CHAPTER 2

22.3K 880 904
                                    

-

"So, anong dahilan umuwi ka?" tanong ni babe, himala isinantabi nya ang pagkain.

"May gusto ako ipagawa sa inyo."

"Kaming lahat po ba?" makapal na si tansan kung magsalita ngayon. Naalala ko nong una nya nakaharap si Dad, bigla sya nahimatay dahil sa takot.

"No, lima lang kailangan ko." Madali lang yan kung lima lang kailangan, pero bakit kami kailangan gumawa kung marami naman syang mauutusan na iba?

"Kaya na nila tanso tapos nong kambal yan dad," paladesisyon talaga si babe kahit hindi pa alam kung anong mission.

"Ano po gagawin?" tanong ni Louis.

"I need you to get something for me, a flashdrive. Tapusin nyo muna pagkain, mamaya natin pag-usapan." Yun lang pala gusto nya makuha at bakit kami pa kailangan gumawa? Sino kaya kalaban at bakit kinailangan pa bumalik ng pinas.

"Kaloka, dad, alam mo ba may sikretong tinatago sila Aaar eeeL at babe?" Kulang nalang matunaw ako sa mga titig nilang dalawa, pero oras na para malaman ni dad at ang tagal na nilang tinatago duh!

"Tinatago?" I nodded.

"May mga fiancee na po silang dalawa. Gulat ka no? opo hindi lalaki at babae ang mga kasintahan nila." diretso kong sagot dahilan upang mabulunan sya.

"Panira ka naman keybold! surprise nga sana tapos ibubulgar mo sa kanya bobo." inis na saad ni babe. Hindi naman ako na inform, sana sinabihan nila ako. Mga tanga!

"Wala na, hindi na surprise, thanks keyboard. " sabi ni R at isinandig ang likod sa upuan. Si Daddy hindi makapaniwala dahil sa gulat na rumehistro sa kanyang mukha. Akala nya siguro straight mga anak nya. Pwes nagkakamali sya dahil mga bakla sila.

"Mga bakla kayo?!" halos mabilaukan kaming lahat dahil sa pagsigaw nito.

"Ou Dad, hindi ko lang alam kung kilala nyo po ang family nila. Apo po ni Steve Ponferrada ang mga fiancee namin." walang halong kaba sagot ni babe.

"Steve Ponferrada?"

"Yes po." Si Ag sumagot sa kanya.

"I want to meet them ngunit hindi sa ngayon. Do you have any pictures? patingin ng mga fiancee nyo kung papasa sa taste ko." nag unahan naman silang dalawa sa paglabas ng kanilang mga cellphones.

"Actually dad, Ponferrada talaga surname ni H. Tapos kapatid n'ya at kapatid ng fiancee ni R ay may gusto sa akin." pag singit ni Iris sa usapan.

"Ang kapal ng mukha mo Iris, binaliktad mo pa talaga ang sitwasyon." ang sarap ibato sa kanya nitong hawak kong tinidor.

"Wala na yata mas kakapal sa mukha mo I." sabi ni hell.

"Talagang magkadugo pa ang mga target nyo ha?"

"Opo family goal tayo diba." proud ang Iris sa kakapalan nya.

"Dad look, this is my pie," agad inabot ni babe ang phone upang ipakita ang picture ni Pixie,

"And this is my kitten," segunda ni R.

"Wow! Ang gaganda naman pala ng mga magiging in-laws ko hahaha." sinasabi ko na nga ba at walang magiging problema kay daddy ang bagay na 'to.

"Naghahanap kasi sila sugar mommy,"  papansin talaga tong empaktang Iris kahit kailan.

"Hindi ba sapat ang monthly allowance na binibigay ko sa inyo at kinailangan nyo pa maghanap ng sugar mommy?" best actor din talaga kung mag drama si Dad, as if masakit ang puso nya sa natuklasan.

"Ano ba ginagawa nyo sa pera at hindi kasya?" tanong nito. Wala naman kaming ginagawa sa pera at hindi rin namin nagagastos dahil nga sa demogons. Sila halos gumagastos para sa amin.

ᴘᴜ2 : ʟɪɢʜᴛ ᴛʜᴇ ᴡᴀʏ (ɢxɢ)Where stories live. Discover now