"Tara Lye nood tayong concert" sabi ni Sue. Napasapo ako sa noo dahil hindi ko sya matanggihan, kaya sumang-ayon nalang ako sa kaniya.
"Saan ba gaganapin ang concert? Kelan? Anong oras? Sino ang mga kasama natin" Sunod-sunod na tanong ko.
"Oh haha easy isa-isa lang ang tanong, hindi ko kayang sagutin iyan lahat". Natatawang sabi nya at Napabuntong-hininga para sagutin lahat ng tanong ko. "Okay, Saan gaganapin ang concert? Sa Starmall gaganapin ang concert, Kelan? Tomorrow, Anong oras? Alas-sais ng gabi pero kailangan maagap tayo para may maupuan, and ang kasama natin si Zion pero siguro pupunta din yung mga kontrabida sa buhay natin" sabi ni sue. Nagkatinginan kami at saba'y na natawa.
Habang pauwi sa daan at saka ko lang naalala na mag papaprint pa pala ako kaya pumunta ako sa malapit na comuter shop. Habang hinihintay kong matapos ang pinapaprint ko napatingin ako sa isang screen ng computer dahil nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nagulat ako dahil sa naalala kong sabi ni sue na manonood kami ng concert, papalapit na ako sa babae upang magtanong ngunit namatay na ang screen dahil tapos na ang oras niya ,at tinawag na din ako dahil tapos na ang pinapaprint ko.
≈≈≈≈≈≈KINABUKASAN≈≈≈≈≈≈≈
Nagising ako dahil sa lakas ng patugtog ng ate ko. Tinupi ko ang hinigaan ko at nilinis ang kwarto ko bago ako nagsipilyo at naligo, pagtapos kong maligo ay bumaba na ako dahil naaamoy ko na ang niluto ni ate.
"Magandang umaga binibini ano po ang mapaglilingkod ko sa inyo?" Sabi ni ate Rein at saba'y kaming natawa. Ganito kami tuwing umaga pang pa goodvibes lang hahaha.
"Oh anak gising kana pala kain na tatawagin ko pa si Andrei tulog pa ata iyon" sabi ni nanay. Tumango nalang ako sa kanya kasi may laman ang bibig ko.
"Ate sama ka? Manonood ako ng concert hindi ko alam kung sino mag coconcert nakalimutan kong itanong kay sue." Sabi ko dahil alam kong sasama si ate,mahilig kasi siya sa mga concert.
"Sige, pero sino-sino ba ang kasama natin?"
"Si Sue tapos si Zion, manonood din daw yung mga kontrabida" sabi ko. Matagal nang kilala ni ate ang dalawa kong bestfriend dahil simula pagkabata magkakaibigan na kami, kilala din niya yung dalawang kaaway namin dahil sa inggit nila sa akin. Maganda kasi ako.
"Anong oras ba?
"Mamaya alas-sais pero dapat daw maagap tayong pupunta para nasa unahan tayo"sabi ko. Tumango nalang si ate.
Pagtapos namin kumain ng umagahan ay naglinis kame ng bahay para hindi makalat, habang nagpapatugtog para habang nag lilinis nag eenjoy,pagtapos namin maglinis umakyat ako sa kwarto ko at natulog.
"Andreina Lye bumangon kana diyan alas-tres na nasa baba na din sila Zion kasama si Sue" narinig kong sigaw ni ate dahilan upang mapabalikwas ako ng bangon.
Naghanda na ako ng damit na susuotin ko, at naligo na. Hindi ko alam kung may dress code ba kami pero para safe, nag suot nalang ako ng white sleeveless top tucked inside my high-waisted mom jeans, partnered with white sandals. Nagdala din ako ng leather jacket dahil malamig sa mall.
Naglagay ako ng simple make up para fresh tingnan at hindi hagard.Pagtapos kong mag ayos dinala kona ang sling bag ko na may kargang cellphone and wallet.
"Taray, sexy mo naman madam" sabi ni Zion habang tumatawa kaya natawa din ako dahil nakakahawa ang tawa niya.
Sumakay kami sa kotse ni Sue para hindi masayang ang gas namin ni ate mahal kase ang gas pero mas mahal kita hahah.
Naipark na ni Sue ang sasakyan niya at pumasok na kami sa loob pero bago pa man kami makapasok ay may makita akong isang poster pero hindi ko iyon pinansin.
Tama nga si Sue sa unahan kami naupo dahil maagap pa nandito na kami sa venue. Habang papalapit ang oras padami ng padami ang nga tao sa loob ng venue at nag siksikan na.
Maya-maya ay may nag mic check na at nagsalita na din ang host para sa simula
"Handa na ba kayo?" Sabi ng host.
"Opo" sigaw nang marami nakisigaw din sila Ate, Sue, at Zion sa sobrang excited.
Nagsimula na ang concert pero maya maya ay natigilan ako sa narinig kong pamilyar na boses. Napabalik ang tingin ko sa stage at nanlaki ang mata ko sa nakita ko
Now playing Upuan(ben and ben)
Mata'y 'di maipikit
Nang 'di ka naiisip
Ang utak, nilalaro
Ang hugis ng puso ko
Upuang magkatabi
Mayro'n bang kahulugan?
Kaibigan o pag-ibig
Ano ba'ng nararamdaman?
Nahuhulog na ako
Nahuhulog na sa 'yo
Nahuhulog na ako
Nahuhulog na sa 'yoNatigilan siya ng magtama ang mga mata namin at ngumiti sa akin.
Isang tingin mo lang, tapos na ang usapan
Isang tingin mo lang, nahulog sa upuan
Isang tingin mo lang, tiyak na sa isipang
Isang tingin mo lang, hanggang du'n na lang ako.Binalik niya ang tingin sa mga nanonood. Tiningnan ko si Sue pero parehas kami ang nagulat din dahil sa hindi inaasahan.
"Nice to see you again!" Tumingin siya sa akin at ngumiti atsaka bumaba ng stage. Nagpaalam ako kila ate na pupunta akong cr.
Pagkapasok ko sa cr nag breathing exercise ako at tumingin sa salamin pagtapos kong gawin ang breathing exercise nag ayos na ako dahil nagulo ng kaunti ang buhok ko.
Lumabas na ako ng cr pero nagulat ako dahil may humila sa aking kamay, pilit kong binawi ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak sa akin at hinila ako sa walang tao. NIYAKAP niya ako at bumulong siya sa akin.
"I missed you so much"
————————————————————————————————————————————————————————————————————
♡♡