Alisa's POV
Isang buwan na ang nakalipas simula ng maikasal kami ni Clinton.Akala ko magiging matiwasay ang pagsasamahan namin.Di niya ako tanggap,Palagi niya akong sinasaktan akala ko magbabago ang pakikitungo niya sa akin pero hindi pala akala ko mamahalin niya ako pero hindi pala.
Nabalik ako sa huwisyo ng makarinig ako ng malakas na busina sa labas.Agad kong binuksan ang gate.
"N-nakarating kana pala"Hindi niya ako nilingon.
Isinara ko nalang ang pinto at agad na kinuha ang bag niya
"WHAT THE HELL!!"Sigaw niya
Nagulat ako sa sigaw niya kaya agad ko siyang pinuntahan pero sampal lang ang iginawad niya sa akin.
"C-clint,A-anong problema?"tanong ko habang hawak-hawak ang pisngi.
"Anong problema?Gusto mong malaman?!Ikaw ang problema ko!Napaka-p*ta mo!"at hinila niya ang buhok ko.
Naiiyak ako sa sobrang sakit ng pagkahila niya.
"Aray!Nasasaktan ako Clint"
"Masasaktan ka talaga po*angina mo!Alam mong galing ako sa trabaho tapos walang pagkain di kapa nakapagluto?!"Sigaw niya sa akin.Hindi ako umimik.Ang sakit na talaga ng ulo ko.
"Hindi ka magsasalita?!Sumagot kang de po**ka!"
"Pasensya na Clint nakatulog kasi ako di ko namalayan ang oras"nakayuko kong sabi.
Kahit laging mainit ang dugo niya sa akin iintindihin ko siya.
"Umalis ka nalang sa harapan ko you f*cking gold digger"Mas lalong nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.Binitawan niya ang buhok ko at iniwan ako.
"You Fucking gold digger"
"You Fucking gold digger"
Paulit-ulit niya itong sinasabi sa akin pero masakit pa rin pala.Tama naman siya isa akong gold digger dahil pinakasalan ko siya noong na bankrupt kami
Napahikbi nalang ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Itutuloy.....

BINABASA MO ANG
Martyr Wife
RomanceBiglang nagpakasal si Alissa Orbeta sa isang womanizer na nagngangalang Clinton Arroyo dahil sa arrange marriage at pagkabangkarote ng kanilang kumpanya. "Ginawa ko ang lahat para makita mo ako ...nakalimutan kong mahalin ang sarili ko dahil sayo"-A...