglit sa kanyang diwa. In fact, she treasure those memories she spent with him for the last years. Nagpabaling-baling sa kama habang yakap-yakap ang unan pagdaka'y tumayo siya buhat sa kama. She took a deep breath as she stares her drawer right beside her bed. Binuksan niya iyon ang kinuha ang larawan ng binata na ilang taon na rin niyang iniingatan. The moment she looked at the picture her heart hammered inside her chest. Isa lang ang napatunayan ni Tiffany, She still madly in love with this man.
Kahit magkabalikan pa sila ni Yamza ay hindi rin niya tiyak kung anong damdamin mayroon siya para sa lalaki. Hindi rin naman kasi ganon kalalim ang nararamdaman niya sa dating katipan. 'Di tulad ng damdamin mayroon siya para kay Lantis.
Marahil nasaktan lamang siya at ang pride niya kaalamang niloloko siya ng dating nobyo pero bukod doon ay wala na siyang makapang panghihinayang sa dibdib niya.
Nanlumo siya nang mabalitaan niyang bumalik na ng state ang binata. Binabagyo ng sama ng loob ang dibdib niya sa kadahilanang hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Pero ano nga ba karapatan niya para magalit sa binata? Hindi ba siya rin ang nagtaboy may Lantis? Ano ngayon ang inaarte niya?
Buong araw siyang nagkulong sa loob ng kuwarto at umiyak hanggang sa mamugto ang mga mata. Indeed, she loved Lantis she really does, for many long years pinilit niyang kalimutan ang damdamin meron siya para dito subalit bigo pa rin siya. Ang lalaki pa rin ang siyang nilalaman ng puso niya mula noon hanggang sa kasalukuyan.
She even tried to fight against him just to rid out of her feelings but she was failled. The more he bullied her the more her hearts beats so fast longing for his love. Yet, the bachelor doesn't have any feelings for her.Masaya ito sa tuwing nakikita siyang naiinis at nagagalit. Marahil nagdiriwang na ang hudyo dahil wala na sila ni Yamza. Marahil ay nagpapakasaya na ito dahil napaiyak nanaman siya nito.
"Damn you, Lantis! Damn you, because I love you so damn much." humagulhol na wika niya.
Subrang naninikip ang dibdib niya sapagkat hindi manlang ito nagpaalam sa kaniya. Katulad nalang noon bago ito nagtungo ng state. Subra siyang nasaktan dahil hindi rin ito nagsabi sa kaniya. Umiyak siya ng halos isang buwan dahil sa pangungulila niya dito. At ngayon triple ang sakit na nararamdaman niya pagkat sigurado na siyang mahal na mahal niya ang binata.
"Ang sama mo! Any sama-same no talaga!" Hila as kuha ang my matang pananaghoy niya.
Maya-maya'y biglang tumunog ang telepono niya. Ayaw sana niya iyon sagutin dahil hindi siya makapagsalita sanhi nang pagkapaos sa walang humpay niyang pagluha. Ngunit pursigido ang nasa kabilang linya na maka-usap siya. Hindi naman rehistrado ang numero.
Inis na kinuha niya ang telepono at pinindot ang berdeng button."H-hello?" garalgal ang tinig sagot niya.
"Hi, sweetheart, be ready at 7: 30 sharp I'll pick you up," tugon ng nasa kabilang linya.
"L-Lantis?"
"H-hello?" Tila nabuhayaan ng lakas na tawag niya sa pangalan ng binata pero wala na siyang narinig mula sa kabilang linya.
So, ganon nalang ba iyon? After three weeks na hindi ito nagpakita ay tatawag nalang basta at sasabihing susunduin siya nito? That brute! aniya sa sarili, sinipat ang kamay ng orasan sa side table ng kama niya.
Napalundag pa siya nang mapagtantong kensi minuto lang ang nalalabi at darating na ang binata. Mabilis niyang binuksan ang tokador at pumili ng maisusuot. Mabuti nalang at katatapos rin lang din niyang maligo.Nasasabik na siyang makita si Lantis. Halos mabaliw na siya sa kakaisip dito sa araw-araw at buong maghapon. Mabilis niyang inayos ang sarili. Pinili niyang isuot ang plane red backless dress na lampas tuhod ang manggas. Hinayaan na rin niyang nakalugay ang buhok. Tinirnuhan niya iyon ng kuwentas na si Lantis mismo ang nagbigay noong debut niya. Ipinadala iyon ng binata mula state kasama ng liham na hangggang ngayon ay pinanghahawakan parin niya.
Padaka'y muling tumunog ang telepono niya na kaagad naman niyang sinagot. Saktong alas siyete medya.
"I'm down stair, sweetheart," si Lantis. Ang totoo ay nasa labas lang ang lalaki nang tawagan siya nito kanina.
