Geek's
Nang lumiko ako, may nakita akong mga lalaki na nakapalibot sa isang babaeng mataas ang saya,
Teka, si babaeng saya yun ah! Nagdahandahan naman akong pumunta sa kinaruruonan nila
Tumatawa ang mga kumag kaya tahimik kong pinatumba ang pinakamalapit sa pwesto ko at noong akmang hahawakan na noong liit ang babae ay sinunggaban ko na ng halik- pwe! Ng SUNTOK! Si liit
Ewan ko lang bakit pero noong tinignan ko yung babae parang naiinis sya, grabe naman, ako na nga ang tumulong!
Umirap sya sakin at laking gulat ko noong pagbalik nya ng tingin sakin ay tinaas nya ang kanyang binti at sumipa!
Buti nalang at ni yuko ko yung katawan ko para maiwasan
Tinignan ko sya ng masama at nakatingin lang sya sa may paa ko
Pagtingin ko, ayon si kalbo, nakalampusay na
Lakas ng sipa ah! Hindi man lang ako winarningan!
"Tsk, hindi mo man lang pinaalam! Eh kong hindi ako na ka ilag!?" Sabi ko sa babae
"Wala ng oras nuh! Susunggaban ka na sana ni kinis! Psh, magpasalamat ka nalang kaya " sabi nya sabay irap
"Abah! Salamat ha! Tsk"
"You're being sarcastic, psh"
"Tsk" hindi nako nagsalita at tinignan lang sya ng masama, sinuklian din naman nya ang ginagawa ko
"HOI! Abat mamaya na ang LQ nyo at hindi pa tayo tapos!"
Sabi noong nasa gitna
Pagtingin ko, isa to sa mga nanghahamon sakin palagi
"Oh! Ikaw pala yan, Zen!" Tugon nito sakin noong nakilala niya ako
"Tamangtama, makakapag 'revenge' na ako sayo, gf mo ba?" Tinignan nya yung babae
Tinignan ko naman yung babae, hihindi na sana sya pero pinigilan ko
"Oo, kaya wag na wag nyo syang hahawak hawakan, kung hindi, hindi na ako magpipigil pa sa inyu!"
Nerd's
Ano na naman to! Nagagalit kahit tinulungan na!
Psh, epal epal kasi eh!
Eto yung palagi kong nakikita sa paguwi ko
Parang alam nya na nga ang ginagawa ko pero sana naman hindi nya napapansin, psh
"Tamangtama, makakapag 'revenge' na ako sayo--" charrr , 'revenge daw oh! Ang low class!
"gf mo ba?"dugtong noong tahimik lang kanina pero may kakaibang aura at Tinignan nya ako
Tinignan ko sya ng masama
Eto!? Boyfriend ko? Psh! Asa!
Sasagot na sana ako nang putulin ako nitong lalaking , tekA sya yun nabangga ko noong isang araw ah, psh bakit ngayon ko lang napansin -_-
"Oo, kaya wag na wag nyo syang hahawak hawakan, kung hindi, hindi na ako magpipigil pa sa inyu!" Sabi nitong kuya Bangga, Zen daw sabi ni taura (tahimik na may aura)
Takteng batang t0! Anong oo!?
Hindi ako nakaimik dahil sa gulat at inis!
-------*-*-*-*-*-*-------
Vote and comments are much appreciated ^_^
Thanks for reading :-)
~MJ
BINABASA MO ANG
Prince Geek vs. Princess Nerd
Teen FictionAre there geeks and nerds in your school? What if those geeks and nerds become the princes and princesses in your school, would you agree about it?