Chapter 10

187 37 13
                                    

Lilian's POV

Kahit na pagod, inabot parin ako ng kalahating oras bago nakatulog. It delights me to imagine meeting Reeve again. Hindi na ako nakapag reply sa message niya. Ngayon ko palang narerealize ang lahat. Tama nga at mag babago ang turingan namin dahil nan liligaw na siya sakin. I need to rest tonight. Kaylangan mag mukha ako presentable bukas.

Nagising ako sa paghawi ng kurtina sa aking bintana. Sumilay ang liwanag sa aking nakapikit na mata. Kinusot ko iyon at dinilat.

"Lilian gising na anak, kanina pa kita kinakatok pero walang sumasagot kaya pumasok na ako..." Manang said.

My body feels heavy , Pumikit ulit ako dahil nais ko pa ulit matulog. Imbes na bumangon ay tinabunan ko na lamang ng unan ang aking mukha.

Tanghali na yata, base sa matayog na sikat ng araw. Kaninang umaga'y bahagya akong nagising sa ingay ng chopper. Akala ko'y tuluyan na akong magigising doon pero nang makaalis na'y hinila ulit ako ng antok kaya heto't nagising sa ibang oras.

"Tanghali na lilian, malalate ka sa school mo Bilin ni Don, na gisingin kita para makapag almusal at may bisita ka sa baba" Manang said at mabilis na lumabas din.

Dumilat ako ng pabigla- bigla at unti-unting kong napagtanto kong may klase pa nga pala ako. Still disoriented hindi ko na initindi pa masyado ang sinabi ni manang.

Bumangon ako at nilinga ang paligid. Magulo ang aking kama at nag kalat ang iilang gamit sa side table pati narin sa sahig. Nahagip ng tingin ko ang walkman sa table. Wala sa sariling napangiti ako.

Hindi ko na pala naayos ang mga gamit ko dahil sa pag hahanap ng charger kagabi nakatulugan ko na ito dahil sa sobrang pagod.

Dumiretso na ako sa banyo para mag linis ng katawan. For today, I'm wearing a terno yellow shorts and yellow suit with a white spaghetti strap inner shirt. Ipinares ko iyon sa isang platform espadrille sandals na may puting straps and also use my diamon himalaya. Mabilis kong rin nilagay sa bag ko ang walkman.

Nag babalak ako mamaya mag pabili kila yaya ng box for it para mas safe ito sa bag ko even if i travel.

After getting ready ay lumabas ako ng kwarto. Sa labas ay may iilang kasamabahay na nag lilinis ng muwebles.

"Magandang Umaga, Señorita Lilian" ani nila at binigyan ko sila ng banayad na ngiti.

Bumaba pa ako ng hagdan at nakita pa ang iilang kasambahay.

"Umalis na si dad? " tanong ko sa kung sino man ang sasagot.

"Yes señorita. May aasikasuhin daw po sa trabaho"

Tinanguan ko sila at dumiretso sa hapag kainan. Naupo ako at nakita ang mga tinapay.Kumuha agad ako ng isa at nilagyan ng butter gamit ang bread knife. Kinagatan ko agad ito halos mapangalahati na.

"Lilian hindi kaba malalate niyan sa school mo?" Halos mag dadalawang oras ka sa pag aayos. Oo nga pala't bakit hindi mo muna puntahan ang Kaibigan mo sa common room nag kausap naba kayo? kanina pang alas sais nag hihintay yan sayo" sabi ni manang habang nakatingin sa bandang gilid ko sa malayo.

Dali dali ko naman binalingan ang sala at muntik ko na  mabitawan ang hawak na bread knife at tinapay na mapagtanto kung sino yun. Halos mabuwal ako sa upuan dahil sa biglaang pagtayo.

Nagkatinginan kami. Parang sa ayos niya ay kanina pa siya nakatingin sa akin at nag hihintay na mapansin. Her dark eyes made my heart flutter. And I've been practicing so bad to look at it directly, instead of looking away. It really feels like facing my greatest fears. Para bang tinutukso ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtitig pabalik sa kanya. Ipinagkakanulo ang sariling wisyo sa takot na nasa harap.

Revelry Legacy (Etérea Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon