Denise Pov
"Hoy! Gago bakit kapa naka higa jan?!" sigaw ni geo, andito sa condo ko ngayong araw iyong kasal ni veronica ayoko pumunta baka mag wala lang ako don.
Iniisip ko palang na sa kambal ko siya ipapakasal naiiyak nako.
"Ayoko nga sabi pumunta!" Singhal ko rito, hinampas niya niya naman ako ng unan.
"Ayaw mo pumunta sa kasal mo? Mismo? Kanina pa naghihintay doon si veronica" aniya niya, napa balikwasa naman ako sa sinabi niya.
"Anong kasal ko? Hindi ako ang ikakasal! Iyong gago kong kambal ang ikakasal!" Sigaw ko rito.
"Gago karin! Oh ito suotin moyan! Pag dika tumayo jan dadalhin ka namin sa simbahan ng naka ganyan na suot" inis na aniya niya saka lumabas ng kwarto.
Inis naman akong bumangon sa kama saka dabog na sinuot iyong damit na binigay saakin.
Pagkatapos ko mag ayos ay tinignan ko naman ang kabuoan ko sa salamin.
"Okay nayan pogi na tayo, ipakita natin sakanya na mas gwapo ako sa kambal ko" pagkausap ko sa sarili saka lumabas ng kwarto.
"Oh at lumabas rin ang mahal na hari, tara na! Nagagalit na si tita sryn may pa emote emote pa kasi" aniya ni geo saka ako hinila palabas ng condo.
Naka busangot naman akong sumakay sa kotse niya pinaandar naman niya ang kotse.
Mga ilang minuto pa ay nakarating narin kami, madaming tao agad ang bumungad sakin.
Nakita ko naman si mommy, lumapit naman ako rito akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng bigla niyang kurotin ang tagiliran ko.
"Kanina pa kami naghihintay sayo bata ka! pumunta kana sa loob! Dadating na siya tapos ikaw kakarating palang" singhal sakin ni mommy.
"Hindi naman ako kailangan sa loob mommy!" Dabog na aniya ko rito.
"Anong hindi?! Groom ka! tarantado!" Singhal sakin ni mommy saka ulit ako kinurot.
Hinila naman ako ng kong sino saka pina pasok sa loob, dinala naman ako malapit sa altar.
"Ang tagal mo man" napatingin naman ako sa gilid ko.
"Gago wala akong maintindihan" aniya ko kay kuya.
"Anong wala? simple lang naman ikaw ang ikakasal hindi ako, abay lang ako rito" naka ngiti niya pang aniya.
"Anong ginawa mo?" Aniya ko rito.
"Sakin nayon ang isipin mo iyang magiging asawa mo ayan na oh" aniya niya.
Tumingin naman ako sa tinitignan niya.
Bakla ang umiyak pero gago ang ganda ng asawa ko.
Asawa ko..
Gulat naman ang makikita mo sa mukha niya hindi rin ata alam na ako ang magiging asawa niya, tama yan magulat ka talaga.
Habang tinitignan siyang naglalakad papunta sakin, parang tumigil ang mundo ko.
Tanging ako at siya lang ang nakikita ko.
Ni hindi ko nga namalayan na nasa harapan ko na siya.
"Alagaan mo ang anak ko pag yan umuwi samin na umiiyak lagot ka sakin" aniya sakin ng daddy niya.
"Yes sir" aniya ko binigay niya naman sakin ang anak niyang napaka ganda.
"Denise ikaw?!" Aniya niya sakin.
"Oo ako nga" naka ngiti kong aniya rito.
"Bakit ikaw?" Aniya niya, naka kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Bakit hindi ako? Ayaw mo ba? May nararamdaman kanaba sa kambal ko?" Sunod sunod na tanong ko rito.
"Hindii! Wala akong nararamdaman sakanya! Sayo lang! Mahal kita no" aniya niya sakin.
"Talaga mahal moko?" Pinipigilang ngiting aniya ko sakanya.
"Oo mahal kita mahal na mahal" aniya niya.
"Mahal rin kita" aniya ko sakanya.
Bigla naman tumikhim si father sa harapan namin.
"Pwede naba akong magsimula?" Tanong ni father saming dalawa, tumango naman kami.
"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE" aniya ni father, walang pag alinlangan kong hinarap ang asawa ko saka siya hinalikan.
Nag sigawan naman ang mga tao matapos ang halikan naming dalawa.
"Iloveyou"
"Iloveyoumore wife"
Ikaw hanggang dulo mahal ko
Denise Texon