Yes, Yes, No?

57 6 33
                                    

"O to the M to the G!", sigaw ko nang nakatapak na ang dalawa kong mga paa sa lupa mula sa pagkakadaong ng barkong sinakyan naming magkakaibigan papunta rito sa isa sa mga pangarap kong destinasyon dito sa Pilipinas.

"Oy, babaita! Try mo kayang umabante? Feeling mo ikaw lang nandito sa —" pagrereklamo ng kaibigan kong si Joana Ismael na siyang pinutol ng isa pa naming kaibigan na si Coleen Navarrez.

"— Is this real? Is this real?", dagdag ni Coleen habang tinatanggal ang  sunglasses niya at sinamyo ang amoy ng dagat.

"I knooow right!", tango ko sa kanya at umabante ng ilang hakbang mula sa kinaroroonan namin kanina.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang ako napahiyaw sa tuwa sabay sambit ng, "Boracay, nice to see you!" na ang mga braso ko ay nakataas pareho katulad ni Rose sa Titanic.

Wala pang ilang minuto ay naramdaman ko na lang na matutumba na ako dahil binangga ako ng isang taong mas malaki at matangkad sa akin.

"Aray ha!", pagdadaing ko dahil muntikan ko ng mahalikan ang lupa kundi lang ako tinulungan nila Jo at Leen.

"In fairness, ang wafu, mamsh!" Halakhak ni Leen habang inaalalayan nila akong tumayo.

"Asan ang gwapo?", sabay lingon ni Jo kaliwa't kanan at pareho namin siyang hinampas ng very light ni Leen.

"May jowa ka na, uy!" "Magtigil ka!" Bulalas naming dalawa sa kanya na siyang ikinatawa niya.

"Aray, aray ha! Mapanakit yarn? Bawal magjoke? G na g?" Sarkastiko niyang komento habang hinihimas ang mga braso niya mula sa pagkakahampas namin sa kanya.

"Tara na nga! Para masimulan na natin maglibot at mag-enjoy dito sa Bora!" Sabik na usal ni Jo na siyang sinang-ayunan namin pareho.

Hindi nagtagal ay natunton namin ang La Carmela de Boracay at kinuha ang key card sa aming kwarto.

"Hala, ang shala!" Komento ko nang madatnan ang kwarto ko.

Bilang mga young professional at kapwa may sarili-sariling trabaho, sinisigurado naming magkakaibigan na may oras pa rin kami para magkita-kita at mag-enjoy kaya naglileave kami ng tatlo hanggang apat na araw kada taon. Bukod pa doon ay pinapamper namin ang sarili sa paglalaan ng ipon para sa mga out-of-town trips namin at itinuturing namin itong self-care habit.

"Maaamsh!" Tuwang-tuwa na sigaw ni Leen sa kabilang kwarto at kumaripas naman ako sa kanya. Ganoon na lang ang hagikgik ko ng mapagtantong nakikipagtalo siya kay Jo kung kanino mapupunta ang kwartong yun.

"Ano ba 'yan kayo! Pareho namang magandang view ang meron kayo, bakit pinagtatalunan niyo pa!" Saad ko sabay upo sa dulo ng kama niya.

"Ano ka ba, mamsh! Tingnan mo, beachfront eto oh! Palibhasa kasi, kuntento ka na sa kwarto mo eh!" Iiling-iling na sambit ni Jo at napabuntung-hininga na lamang. "Ah basta! Sa akin na ang kwarto na 'to!"

"Hep, hep! Hindi pwede!" Pag-aalma naman ni Leen.

"Para kayong mga bata, mag-bato bato pick na lang kayo. Race to three! Sino matalo sa kabilang kwarto siya." Suhestiyon ko na sinang-ayunan nila. "Balik lang ako sa kwarto ko at para makapagpalit na ng swimsuit."

"K! Bye!" Usal ng dalawa habang busy sa pagbabato pick.

Matapos ang ilang oras ay nasa dining table na kami para mananghalian bago tumungo sa tabingdagat para sa banana boat and para-sailing activities namin mamaya.

"Hipon is life!" Wika ni Jo habang ako naman ay tahimik na ninanamnam ang iba't ibang uri ng seafoods na nasa aking harapan.

"Mamsh!" Tinabig ako ng mahina ni Leen sabay nguso sa isang matangkad at ubod ng puting lalaki na abala sa pagtetext sa kanyang telepono habang ang kanyang dalawa pang kasama ay nagtatawanan na naman.

Yes, Yes, No? ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon