Chapter 1

377 21 2
                                    


Angee's POV

"ANGELICA JHANE GEGANTE HINAHANAP KA NI MANG JUN" Isang malakas na sigaw ang nag pagising sa aking pagtulog aiishhh naman oh si mama kitang nagpapahinga yung tao eh.

"ANGEE ANO BA ? BABA KA DIYAN O BUBUHUSAN KITA NG TUBIG" Sigaw ulit ni mama kaya dalidali akong tumayo at sumigaw ng " OO NA MA PABABA NA" knowing mama gagawin niya talaga pag sinabi niya.

Pagbaba ko ng hagdan bumungad sakin ang makinis na ulo ni kuya jun charot HAHAHHAH kasi naman kalbo si kuya jun.

"Hi kuya jun anung maipaglilingkod ko ngayon sayo ? May ipapagawa kang jeep ?" Bungad na tanong ko sakaniya.

Well ganito kasi yon mahirap lang kami ang natapos ko lang ay senior highschool at ako ay 24 years old na hindi na kasi kaya ni mama na mag college ako kaya huminto nalang ako at tinutulungan nalang si mama magtrabaho paminsan minsan rumaraket ako kagaya nga ng pag aayos ng jeep natutunan koto sa tito ko,  dati kasi nakikita ko na nag aayos ng jeep eh chismosa ako nung bata ako kaya ayon natutunan ko narin pero pag wala namang ayos tinutulungan ko nalang si mama mag tinda ng inihaw sa labas at meron akong bunsong lalaking kapatid ang pangalan ay ryo napaka cute ng kapatid ko nayan at mahal na mahal ko nangako ako sa sarili ko na kahit hindi ako makapag tapos basta makapagtos si ryo, buti nalang may naiwang bahay at lupa ang lolo ko samin kaya hindi namin proproblemahin ang pag rerenta ng bahay kumbaga tubig at kuryente nalang pero nahihirapan parin kame kasi kulang talaga ang nakukuha namin sa pag bebenta ng mga inihaw at tyaka paminsan minsan lang ako swertehin sa mga raket pero back to kuya jun muna tayo.

"Angee may itatanong sana ako diba nag hahanap ka ng trabaho ?" Tanong ni kuya jun kaya tumango ako.

"Marunong ka naman mag drive ng jeep diba ?" Tanong niya kaya umoo ako marunong ako magmaneho dahil naging driver ako ng truck ng gulay dati see kahit panlalake na trabaho kaya ko.

"Omsmin naman kuya jun marunong na marunong" sabi ko sabay akbay sakaniya.

"Ganito kasi yon angee yung isang driver ko ng jeep ko ay nag retiro na at wala ng mamasada ng dinadrive niyang jeep kaya naghahanap ako buti nalang naalala kita" paliwanag ni kuya jun agad naman nagliwanag ang aking mga mata.

"Go ko nayan kuya jun kailan start ko ?" Agad kong sabi kay kuya jun yes isang permanenteng trabaho narin mas makaka tulong na sa gastusin sa bahay toh.

"Bukas agad kung gusto mo ? Pero ipasa mo muna yung mga kailangan mong ipasa mamaya sa opisina ko sa garahehan akoy mauuna muna para mag asikaso rin puntahan mo nalang ako mamaya don" nakingiting sabi ni kuya jun hays parang tatay ko na talaga tong si kuya jun napakabait unlike sa tottoong kong ama pero anyways wala nakong pake sakaniya.

"Sige kuya jun maliligo at kakain lang ako then pupunta agad ako don" sabi ko at inihatid si kuya jun palabas.

Nakita ko naman si mama na nagiihaw ng mga binili ng mga suki namen at si ryo naman ay nakikipaglaro sa mga bata sa labas.

"Ma may trabaho nako" masayang sabi ko kay mama "Anong trabaho ?" Tanong ni mama saken.

"Jeepney driver po ma kinuha ako ng kuya jun" masayang sabi ko tinignan naman ako ni mama na naluluha.

"Pasensya na anak ha kailangan mo mag trabaho imbis na tapusin mo pag aaral mo" yumakap na sabi niya sakin "Ma naiintindihan ko yon wag kana umiyak si ryo nalang pag tapusin natin sa pag aaral pagtulungan natin ma lahat gagawin ko para sainyong dalawa" sabi ko sabay yakap kay mama.

"Oh siya ma maliligo at kakain muna ako para ibigay yung mga kailangan kong ipasa kay mang jun pwede nadaw kasi ako mamasada bukas" paalam ko kay mama pero bago ako pumasok ng bahay ay kumiss muna ako sa pisnge niya.










"Oh ayan angee bago lahat ng parts niyan pinapalitan ko at pinapinturahan ko narin para mag mukha kang pogi sa chikot mo" pabirong sabi ni kuya jun kaya nag tawanan din yung ibang driver na nakatingin samin.

"Aba pogi pala ang angee" natatawang sabi ni coting anak siya ng may ari ng karinderya dito saga garahe ng mga jeep at tropa ko narin siya since bata kame.

"Magtigil ka diyan coting ikaw nga tomboy" belat ko sakaniya.

"Aba tomboy fyi lalake gusto ko" sabi sabay ayos ng bangs.

"Weh lalake pero binabae ?" Sambit ko na natatawa sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ewan ko sayo angee bahala ka nga diyan oh mga kuya ang tagal niyo naman ngumuya may mga susunod pang kakain oh" sabi niya sa mga kumakain na kanina pa nakatambay pag tapos kumain.

"Oh siya angee ngayon kana ba mamasada ? Pwede naman na bukas nalang" tanong ni kuya jun.

"Pwede ba ngayon na kuya jun ?" Excited na sabi ko.

"Ikaw bahala oh eto ang susi mag ingat ka sa pag dradrive ha iha" bilin sakin ng mang jun "Oo naman kuya jun mag iingat ako baka mawalan kang magandang pogi na driver" sabi ko kaya tumawa siya.

Andito ako ngayon sa terminal ng mga jeep at naghihintay ng pasahero kilala ko narin yung ibang driver dito kasi kadalasan sakin nila pinapaayos jeep nila pag may sira.

"Angee may boyfriend kanaba ?" tanong ni kuya john.

"Aba kuya john wala tyaka ayoko na mag boyfriend last na yung high school ako lason mga lalake" ngiwing sagot ko sa tanong niya.

"Sayang reto ko na sana sayo si terry yung anak ng may ari ng sisigan diyan sa kanto pogi pa naman yon" sagot niya sakin "Baka naman mas pogi pako sakaniya kuya john" natatawang sabi ko.

"Aba babae ba ang gusto mo ? Meron din akong irereto kung babae" natatawang sabi nya sakin kaya tumawa din ako.

"Nako kuya john self love ako tyaka family first tyaka ko na proproblemahin ang pag ibig pag andiyan na" sabi ko.

"Ah ganon ba sige ikaw bahala gandang poging bata mo kasi eh" tumatawang sabi niya.

"Oh siya kuya john puno na ng pasahero yung jeep ko mauuna nako"Paalam ko sakaniya "sige angee mag iingat ka sa pag dradrive" sambit niya sakin.


Author's Note:

Hi mga bakla so trip ko lang gumawa ng fanfic pag eto flop delete ko HAHAHAHAHA

Unwanted FeelingsWhere stories live. Discover now